Sam's POV
"Speziell!" sigaw ko dito saka ako tumakbo pababa ng hagdan sa bahay ko. Hindi ko alam kong bakit ang aga aga ay naririto ito pero isa lang ang talaga ang alam ko. May mabwibwisit nanaman ako.
Pagkababa ko ng hagdan ay agad akong sumakay sa likod nito. I really loved piggy back ride.
"Sam, ang bigat mo!" pagrereklamo nito dahilan upang lalo ko itong ininis. Hinampas hampas ko ang ulo nito saka ko hinila ang buhok nito.
I am a dragon. A dragon that can burn something and can also play the fire. Pinilit ako nitong makabitaw sakanya dahilan upang matumba kaming dalawa.
Ang awkward ng posisyon namin ngayon. Nakapatong ito saakin at magkapantay ang mukha naming dalawa.
"You want to play, my speziell?" sabi nito saakin. Tang ina nito. Hayuf!
Agad ko itong sinipa sa talong niya dahilan upang mapahawak siya dito at mapatayo't magtatatalon. Humalakhak ako ng humalakhak dahil sa itsura nito habang dahan dahan akong tumayo.
"Ang tanga mo." wika nito saakin. Bigla ko tuloy naalala si Kevin. Ang masayang aura ko kanina ay tila bigla na lamang naging malungkot.
Hindi ko alam kong anong mararamdaman ko.
Galit ako kay Kevin kasi si Morioka ang lagi niyang inaalala kesa saakin at madalas ito talaga ang bukambibig nito.
Galit ako sakanya hindi dahil may nagawa siyang mali. Nagagalit ako dahil may mas pakialam pa siya sa kakambal ko kesa saakin na kaibigan niya.
At ngayon, nagagalit ako sa sarili ko dahil alam ko sa sarili ko na gawa ito ng matindi kong selos sa aking kapatid.
"Speziel, okay ka lang?" tanong nito saakin. Tinignan ko naman ito. Itong hayop na ito, matapos akong sabihan na tanga; si Kevin lang pwedeng magsabi saakin ng mga ganyan pati ang mga mura, siya lang pwede. Siya lang pwedeng manakit saakin at hindi ang sino man.
Agad akong tumingin sa ibang direksiyon upang maalis ang nagbabadyang pagpatak ng aking mga luha.
I miss you, Kev. Promise, kapag katapos ng ball, pupunta akong Damnivia para sayo. Hindi ka pwedeng mawala saakin. Hindi ko pa nga nasasabi sayo na gusto kita tapos mawawala ka pa, walang ganyanan.
"Hoy, speziel!" pangungulit nito saakin dahilan upang sampalin ko na ito. My gosh! Sana alam rin nitong makiramdam kong natutuwa ba ako sakanya o hindi.
"What was that for?" he asked.
"That's for calling me TANGA." mariin kong sabi dito saka ako padabog na umakyat papunta sa kwarto ko ngunit bago pa ako tuluyang pumasok dito ay sumigaw muna ako.
"Mag ayos ka na diyan and you're coming with me!"
🌺🌺🌺
Clyde's POV
Kanina lang ay bad mood talaga ito. Ngayon naman ay natutuwa nanaman itong naglalaro ng bowling.
Kakaiba talaga ang mga babae lalo na itong isang ito. Ang bilis magbago ng isip, kairita.
"Hoy, speziell! Hindi ka ba marunong maglaro nito?" Hindi ko nalang ito pinansin at saka ako kusang kumuha ng bola. Mukha namang madali lang ang ginagawa niya kaya siguro naman ay kaya ko ang ginagawa nitong paglalaro.
Agad ko namang pinagulong ang bola upang tamaan ang mga nakatayong mga bagay na asa malayo maya maya pa ay bigla na lamang nag iba ang direksiyon nito dahilan upang tawanan niya ako.
"Weak." ani niya saka humalakhak ng humalakhak. Agad ko naman itong hinila sa stasyon ng mga pangbasketball. Dito ay sigurado akong mananalo na ako.
"Talagang dito mo ako dinala ha." wika nito na may kasama pang pag ngisi. Ano bang mayroon at ngumingisi ito?
Tag isa kami ng court at paunahan kaming makapag shoot sa loob ng sampung minuto ng bola sa ring. Ang sino man ang pinakamaraming naishoot sa loob ng ring ang siyang tatanghaling panalo.
Alam ko sa sarili ko na lalaki ako kaya alam kong mahina ito sa mga ganyang laro. Agad namang natapos ang laro kaya sabay kaming umatras at tinignan ang puntos naming dalawa.
Napanganga na lamang ako ng makita ko ang sakanya.
"Panalo ako." ani nito saakin saka ako binatukan.
"So anong gagawin ko?" tanong ko sakanya. Ngumiti naman ito ng nakakaloko saakin saka lumapit at bumulong saakin.
"Sige." sabi ko dito. Ililibre lang pala ng milktea, isaw, ulo ng manok tapos pizza eh. Akala ko naman kung ano na.
Agad kaming nagtungo sa pinakamalapit na bilihan ng milktea at pizza.
"Hindi ka pa kakain?" tanong ko dito ng mapansin kong hindi pa nito ginagalaw ang mga binili naming pagkain.
"Mamaya ako kakain kapag asa seaside na tayo." ani nito. Seaside ha? Gusto niya bang makita ang view ng dagat with me? How sweet naman pala. Ang romantic nitong babaeng ito.
Agad kaming dumiretso sa sinasabi nitong sea side pagkatapos naming bilihin ang isaw at ulo ng manok. Ayoko sana ang mga iyon pero dahil ang speziell ko ay nagkrecrave ng mga nakakadiring pagkain edi pagbibigyan ko na. Minsan lang naman eh.
"Hoy? Okay ka lang?" tanong nito saakin. Napansin ata nitong diring diri ako sa pagkain ng isaw. Well, may taste naman ako nuh kahit na mga kakaibang nilalang kami. Tumango naman ako sakanya bilang tugon. Napangiti naman siya dahil doon.
Tinignan ko ito habang nakatitig ito sa sunset kong tawagin nila. Ang ganda niya. Hindi lang maganda kundi napaka ganda. Kung hindi lamang sana galit ang aking Ina sa kaniyang ama't ina ay malamang gugustuhin ni Ina ito at sigurado ako doon.
"Alam mo ba, dito ko naranasan yung first kiss ko." ani nito saakin. Pinakinggan ko lang ito habang nakatingin ito sa sunset.
"Kaya lang hindi ang taong gusto ko ang first kiss ko dito." wika nito.
"Gusto ko sana, kahit hindi siya yung una. Sana siya yung dulo at sana dito sa mismong lugar na ito." wika nito saka tumingin saakin.
"Clyde, kelan ba matatapos ito? Simpleng buhay lang ang gusto ko dito sa mundo na kinalakihan ko pero bakit parang ang hirap para saakin?" tinitigan ko ito sa mata. Maamo naman pala ito at mayroon din naman pala itong malambot na puso katulad ng ibang babae.
Inakbayan ko ito habang sumisipsip ako ng milktea.
"Ikaw kasi ang Prinsesa." sabi ko dito. Ikaw ang prinsesa, kaya ako rin ang nakadaktang papatay sa iyo.
Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit parang ang sakit para saaking sabihin na ako ang nakatakdang papatay sakanya.
Kung hindi ko lamang Ina ang dating Reyna Cassiopeia ay hindi ko gagawin iyon. Kahit gaano ka pa kasadista at kahit gaano ka pa nakakabwisit kapag nambwibwisit ka, alam ko sa sarili kong unti unti kong nagugustuhan ang ugaling mayroon ka.
Unti unti akong nasasanay na mayroon ka sa buhay ko.
A/N: Hello sa lahat ng Appreciaties ko 💚 I hope you like this morning update. Sa lahat po ng magcocomment sa story na ito. I'll assure you that I will mention you to my next update! Mwah! 💚
BINABASA MO ANG
The Dieties Heiress(Completed but Editing)
FantasiEach one has its own secrets. A mystery that nobody wants to uncover. My name is Ivery Samantha Louise. Sam for short, a regular student that unable to accept that I has a strength. A strength that I can't quite picture at all.