Chapter 49: Come back

6 2 1
                                    

Sam’s POV

Nakatanggap ako ng iba’t ibang parangal sa eskwelahan bago kami tuluyang mamaalam sa mga kaklase namin at sa eskwelahan. Sa wakas ay natapos din namin ang taong iyon. Ngayon ay binabalak na naming tumawid sa kabilang mundo nila Clyde at Maverick.

Papasok na kami sa salamin na ginawa ni Clyde nang biglang bumukas ang pinto ng aking bahay.

“At talagang iiwan niyo ako dito?” tanong nito saamin. Bakit ba gusto nitong sumama saamin eh, bago ito maging bampira ay tao ito talaga. Nilapitan ko ito at niyakap.

“Kevin, para ito sa kaililigtas mo.” sabi ko dito. Wow ha, ang bait mo ngayon Sam sakanya.

“Eh Sam hayaan mo na akong sumama, pomise hindi ako mang gugulo.” wika nito saakin ng kalasin ko ang mga braso ko mula sa pagkakayakap ko dito.

“Babe, mas mainam na sigurong isama mo siya nang sa gayu’y may maipain tayo kung sakali.” wika ni Clyde na halata namang inaasar si Kevin. Tinitigan ko ito ng masama sa direksiyon niya dahilan upang sumipol na lamang ito.

“Sige. Pero mangako kang makakabalik ka dito ha? Mag aalala sila tita at tito sayo.” ani ko sakanya. Tumango naman ito bilang tugon sa sinabi ko. Matapos nun ay agad kaming tumawid sa salamin ni Clyde saka kami nakakita ng iba’t ibang kulay sa aming daan. Ilang minuto lamang ang iginugol namin sa loob ng salamin at maya maya pa’y nakalabas rin kami ng ligtas.

“Wow!” ani ko. Nakakamangha nga naman ng tunay ang lugar na iyon. Lumilipad na mga taong may pakpak ng paru-paro, mga higanteng nilalang, iba’t ibang kulay ng dragon na katulad ni Kera na kasama rin namin ngayon, at mga bulaklak na lumilipad.

“Napakaganda naman dito, Sam.” wika nito saakin.

“Talagang maganda rito, kaya hindi kayo nababagay rito.” dinig naming boses. Lumingon kami sa kung saan at nakita ang lumulutang na ulo ng isang babae.

“Mizore.” wika ni Maverick sa kanya. Anong nangyari sakanya? Bkait ganyan? Ulo na lamang? Asaan na ang kanyang katawan.

“Ibigay mo saakin ang kapangyarihan mo!” sigaw nito sa direksyon ko dahilan upang matakot ako. Hinila ako ni Clyde sa likod nito at saka ako hinawakang mabuti.

“Akong bahala sayo.” ani nito saakin. Tumango naman ako sakanya. Agad na naglabas ng kapangyarihan si Mizore gamit ang bibig at mata dahilan upang matamaan si Maverick at manigas ito na parang bato saka nito binasag ang kanyang katawan. Bakas sa mga mukha namin ang takot na baka kami naman ang isunod nito.

“Puta, Sam! Tulong!” sigaw ni Kevin dahilan upang tumakbo ako papalapit sakanya.

“Saan ka pupunta?” tanong saakin ni Clyde.

“Kailangan ako ni Kevin.” wika ko saka ako bumitaw sakanya. Lumapit ako kay Kevin bago ito matamaan ng isang malakas na liwanag na nang gagaling sa bunganga bi Mizore.

“Putang ina! Tigilan mo na yan!” sigaw ko saka ako nag bato dito ng isang apoy. Nailagan naman nito ang apoy na iyon saka ito muling gumanti. Naglabas ito ng mas malakas na liwanag saka saamin ibinato ni Kevin. Napayakap na lamang ako dito upang ako ang matamaan at hindi siya ngunit laking gulat ko ng hindi ito nagtagumpay sa ginawa nito. Humarap ako sakanya at nakita ko si Clyde na ginamit ang kanyang katawan panangga dito upang hindi kami matamaan ni Kevin.

Agad ko itong nilapitan ng bumagsak na ito sa sahig gawa ng kapangyarihang tumama sakanya.

“Clyde, bakit ang tanga mo?” sabi ko dito bago ito umubo ng dugo. Puta, ito ang ayaw ko nagpapakabayani para saakin eh.

“Mahal kita eh.” sabi nito saakin saka ngumiti. Nangilid naman sa gilid ng aking mga mata ang mga luha. Mga luha na hindi dapat. Kababalik ko lang ng Damnivia pero dalawang nilalang na ang nawawala.

“Clyde, kumapit ka please. Walang iwanan please lang. Punyeta ka!” sabi ko sakanya saka tuluyan ng pumatak ang mga luha ko. Hinawakan nito ang mukha ko saka ngumiti.

“Pangako, sa susunod nating buhay, ikaw at ikaw parin.” wika nito bago nawalan ng malay. Niyugyog ko ito upang magising ngunit hindi na nito muling minulat ang mga mata nito maging ang pulso nito ay hindi ko narin maramdaman.

“How sweet. Ngayon, ibigay mo na saakin ang kapangyarihan mo kung ayaw mong sumunod ang si Kevin.” wika nito. Oo nga pala, nagpanggap nga pala siya sa mundo ng mga tao. Hindi na kataka takang kilala niya ito.

“Kailan man ay hindi ko ibibigay ito lalong lalo na sa iyo!” galit kong sabi dito saka lumabas ang pitong kulay ng mga mata ko. Maging ang kulay ng damit ko ay nag iba rin, lumulutang din sa palibot ko ang iba’t ibang kulay ng apoy.

“Sisiguraduhin kong sa ating dalawa, ikaw ang magagapi!” sigaw ko dito saka ko ibinato sa kanya ang isang malakas na kidlat na may kulay ng bahag hari at pinalibutan ng isang pabilog na hulma rin ng aking kapangyarihan. Hindi niya ito nailagan sa kadahilanang kahit umiwas pa ito ay sinusundan siya nito. Narinig na lamang namin ang malakas na tinig mula sakanya bago pumutok ang kanyang ulo.

Agad naman akong tumakbo sa kinalalagyan ni Clyde saka ko iniangat ang kanyang katawan. Niyakap ko ito ng mahigpit habang pumapatak ang aking mga luha. Tinitigan lamang ako ni Kevin sa mga oras na ito. Hinayaan lamang ako nitong umiyak.

“Anong iniiyak iyak mo?” bulong saakin nito. Ikinalas ko ang mga yakap ko dito saka ko ito tinitigan sa mukha. Puta talaga ito, hindi magandang biro yan.

“Ang ganda mo parin kahit umiiyak ka.” sabi nito ng nakangiti. Bwisit talaga. Hindi ba nito alam yung word na seryoso?

“Ang chessy mo pre.” sabi ni Kevin.

“Selos ka lang.” pang aasar naman nitong isa.

“Tang ina mo! Akala ko naman patay ka na!” sigaw ko dito saka ko ito sinuntok at hinayaan kong humandusay sa sahig. Akala kasi biro lahat eh.

“Ayieehhh! At least alam kong iiyakan mo ako kapag nawala ako.” ani nito saakin. Puta talaga! Bakit ba kasi may nakilala akong ganito? Hindi nakakatuwa eh.

“Bwisit.” sabi ko saka ako nagwalk out. Kung dati rati si Kevin ang gumagawa saakin ng ganito, ngayon isa rin itong lalaking ito. Minsan, iniisip ko talaga kung may matino pa bang lalaki ngayon sa mundo. Para kasing anumang oras, lulukuhin lang ang mga babae eh. Kainis!

The Dieties Heiress(Completed but Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon