Chapter 43: Scary Foe

9 5 2
                                    

Mizore’s POV

Malayo palang ay natatanaw ko na si Percivus. Lumilipad ito sa patungo saaking direksiyon. Maya maya pa ay lumapag na ito sa kalupaan at lumakad papunta saakin.

“Wala ka paring pinagbago, Mizore.” bungad nito saakin. Ano nanaman bang kailangan ng itim na manlilikhang ito sa akin?

Tinaasan ko ito ng isang kilay ko ngunit mukha naman ito naapektuhan bagkus ay tinawanan lamang ako nito.

“Anong klaseng tingin yan?” tanong nito saakin saka nilapit ang mukha nito sa maganda kong mukha. Maya maya pa ay hindi ko na lamang namalayang magkadikit na pala ang aming mga labi.

Ramdam ko ang init na ibinibigay nito saakin ngunit hindi ako kagaya ni Cassiopeia na mahina pag dating sa ganito kaya dali dali kong inilabas ang isang matalim na bagay na ginawa ng aking kapangyarihan.

Inihampas ko ito sa kanyang pakpak dahilan upang maputol ito. Napaatras ito at tinignan nito ang pakpak na naputol dahil sa matalim na bagay ihinampas ko dito.

Gumawa si Percivus ng malakas na ingay at saka bigla na lamang humalakhak dahilan upang mapakunot noo ako. Anong klaseng manlilikha ba si Percivus? Baliw ba ito? Napaisip na lamang ako dahil sa inasta nito.

“Akala mo ba ay mapapatay ako ng isang katulad mo, Mizore?” tanong nito saakin kasabay nun ang isang napakalagkit na tingin na mula sa kanya.

“Umayos ka, Percivus!” sigaw ko dito. Ngumisi lamang ito saakin saka ako muling nilapitan nito. Hinawakan nito ang aking braso at saka nito ibinaon ang matalim nitong kuko dahilan upang lumabas ang likido na nagmumula sa loob ng aking katawan.

“Walang sinuman ang makapapaslang saakin, Mizore.” Marahan nitong sabi saakin. Akala mo lang wala pero mayroon at mayroon iyan. Kapag nakuha ko na ang kapangyarihan ng kambal na anak ni Zerxes ay ikaw ang unang una kong wawakasan ng buhay.

“Bitawan mo ako!” sigaw ko dito. Agad naman nitong ginawa ang sinabi ko.

“Asaan ang asawa ko?” tanong nito saakin. Ah, kaya siguro ito nagpakita muli rito sa Damnivia ay dahil kay Cassiopeia.

“Anong paki ko sa asawa mo.” sabi ko rito bago ko ito talikuran. Agad naman nitong hinila ang buhok ko saka ako nito iniharap sa kanya. Nakita ko rin kung paano tumubo ang mga pangil at sungay nito kasabay ng pagtubo ng pakpak nito na kapuputol ko lamang kanina.

Ganito ba talaga kalakas ang isang dugong itim na manlilikha. Maging ako ay hindi ko kayang gawin ang bagay na iyan. Ibinalibag ako nito saka ako inihagis sa malayo. Agad naman ako nitong pinuntahan saka ako nito binato ng isang malaking bolang kristal at pinaulanan ng mga pahabang bagay na para bang isang diyamante.

Sa bilis ng kilos nito ay natakot akong baka ito na ang katapusan ko. Ipinikit ko ang aking mata sapagkat batid kong wala na akong magagawa dito. Ilang sandali pa ay imimulat ko muli ang aking mga mata at napansin kong hindi pa naman kahit papaano lasog lasog ang aking katawan.

“Uulitin ko ang tanong ko. Asaan si Cassiopeia?” tanong muli nito saakin. Sa takot na baka doon ako sa lugar na iyon magtapos ang aking buhay ay sinabi ko na kung nasaan ito.

“Bumalik pala siya sa lalaking iyon.” ani nito saakin bago humalakhak ng napakalakas. Maya maya pa ay tinitigan ako nito ng mataimtim bago magsalita.

“Dalhin mo ako sakanya.” wika nito saakin.

“Sa isang kondisyon.” ani ko dahilan upang mapakunot noo ito.

“Anong kondisyon iyan, Mizore. Batid kong batid mo na ayaw ko sa lahat ang niloloko ako.” sabi nito saakin. Manlilikha rin ako, Percivus. Batid kong batid mo na kailangan ko rin mapanatili ang lakas ng aking kapangyarihan.

Nagulat na lamang ako ng bigla ako nitong sakalin.

“Dadalhin mo ba ako sakanya o paiiralin mo iyang mga kondisyon mo? Hindi mo ako malilinlang, Mizore.” sabi nito saka nito dahan dahang ibinaon ang mga kuko nito sa paligid ng aking leeg saka ako nito isinama sa kanyang paglipad.

“Ta-”

“Ma na.” Hirap kong sabi dito saka ako nito inilapag sa lupa at binitawan. Nakakatakot ang nilalang na ito. Hindi ko naman alam na ganito pala kalakas ang kapangyarihan ng isang ito.

Akmang sasaktan muli ako nito ng bigla nitong itinigil. Kahit papaano ay kaibigan ko parin talaga si Kamatayan.

“Dadalhin mo ba ako sa kanya o hindi?” tanong muli nito saakin. Dahil sa takot na aking nadarama ngayon ay sinabi ko ng dadalhin ko na ito sa kung saan man naroron si Cassiopeia. Iba talaga ang lakas ng tama nito sa babaeng iyon.
























Isinama ko ito sa pagdiriwang sa loob ng palasyo at kitang kita naming dalawa na natanaw kami ni Cassiopeia sa malayo bago ito lapitan ni Avchiles at ni Zerxes.

“Anong balak mo ngayon?” tanong ko rito. Napansin ko namang nakakuyom ang mga kamao nito dahilan upang hilain ko ito sa isang ligtas na lugar, sa ilalim ng palasyo.

“Ano ang balak mong gawin ngayon, Percivus?” tanong ko rito. Tinitigan naman ako nito ng sobrang sama dahilan upang mapaatras ako.

“Ah eh, hindi ako kasama sa away ninyong dalawa.” sabi ko rito. Ramdam ko ang lakas ng kapangyarihan nito na gawa ng galit nito. Agad itong nagbato ng isang malaking bolang kristal sa harap ko. Agad ko rin naman itong iniwasan. Maya maya ay bigla itong sumigaw ng napakalakas at saka yumanig ang lupa dahil dito.

“Akin lang si Cassiopeia!” galit nitong sabi sa harap ko. Love can make you fool. It can also make you weaker and weaker. But, the love that is selfish can make you so stupid. However, it can be your forte that makes you stronger.

“Tama na! Masisira ang buong paligid!” pang aawat ko dito. Tinitigan ko ito at ganun din naman ang ginawa nito saakin. Napakalma naman ito kaagad nang gawin ko iyon. Kakaiba talaga si Cassiopeia, maging si Avchiles noo’y nabihag niya habang sila pa ni Zerxes.

“Tutulungan mo ba ako?” tanong nito saakin. Alam kong hindi ko dapat ito tulungan pero ano pa nga bang magagawa ko? Natatakot ako sa kanya. Hindi ito katulad ng iba na madaling linlangin at ito ang dahilan kung bakit ko ito ngayo’y hinahangaan.


The Dieties Heiress(Completed but Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon