Chapter 40: His Killer

16 8 4
                                    

Clyde’s POV

Pumasok ako sa salamin na nag uugnay sa mundo aking silid sa mundo ng mga tao at sa silid ng aking Ina sa palasyo ng Lavreska. Pagpasok ko pa lang ay ibang pakiramdam ang aking naramdaman ganoon din ang kasama ko na ngayon ay nararamdaman kong nanginginig na.

“Mahal na Prinsepe, sigurado ka na ba sa iyong gagawin?” tanong saakin ni Solomon na kanina pa nangungulit saaking huwag na munang kitain ang aking Ina dahil sa pakiramdam niyo'y may mangyayaring masama saamin anumang oras.

Bata pa lang ako noong huli ko itong nakita. Nais ko sanang makita na ito ngayon nang sa gayun ay masilayan ko na ang kagandahan taglay nito. Nais kong masilayan ang tinataglay ng aking Ina.

“Sigurado na ako.” sabi ko dito. Alam kong nais rin muna ako nitong makita bago ko dalhin sa kanya ang anak ng kanyang dating asawa na siyang gagamitin namin upang maging isa sa pinakamakapangyarihang nilalang sa buong Damnivia.

“Hindi ka ba natatakot?” tanong ulit nito saakin. Napakunot noo naman akong tumingin dito. Kanina pa kasi ito tanong ng tanong mula nang pumasok kami sa loob ng salamin.

“Alam mo kung natatakot ka sa aking Ina, maaari ka ng bumalik sa aking silid at doon na lamang mag antay.” Palibhasa ay pinahirapan ng aking Ina ang kanyang mga magulang dahilan upang masindak siya sa aking Ina. Nanahimik na lamang ito ng sinabi ko ang mga katagang iyon.

Siguro naman ay hindi naman ako balak saktan ng aking Ina sapagkat malaki ang pakinabang ko sa kanya. Ganun naman talaga eh. Ipinanganak ako bilang isang indemento upang makuha nito ang kanyang nais.

Pagkarating namin sa silid ng aking Ina ay agad kaming bumaba sa isang kapiranggot na balahibo ng isang ibon na aming sinakyan patungo sa kanyang silid. Inilibot ko ang aking paningin sa buong silid at pinagmasdan ang bawat detalye nito.

Dati rati ay pangarap ko lang ang makapasok dito. Hindi ako makapaniwala na sa pagkakataong ito ay nakapasok na ako rito at hindi lamang iyon, nakaapak pa ako ng mas matagal pa sa sampung minuto.

“Sigurado ka bang andito ang iyong Ina, Prinsepe?” tanong nito saakin habang ito ay nakahawak saaking mga braso. Hindi ko alam kung lalaki ito o hindi dahil sa inaasta nito na tila ba isang babae.

“Bitawan mo nga ako.” utos ko rito. Naiirita narin kasi ako sa hawak nito at sa galaw nito dahilan upang mainis ako at iutos iyon sakanya.


Agad naman nitong sinunod ang aking nais. Binitawan nito ang aking braso dahilan upang maramdaman kong ako’y malayang nakagagalaw.

Samantala, isang bolang apoy ang tumama dito matapos ako nitong bitawan. Bumagsak ang kanyang katawan sa sahig at halos maligo na ito sa kanyang sariling dugo. Hinarap ko kung sino ang nilalang na nambato ng bolang apoy sa aking kaibigan.

Hindi ko lamang ito alalay kundi isa ito sa pinagkakatiwalaan ko at isa sa mga itinuturing kong isa sa mga pinakamatalik kong kaibigan.

Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko kung sino ang bumato ng ganoon kalakas na kapangyarihan, ang aking Ina.

“At sinong may sabi sa kanyang maari niyang hawakan ang Prinsepe?” ani nito saakin habang nilalaro nito ang isang bolang apoy sa kanyang mga kamay.

“Ina, kaibigan ko naman siya. Si Solomon po iyan.” pangangatwiran ko dito. Napatingin naman ito sa direksiyon ni Solomon na nakahandusay na sa sahig at tila wala ng buhay.

“Hindi ka dapat nakikipagkaibigan sa mga mahihina't mabababang nilalang na katulad niya.” malamig nitong sabi saakin saka muli nitong ibinato kay Solomon ang apoy nito dahilan upang unti unting masunog ang katawan nito.

Sinubukan kong apulahin ang apoy sa kaniyang katawan ngunit pinagbantaan ako ng aking Ina.

“Tutulungan mo ang isang iyan o kakalimutan kong anak kita?” pananakot nito saakin. Buong buhay ko ay nais kong mahalin ako ng aking Ina ngunit ni minsan hindi nito naiparamdam saakin iyon. Mabuti na lamang ay ipinaramdam iyon sa akin ng mga taong kumupkop saakin sa mundo ng mga tao.

Tumulo na lamang ang luha ko nang makita ko kung paano gawing abo ng apoy ang katawan ni Solomon.

“Huwag kang umiyak. Lalaki ka, maging malakas ka!” sigaw nito saakin.

“Ina, kaibigan ko iyon!” pangangatwiran ko dito. Tumitig ito saakin ng napakaseryoso na ano mang oras ay maaari ako nitong isunod kay Solomon.

“Ikaw ang susunod na Hari ng Lavreska! Marapat lamang na wala ni isa kang maging kaibigan!” bulyaw nito saakin.

“Bilang isang Hari, mag iisip ito sa kritikal na paraan nito at hindi ito agad sasang ayon sa opinyon lamang ng isang nilalang. Bilang isang Hari, kakalimutan nito ang mga matatalik nitong mga kaibigan upang maisakatuparan nito ang kaniyang plinaplano para sa nasasakupan!” dagdag pa nito. Ganiyan na ba talaga kasama ang aking Ina? Bakit tila nilamon na ito ng kanyang pagiging Reyna?

“Kung ganoon rin naman ang kapalit ng lahat ng ito, ayoko ng maging isang hari!”sigaw ko dito bago ako tumalikod sakanya at nag umpisang maglakad papalayo dito.

“Bumalik ka dito!” sigaw nito saakin. Lumingon ako sa direksiyon nito. Bakas sa mukha nito ang galit na nararamdaman nito ngayon.

“Proprotektahan ko sila, Ina.” sabi ko dito bago ako umapak sa sinakyan namin kanina patungo rito sa silid ng aking Ina.

“Ako ang Reyna Cassiopeia! Ina mo ako, Clyde! Bakit ba napakatigas ng ulo mo? Ganyan ba ang naidulot sa iyo ng mga umampon sa iyo sa mundong iyon?” inis nitong sabi saakin. Tinitigan ko lamang ito ng matagal bago ako makapag isip ng magandang sasabihin. Sa pagkakataong ito, sigurado na ako. Kahit mawala na saakin ang lahat kung isang malaking kabutihan naman ang aking magagawa.

“Kung gayu’y mula sa araw na ito. Hindi na kita, Ina. Ayoko ng maging Ina ka, Mahal na Reyna Cassiopeia!” sabi ko dito bago ako tuluyang pumasok sa loob ng salamin nito.

“Clyde!” sigaw muli nito ngunit hindi ko na ito nilingon. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko o tama ba ang nasabi ko.

Ngunit, isa lamang ang sinisigurado kong gagawin ko kahit ano pang mangyari.

Proprotektahan ko ang mga Prinsesa, lalo na ang Prinsesang may taglay ng kapangyarihan ng isang manlilikha, si Sam.

The Dieties Heiress(Completed but Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon