Kevin's Pov
At dahil ako ang duwag na kaibigan ni Sam. Dito na talaga ako sa bahay niya natutulog. Akalain mo yun, okay lang sakanya matulog ng kasama niya ako sa iisang kama. Oh diba, walang malisya.
"Kevin! Bumaba ka diyan! Andito sila tito at tita!"tawag nito saakin. Wow! Naisip pa pala nila ako. Samantalang, ilang araw na akong nakikitulog sa bahay ni Sam tapos ngayon lang nila ako pinuntahan dito ha.
Dahan dahan akong naglakad pababa ng hagdan ng makita ko sila na nakaupo sa sofa.
Hindi ba sila kinikilabutan? Ang daming ahas ni Sam. Bukod pa doon, marami itong alaga na nakakatakot. Kakaiba talaga ang parents ko.
"Kevin, umuwi ka na."utos ng aking ina saakin na ngayon ay nakaharap na. Bakit ako nito pinapauwi? Eh mas mapanganib nga doon saamin pag nagkataon eh kasi hindi pa kilala yung killer ni Martin.
"Ma, umuwi nalang kayo."ani ko dito. Tinitigan ko naman si Papa at mukhang alam naman nito kung bakit andito ako kay Sam.
Wala ng pamilya si Sam. Ayoko naman na sa panahong ganito mag isa siya.
"Mahal."tawag ni mama kay papa saka ito lumapit at hinawakan ang balikat nito.
"Malaki na ang anak natin."wika pa nito. Nakita ko naman sa mata ni mama na mukhang naluluha na ito nang tumingin ito kay papa.
"Pero-"hindi na naituloy ni mama ang sasabihin niya nang takpan ni papa ang labi nito gamit ang kanyang daliri.
"Asa tamang pag iisip na siya."wika ni papa kay mama na naging dahilan ng pagluha nito. Niyakap ni papa si mama.
"Kaya hayaan na natin siya, mahal."sabi nito habang yakap yakap niya si mama at hinahaplos ang buhok nito.
Napakasweet nga naman ng tatay ko sa nanay ko. Sana all talaga. Hindi ko nga alam kung saan ko namana ang pagkababaero ko eh kasi hindi naman ganun si papa.
Nakita ko namang tumango tango si mama saka ito kumalas sa yakap ng aking ama at nagwalk out palabas. Pero ngayon alam ko na kung kanino ko namana ang walk out ko mode ko, sa nanay ko.
"Mag iingat ka dito, anak."ani ni papa saakin saka ako yinakap.
"Mag iingat kayo, iha."wika nito sa direksyon naman ni Sam. Tumango tango naman si Sam bilang tugon.
Agad rin namang nagpaalam si Papa saamin saka tuluyan ng lumabas ng bahay ni Sam.
Nagkatitigan kami ni Sam na tila ba hindi ko maintindihan ang sinasabi nito sa kanyang mga mata.
"Hoy! Bakit ka tolero diyan!?"tanong nito saakin saka lumapit.
Maganda din naman pala siya kapag malapitan. Ano ba tong iniisip mo Kevin. Natatanga ka na ata eh.
"Siya nga pala. Nag email na saakin yung Academy. Starting tomorrow, yung mga may importanteng gagawin sa Academy pwede nang pumasok."pagsisimula nito. Umupo ito sa sofa at kinuha ang pagkain na nakahain sa lamesa.
"Yaya! Pakikuha si Mel!"utos niya sa kasambahay niya. Nagbibiro ata talaga siya eh. Mel? Okay sana kung aso yang alaga niya, eh kaya lang ahas.
Maya maya pa ay iniabot nang kasambahay nito si Mel.
"So papasok na tayo bukas?"tanong ko dito habang sumusubo siya ng pagkain at hinahaplos ng kabilang kamay niya ang ahas niya na si Mel.
Ibinaba naman nito ang tinidor na hawak hawak niya sa plato na asa lamesa.
"Oo. Bakit? Naduduwag ka ba?"tanong nito saakin nang may pagtaas kilay. Ako? Duwag? No way. Matapang lahi ko nuh!
"Hindi. Tinatanong ko lang."ani ko dito. Tinitigan ko ito ng mata sa mata at laking gulat ko ng ihagis nito saakin si Mel na naging dahilan ng paghalakhak nito at pagbulyaw ko.
BINABASA MO ANG
The Dieties Heiress(Completed but Editing)
FantasyEach one has its own secrets. A mystery that nobody wants to uncover. My name is Ivery Samantha Louise. Sam for short, a regular student that unable to accept that I has a strength. A strength that I can't quite picture at all.