Chapter 47: Girl's Reasons

6 2 1
                                    

Sam’s POV

Maaga akong gumising ngayon para pumasok rin ng maaga. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko kailangan kong pumasok ng maaga para makapag unwind siguro, char! Tang ina, mag uunwind ka sa school pa talaga. Hindi naman ako baliw.

Pinakain ko si Kera ng karne ng manok bago ko ito iwan sa kulungan nito. Nagulat naman ako ng biglang nagliwanag ang buong katawan ni Kera. Ano yan?

Nilapitan ko ito at naging isa itong Dragon. Ang weird ng alaga ko nuh? Ngayon, naweweirduhan narin ako. From a colorful snake ngayon ay naging colorful dragon ito, anong klaseng hayop ito? Galing ba itong hayop na ito sa Lavreska kaya medyo mahiwaga din siya? Hindi pala medyo, mahiwaga talaga.

Dahil maliit pa lang naman ang dragon ay hinayaan ko na lamang muna ito sa kulungan nito noon. Agad naman akong umalis ng bahay saka ako pumasok sa Academy. Noong una ay ayaw akong papasukin ng mga guards ng school. Pero sino ba sila para harangin talaga ako ng ganun? Hello, kaya ko namang magteleport papunta sa soccer field nuh.

Nang makarating ako sa soccer field ay agad naman akong nahiga. Hays, ang sarap pagmasdan ng kalangitan mula rito, tanaw na tanaw ang pagka asul nito.

Nakarinig ako ng kaluskos dahilan upang bigla na lamang akong mapatayo mula sa pagkakahiga ko.
Nakita ko naman si Maverick na papalapit sa direksiyon ko. Katulad nito ay maaga rin pala itong pumasok rito.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko dito habang nangungulangot ako. Hindi ko naman kasi alam kong kulangot ito o may taong nag iisip lang saakin kaya nangangati ang ilong ko.

“Masama bang pumasok ng maaga?” Ito ang ayaw ko sa lahat eh. Tinatanong ko tapos ibabalik rin saakin ng patanong. Nakakaloka. Umirap lamang ako sakanya at hinayaan ko na lamang ito. Ayoko ng kausap na ganyan. Ang aga aga baka mabwisit ako.

Nahiga na lang muna ulit ako at denidma ito. Nagulat naman ako nang bigla ako nitong tabihan.

“Bakit umalis ka kaagad doon sa Ball?” tanong nito saakin. Napatingin ako dito saka ko ulit tinignan ang kalangitan. Hindi ko agad ito sinagot dahian upang kulitin ako.

“Ano?!” inis kong sagot dito. Kanina pa kasi nangungulit about diyan sa Ball na iyan eh. Kapag naaalala ko lang yung sinabi nung dalawang unggoy na yun naiirita ako.

Maraming mag aakalang nafafall ako sa kanila. Hahahaha shet lang mga maniniwala doon. From the start of the story, I am the one who has the strong heart at hindi lahat kagaya ko. Pagdating sa pag ibig, maraming mga nalilinlang, maraming humihina, maraming umiiyak, yan ang dahilan kung bakit ayoko kahit pa kinikilig ako o madalas nawawala sa sarili. Bumalik ako sa realidad at saka ko ito tinitigan sa mata.

“Wala kang paki.” sabi ko dito. Teka nga, bakit ba kasi andito ako? Saka bakit ko ba ito kinakausap eh alam ko namang si Morioka ang close nitong lalaking ito, hindi ako.

“May paki ako kasi kapatid ka niya.” sabi nito. Napabuntong hininga na lamang ako sa sinabi nito. Oo nga, kapatid nga ako ng hinid ko alam kung girlfriend niya o hindi, ahy ewan ko.

“So?” tanong ko dito.

“So, kailangan kong malaman.” Tang ina talaga nito, napakakulit. Hindi ko ito sinagot. Tumayo na lamang ako sa kinahihigaan ko saka ako naglakad sakanya papalayo.

“Ikaw ang Queen of the Night kaya gusto kong malaman!” sigaw nito saakin. Napalingon ako sakanya kahit pa asa malayo na ako. Ngumiti ako dito saka ko ito kinuwayan. Yun lang naman pala, akala ko naman kung ano na.

Naglakad ako dito papalayo ngunit tumayo ito saka ako hinabol. Naku, kung si Morioka madadaan niya sa mga ganito, ako hindi. Lumapit ito saakin saka ako nito sinabayan sa paglalakad. May mga estudyante narin kaming mga nakakasalubong sa hall way dahil sa paglipas ng oras.

“So bakit umalis ka kaagad?” tanong ulit nito. Naloloka na ako ha, ang agang pambwisit saakin ng mga ganitong tao, napakakulit.

“Eh ikaw, ano ba talagang relasyon mo sa kakambal ko?” Hahaha! Kanina ginawa niya rin iyon. Ang pag sagot ng tanong ng isa pang tanong. Napahinto naman kami sa paglalakad dahil sa tanong ko. Ewan pero diba karapatan ko namang malaman yun? Isa pa, kapangyarihan ko ang bumubuhay sa kapatid ko kaya mas mabuti kong malaman ko iyon at malaman niya rin iyon.

“Kita mo nga hindi mo masagot ang tanong ko.” sabi ko dito. Napayuko naman ito sa harap ko bago ito magsalita.

“Mahal ko ang kapatid mo.” Parang gusto kong matawa sa narinig ko. Mahal? Talaga? Paano niya mamahalin ang isang nilalang na matagal ng wala ng katawan aber? Huwag nga niya akong niloloko. Huwag niya akong pinapatawa. Seryoso ko itong tinignan sa mata sa mata.

“Alam mo naman, hindi ba?” tumango naman ito bilang tugon saakin. Aba, syempre dapat una pa lang alam niya na para sa huli hindi siya masaktan. Ewan ko ba sa mga ito.

“Pero wala ka bang magagawang paraan para sakanya?” Naku, abusado. Kung may alam akong paraan edi sana matagal ko ng ginawa. Hindi yung ganito na para lang akong nagchacharge ng cellphone ko na kapag nalobat I-chacharge ko ulit para mabuhay yung battery.

Umiling ako sakanya. Bakas naman sa mukha nito ang lungkot na nararamdaman nito ngayon. Ibang klase ka, Morioka. Alam ko namang kaya mong suklian yung pagmamahal ni Maverick eh, yun nga lang aminin natin sa sarili natin na matagal ka ng patay at wala na talaga akong magagawa doon.

“Hoy, Si Kevin, andyan na!” sabi ng isang matinis na boses. Malamang babae yun, nakakabwisit yung mga ganung boses talaga kahit kelan. Sinundan naman ng iba’t ibang klase ng tili ang sigaw na iyon saka sila nagkumpulan sa daan.

Paalis na sana ako’t iiwan ko na sana si Maverick sa kinatatayuan niya nang bigla ako nitong tawagin.

“Ivery Samantha Louise!” sigaw nitong bullshit na ito. Napalingon ako sa direksiyon nito at nakita ko namang papalapit na ito saakin. Nang marating nito ang kinaroroonan ko ay agad ako nitong inakbayan.

Akma kong ibabalibag ito ngunit hindi ko nagawa. Oo nga pala, bampira na siya ngayon. Malakas na ito hindi tulad ng dati na lalampa lampa. Napipigilan na nito ang akmang pagbuhat ko sa buong katawan nito.

“Ang sweet ng Queen at King of the Night natin kagabi.”

“Bagay na bagay sila.”

“Sayang wala siya kagabi, ano?”

Iba’t ibang mga tsismis ang nadinig ko tungkol saamin ng ugok na ito dahil sa paglapit niya saakin ngayon. May nagsabi pa na ang swerte ko daw sakanya. Like duh? Ako swerte sakanya? Baka siya ang swerte saakin. Naku, nababaliktad talaga eh.

“Ah, siya pala dahilan ng maaga mong pag alis kagabi.” sabi ni Maverick nang makabuo ito ng konklusyon sa kanyang utak. Sa sobrang inis ko ay pinainit ko ang aking katawan upang mapaso si Kevin at alisin nito ang kamay nito sa pagkakaakbay saakin.

“Hindi!” sagot ko kay Maverick.

Nagulat na lamang ako ng bigla akong yakapin ni Clyde mula sa likuran ko.

“Si Fafa Clyde!” sabi ng isang babae at katulad ng ginawa nila kanina ay nagsitiliian nanaman sila. Naiirita talaga ako sa mga babaeng ganito. Nakakabad trip! Mainit na ang katawan ko ngunit patuloy parin ako nitong niyayakap. Oo nga pala, maharlika nga rin pala ito sa mundo ng Damnivia kaya hindi ito agad tatamblan ng ganito.

“BITAWAN MO AKO.”mariin kong sabi dito ng dahan dahan. Agad naman nitong sinunod ang sinabi ko. Hinarap ko silang dalawang bwisit bago ako umalis sa harap niya ngunit nadinig ko pa si Maverick na may sinabi.

“Ah, silang dalawa.” Hindi ko alam. Ewan ko, napipikon ako ngayong araw na ito. Akala ko magiging maganda eh, yun pala halos magiging puno naman ng kamalasan. Bwisit!

The Dieties Heiress(Completed but Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon