Chapter 34: She's back

10 6 2
                                    

Solomon's POV

Dahil wala ang Prinsepe ngayon, agad naman akong inaya ng Prinsesa ngayon sa tinatawag nilang Mall. Sa tana ng buhay ko ay ngayon lang ako makakapunta sa sinasabi nilang Mall.

"Hoy!" kumakaway nitong tawag saakin. Tinitigan ko naman ito. Ang nakakatakot na napakaganda nitong mukha ay talaga namang nakakaakit. Lumakad ako patungo sa direksiyon nito saka nito ibinigay saakin ang mga bitbit nitong mga dalahin.

"Ano ba itong mga to?" tanong ko sakanya. Napakadami naman kaya ng dala dala nito kaya nakapagtataka kung ano ang mga ito at kung para saan ang mga ito.

"Para sa ball." sabi nito habang tumitingin tingin parin ito sa iba't ibang direksiyon.

"Ha? Para sa ball? Eh bakit napakarami ata?" sabi ko dito. Magfafashion show ba siya at napakarami niyang pinipili?

Agad naman ako nitong hinila sa isang bilihan ng mga gown. Ibang klase talaga itong babaeng ito, may damit na siya't lahat lahat pero kailangan niya parin ng iba pang klase ng damit.

Tumingin ito saakin at saka ako nginitian.

"Alam mo kong si Clyde ang sumama saakin ngayon ay hindi ganiyan karami ang bibilhin kong mga gown na isusuot ko para sa Ball. Syempre, kailangan ko pang ipakita sa kanya; siya yung kapartner ko eh." pagpapaliwanag nito saakin. Maya maya ay inilingat nito ang paningin sa isang gown.

"Miss, I'll buy this one." dinig kong sabi nito sa isang babaeng lumapit sakanya.

"Okay, ma'am." sagot naman nito kay Sam.

Matapos nun ay agad kaming lumabas ng pinagbilhan nito ng gown at hinila ako sa isang kainan.

"Kakain tayo." tanong ko dito. Aba, nung tinanong ko siya ay agad ako nitong binatukan.

"Tanga ka ata eh. Ano bang ginagawa sa kainan? Kulangutan? Taehan? Eh diba kainan so shall we eat?" sarkastiko nitong sabi. Ewan ko ba.

Paanong naging Prinsesa ang isang ito kung galaw-

Ah, oo nga pala. Hindi nga pala ito lumaki sa kamay ng mga nilalang na galing rin ng Damnivia hindu tulad ng pagpapalaki ng mga tauhan ng Reyna Cassiopeia sa Prinsepe.

"Hoy! Ano ba? Kakain ba tayo o hindi? Kasi kung hindi, uuwi na lang ako at baka nag aantay sa bahay ko yung unggoy." ani nito. Nakakatakam ng mga nasa larawan dahilan upang magdesisyon narin ako na dito na lang kami kumain.

"Pasok na tayo. Nagugutom narin ako." Pag aaya ko dito.

Nang makapasok kami sa isang mamahaling kainan ay agad kaming umorder ng kanya kanya naming makakain.

"Sam, hindi ka ba mabibilaukan diyan?" tanong ko dito nang mapansin kong sunod sunod ang subo nito sa kinakain nito.

"Hindi. Baka kasi inaantay na tayo ni Clyde." sagot nito saakin bago ito tuluyang sumubo ulit. Teka nga, akala ko ba dati ay inis na inis ito dito. Bakit ata parang-

Gumagana na ba ang plano ni Reyna Cassiopeia. Napakadali naman pala nitong linlangin.

"Seryoso ka na ba sakanya?" tanong ko dito. Hindi ko alam kong bakit ko ito tinanong ng ganoon dahilan upang mabilaukan na nga ito.

Tumingin muna ito saakin bago ako nito sinagot ng 'Oo'. Napangisi na lamang ako dahil sa isinagot nito. Sabi na nga ba, madaling linlangin ang isang nilalang kapag pag ibig na ang ginamit sa mga ito.

Dali dali ko nang inubos ang pagkain na nakahain sa aking harapan. Napansin ko kasi na naubos na nito ang inorder nitong pagkain.

"Shall we go?" tanong ko dito nang maubos ko na ang kinakain ko. Tumugon naman ito ng isang ngiti at tango.

Bumaba kami ng Mall mula sa 5th Floor nang makita namin ang kamukha ni Sam at isang lalaki. Agad na lumapit si Sam dito.

"Anong nangyari?" tanong nito sa kanyang kakambal. Hinang hina ito na tila ba ginamit nito ang kaniyang lakas para lamang mapuntahan ang kanyang kakambal sa mundong ito. Agad namang nawalan ng malay ang kakambal nito matapos nitong malapitan dahilan upang mag iba ang aura ni Sam.

"Tumawag ka ng sasakyan, Solomon." sabi nito saakin sa malamig nitong tono. Bumalik nanaman ba ang Sam na iyon?

"Bilisan mo!" sigaw nito saakin dahilan upang kumilos ako ng mabilis.

































🌺🌺🌺

Sam's POV

Agad kong ginamit ang kapangyarihan ko para mabigyan ng lakas si Morioka. Kanina ko pa tinatanong ang lalaking iyon ngunit ayaw ako nitong sagutin. Mas maganda ng si Morioka na ang sumagot sa lahat ng tanong ko. Maya maya ay dumilat na ito.

"Kamusta na, Morioka?" tanong ko dito. Agad ko namang sinundan ng kung anu-ano pang katanungan na lumabas sa aking bibig.

"Mabuti naman, Sam." sagot nito saakin saka ngumiti.

"Sam!" dinig kong tawag ng kung sino sa itaas. Nakarinig ako ng malakas na yabag ng paa na tila papalapit saamin.

"Sam, salamat!" sabi nito saka ako niyakap. Nagulat ako at si Clyde ng bigla ako nitong yakapin at halikan sa noo saka muli akong yinakap.

"Kevin..." bulong ko dito at saka lalo nitong hinigpitan ang mga yakap nito. Agad naman akong hinila ni Clyde sakanya.

"Bata pa lang tayo magkaribal na tayo, Kevin." seryoso nitong sabi kay Kevin dahilan upang titigan ito ni Kevin ng masama. Agad ko namang pinutol ang pag iinitan ng dalawa ng bigla kong tanungin si Morioka kung anong nangyari.

Hinawakan nito ang kamay ko at saka nito sinabi saakin na kailangan na ako ng Damnivia.

"Kapatid ko, kailangan ako ng Damnivia ngunit kailangan ko rin muna tapusin ang buhay na maiiwan ko dito, ang ball. Sigurado akong hahanapin ako ng mga tao kapag bigla na lamang akong nawala." ani ko dito.

"Nauunawaan ko kapatid ko." ani nito saakin. Tumayo ito sa kinahihigaan nito saka ako nito nilapitan at niyakap ng mahigpit.

"Pangako, babalik ako ng Damnivia para bawiin kung anong mayroon tayo." sabi ko pa rito.

"Lahat kami babalik ng Damnivia." ani ko dito saka lalo itong ngumiti.

Napansin naman agad ni Morioka si Solomon ng bigla itong pumasok mula sa Garden.

"Solomon." dinig kong sabi ni Morioka at saka ito tumakbo sa direksiyon ni Solomon at niyakap ito ng mahigpit.

Nakakatuwa namang nagkasama sama na kami dito.

"Maverick, asan nga pala yung si Zoren ba yun saka Marlene?" tanong ko dito. Yumuko ito saamin saka nito sinabi saamin ang buong katutuhanan na si Zoren at Marlene ay sina Mizore at ang Prinsesa Martha.

Eh, kamusta naman na kaya sila ngayon sa pagbabalik nila sa Lavreska?

Mabuti na lamang talaga ay nakatakas sila sa Reyna.

Napansin ko ang aking purselas na asa kamay ko pa pala saka ko ito ginamitan ng aking kapangyarihan.

"Morioka, isuot mo ito." sabi ko dito saka ko ibinigay sakanya ang purselas ko para kung sakaling manghina ang katawan nito ay agad itong matulungan ng kapangyarihan ko.

Dibale na, antayin mo ako Lavreska.

Nalalapit na ang aming pagbabalik sa mundong iyan.

Humanda ka na Reyna Fleariza.





























A/N: myaurelle_jn Good Morning baby! Salamat sa pag support always 💚 Sa mga readers ng story na ito. You may also try her story 💚 Waaahhhh! Maganda mga mamsh 💚 Love lots guyseee💚

The Dieties Heiress(Completed but Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon