Sam's POV
Nakatingin ako sa salamin habang pinagmamasdan ang aking sarili. Maya maya pa ay narinig ko siya na nagsalita.
"Paano mo nagawa iyon?"tanong nito saakin. Ngumisi naman ako. Anong akala niya dahil lang sa isang purselas makukulong ako ng matagal sa loob ng katawan ko? Ako ang nagmamay ari ng katawang ito, malamang mas malakas ako kesa sa inaakala nilang lahat.
"Hindi mo alam kong gaano kalakas ang kapangyarihan ko, Morioka."wika ko dito. Alam ko namang kaya niya ginagawa iyon ay upang hindi magising ang aking kapangyarihan.
"Sam!" dinig kong tawag ng isang lalaking asa labas lang ng C.r ng mga babae.
"Sam! Matagal ka pa ba?" dagdag pa nito saakin. Nakakairita rin itong isang ito eh. Pwede namang mauna na sa aming silid, hindi pa gawin.
"Kevin, mauna ka na mag aayos pa ako!" pabulyaw kong sagot sakanya. Maya maya ay pinasok niya na ako sa loob na dahilan upang magsigawan ang mga babaeng nasa loob.
"Anong ginagawa mo? Tanga ka na talaga ata eh! Aware ka naman na pambabae itong C.r, nakakaloka ka."ani ko dito habang tinitignan ko ito ng diretso.
"Eh, sam." sabi nito. Naku ha, dinaig pa ang bata. Nakakaloka, jusme! Marunong mambabae pero hindi makaalis ng wala ako. Matagal naman ng tapos yung nangyari kay Martin at Tera. Isinara na nga ng eskwelahan ang kaso para doon eh kasi hirap na silang hanapin kong sino ang nasa likod ng pangyayaring iyon.
"Eh eh, Sam ka jan. Sipain kita eh. Nakakairita tong gago na to."wika ko sakanya na halata ng naiirita sakanya.
"Ah basta, aantayin na lang kiya."muling sabi nito saka sumandal sa pader. Ah ganun, gusto niya pala akong antayin ha. Dali dali kong tinapos ang pag memake up ko atsaka paglalagay ng liptint sa labi ko.
"Tatae muna ako." pagpapaalam ko dito. Nakapikit lamang ito at walang kibo habang nakasandal sa pader. Nakakaloka ha, tignan nga natin kung sa susunod ganito niya parin ako aantayin.
Pumunta ako sa loob ng cubicle upang maglabas ng sama ng loob dahil tinatawag na ako ni Inang kalikasan. Pagkatapos ko ay napangisi na lamang ako sa naisip kong gagawin ko sakanya.
Dumukot ako ng kaunting piraso ng tae ko. Nakakadiri ba akong babae? Well, wala kayong paki.
"Sam, anong gagawin mo?" tanong saakin ni Morioka na nadinig ko.
"Tuturuan ng leksyon ang magaling kong kaibigan."wika ko dito saka ko ipinagpatuloy ang pagdukot ng aking tae sa inidoro.
Maya maya pa ay lumabas naman na ako ng cubicle nang makita kong nakapikit parin ito habang nakasandal sa pader. Napangisi naman ako dahil sa nasaksihan ko. Pakiramdam ko ay maasar talaga itong putang inang gagong bwisit na ito.
Nilapitan ko ito saka ko idinikit sa mukha nito ang mabaho at nakakadiring bagay na galing sa inidoro. Napamulat naman ito dahil sa ginawa ko.
"Tang ina naman, Sam!" mura nito saakin habang ako ay mamamatay sa kakatawa. Kung nakikita niya lang sana yaong pagmumukha niya. Tang ina! Hahahahaha!
"Puta talaga! Huwag kan ngang tawa ng tawa lalo akong nabwibwisit alam mo ba yaon?" wika nito saakin. Nagseryoso ako ng mukha at dineretso ko ang tingin ko sakanya. Hindi ko naman mapigil talaga ang pagtawa kaya naman agad din akong nawala sa pokus kong magseryoso dito.
"Edi mabwisit ka."pang aasar kong sabi ko dito. Nakakatuwang pinag tritripan ko itong lalaking ito. Malamang ipinapahiya ko rin naman talaga ang sarili ko noon para lang sa hinayupak na nilalang na to.
"Gago!" pagmumura nito saakin. Halata sa mukha nitong asar na asar siya sa ginawa ko. The hell I care.
"See you later in class."sabi ko dito saka ako naghugas ng kamay at lumabas ng Cr. Iniwan ko siya sa loob upang malinisan niyang mabuti yung pangit at nakakabwisit niyang pagmumukha.
Maya maya ay nakasalubong ko siya nang biglang bumulong si Morioka saakin.
"Mag iingat ka sa isang iyan." wika nito dahilan upang lalo ko itong suwayin.
"Wala ka ng magagawa, katawan ko ito mahal kong kapatid." sagot ko naman sakanya. Nilapitan ko siya.
Matapos niyang gawin saakin yun. So, anong feeling mahalikan ang isang Ivery Samantha Louise Dela Freud? Masarap diba?"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya. Tinignan niya ako ng mabuti at para bang kinikilala niya kong sino ako. Agad kong hinalikan ito dahilan upang magsitinginan saamin ang mga taong nasa paligid namin.
"Remember me?" tanong ko dito. Ngumisi naman agad ito saakin matapos kong gawin sakanya ang bagay na iyon.
"I'm Sam and you are?" pagpapakilala ko dito saka ko inilahad ang kamay ko sakanya. Maya maya pa ay inilahad din nito ang kamay nito sa kamay ko.
"I'm Maverick."pagpapakilala nito saakin. Agad ko namang binitiwan ang kamay nito. Hindi naman kasi ako yung typical girl na matutulala kapag gwapo ang nasa harap ko. Kahit gwapo at maganda ang katawan niyan hindi ako maglalaway nuh, upakan ko pa eh.
"So ano ngang ginagawa mo dito?" ulit kong tanong sakanya.
"Transferee ako." matipid nitong sabi saakin. Hindi ko alam bakit ganito, naaattract talaga ako sa lalaking malamig makitungo at ako ang nangungulit para mapansin.
"So anong course at section mo?" tanong ko muli sakanya.
"Marketing, Sec 1." sagot nito saakin habang nakatingin lamang ito saakin ng diretso.
"Hay naku! Halika na at magsabay na tayo. Magkaklase naman pala tayo." wika ko dito saka ko kinuha ang kamay nito at hinila papunta sa aming silid.
Bago pa kami tuluyang makaalis sa kinalalagyan namin ay bigla namang sumigaw si Kevin.
"Sam, antayin mo ako!" sigaw nito. Tinitigan ko siya ng masama. Alam kong alam niya na ang ibig sabihin ng titig na yaon. Antayin uour face ah! May gwapo akong kasama ngayon, huwag siyang epal.
Tinitigan ko lamang siya at maya maya ay ibinaling ko na ang atensiyon ng aking sarili sa nilalakaran ko kasama si Maverick.
"Sam, kaibigan mo yaon."dinig kong sabi ni Morioka saakin. Hindi ko na lamang ito pinansin at baka mamaya ay mapagkamalan pa ako ni Maverick na baliw. Kaibigan ko yaon, oo. Pero darating sa buhay natin na kailangan nating lumandi para magkaroon ng boyfriend.
Siya nga kung sino sinong nilalandi. Nagagawa ko pang magwala kapag nasa public para lang sakanya lalo na kapag oangit yang kadate niya tapos ako hindi pwedeng maglandi? No way! Maglalandi ako. Bahala siya diyan.
A/N: Hello everyone! I would like to give thanks to all wattpaders na naka vomments to vomments ko! Then, special mention narin kay zylome hihihi, maraming salamat sa patuloy na pagbabasa ng gawa ko 💜 I really appreciate it 💜
So, what can you say about this chapter? Sana ay magustuhan niyo ☺️
BINABASA MO ANG
The Dieties Heiress(Completed but Editing)
FantasyEach one has its own secrets. A mystery that nobody wants to uncover. My name is Ivery Samantha Louise. Sam for short, a regular student that unable to accept that I has a strength. A strength that I can't quite picture at all.