Cassiopiea’s POV
“Nakakagalaw po ba kayo ng maayos, Mahal na Reyna?” tanong ng isang babaeng nag susuot saakin ng aking damit para sa pagdiriwang ngayong gabi. Hindi ako kumportable sa damit na suot ko ngayon ngunit kailangan ko itong gawin upang maging maganda sa paningin ng Hari at ng lahat.
“Manahimik ka na lamang at tapusin ang iyong ginagawa.” wika ko dito. Hindi ako kailanman nakikipag usap sa mga hindi ko kapantay sa loob ng palasyo, ganun naman talaga ang gawain ko bilang Reyna ng palasyo. Kung nasa taas ka dapat dinigin mo lamang ang nasa ibaba. Tumahimik naman ito at hindi na muling nagsalita.
Matapos nitong itali ang isinuot saakin nitong damit ay agad itong nagmadaling lumabas ng aking silid kahit wala pa akong permiso rito.
“At sinong may sabing maaari ka ng umalis?” ani ko habang ako’y nakatingin sa repleksyon nito sa salamin. Napatingin naman saamin ang iba pang kasamahan nito na nasa loob rin ng aking silid nang ako’y biglang magsalita.
Humarap ito sa direksiyon ko at sa pagkakataong ito ay ganoon din ang ginawa ko.
“Ano pa po ba ang inyong ipag uutos?” tanong nito habang bakas sa mukha nito ang takot saakin.Ang magandang Reynang si Cassiopiea ay kinatatakutan? Mabuti iyan ng sa gayu’y hindi nila ako agad mapapababa sa trono ko bilang Reyna.
Ngunit hindi ito nararapat sapagkat kapag dumating ang nakatakdang Reyna ay baka agaran nila akong pababain dahil sa ugaling mayroon ako kapang nagkataon.
“Wala na. Nais ko lamang na ika’y magpaalam saakin ng maayos nang sa gayu’y maging isa kang mabuting ihemplo sa mga naririto.” ani ko saka ako ngumiti ng pilit dito. Yumuko naman ito sa harapan ko at saka ito nagsalita.
“Paumanhin sa inasal ko, Mahal na Reyna.” wika nito sa harap ko.
“Paumanhin din sa inasal ko.” ani ko dito saka din ako yumuko sa harap nito na ikinagulat ng lahat.
“Mahal na Reyna.” saad nito. Nagsitinginan rin naman ang lahat ng makita nila ang kanilang Reyna na ginawa iyon. Iniangat ko ang aking sarili at saka ako ngumiti dito.
“Maari ka ng umalis at baka marami pang ipagagawa sa iyo ang hari.” wika ko at saka ito muling yumuko.
“Maraming Salamat, Mahal naming Reyna.” saad muli nito nang maiangat nito ang kanyang sarili mula sa pagkakayuko sa harap ko. Ngumiti ako rito bago ito tuluyang lumabas ng aking silid.
“Napakabait ngayon ng Reynang ating nakakasalamuha.”
“Hindi nga siya katulad ni Reyna Fleariza.”
“Ibahin niyo ang dating Reyna. Maraming kawal ang nagsasabi na bukod sa pagiging isang maharlika ay mayroon din itong iba’t ibang talento gaya ng pagkanta, pagtugtog ng isang instrumento at iba pa.”
“Kahanga hanga nga ang Reynang asa harapan natin.”
“Nakakatuwang marunong itong makisama sa mga tauhan nito sa palasyo hindi gaya ni Fleariza na iisang kawal lamang ang maaring lumapit sa kanya.”
“Hayaan niyo na iyon. Marami ang nagsabi na ang kawal na iyon ay kalaguyo ng Reyna Fleariza.”
“Talaga ba? Kung gayu’y nakakahiya ang Reyna na iyon.”
“Tama, nakakahiya siya. Kung ang kakambal rin nito ang naririto malamang ay ipinatapon na ito sa malayo sa sobrang kahihiyang ginawa nito.”
Samu’t saring mga bulungan ang aking narinig mula sa mga babaeng nag uusap sa likuran ko. Mga babae nga naman, putak ng putak gaya ng isang inahing manok.
“Maaari niyo ba akong tulungang ayusin ang aking buhok?” tanong ko sa mga ito. Alam kong walang kaalam alam ang mga ito sa nakaadyang panganib na nasa harapan nila. Mamahalin nila ako sa ngayon ngunit kapag lumabas na ang aking tunay na ugali ay sigurado akong kamumuhian ako ng mga ito.
“Syempre naman po, mahal naming Reyna.” wika ng isa sakanila na bakas sa mukha nito ang tuwa dahil sa maayos kong pakikitungo sa mga ito.
Lumapit ang tatlong babae saakin saka nito ibinigay ang upuan. Naupo naman ako doon at saka nila inumpisahang galawin ang aking buhok.
Isang makulay na damit para sa pagdiriwang na ito ang suot ko. Halata namang nag umpisa na ang pagdiriwang dahil wala na ang Hari sa harapan at abala na itong nagsasayaw kasama ang iba’t ibang mga babae sa ibaba.
Hays, ang Zerxes ko. Hindi parin ito nagbabago. Ganoon parin talaga ito. Sa hindi kalayuan ay nakita ako ni Avchiles dahilan upang lapitan ako nito.
“Mahal na Reyna, hindi ka ba magsasayaw?” tanong nito saakin ng tuluyan na itong makalapit saakin. Umiling ako rito saka ko ito nginitian.
“Hindi ka maaaring hindi magsayaw para sayo itong pagdiriwang na ito, Reyna.” ani nito saakin ng nakangiti saka nito sinenyasan si Zerxes.
Papalapit na si Zerxes nang mapansin kong si Mizore at Percivus ay magkasama sa iisang tabi. Anong ginagawa ng lalaking iyon dito? At anong dahilan at kasa kasama nito ang isa sa pitong manlilikha. Anong binabalak mo ngayon, Mizore?
“Anong problema, Cassiopiea?” tanong nito saakin nang tuluyan na itong makalapit.
“Wala naman.”ani ko dito. Agad naman nitong hinawakan ang aking kamay saka ako hinila sa kung saan ng wala ang aking pahintulot. Tinignan ko si Avchiles at nginitian lamang ako nito. Ano nanaman ba ito, Zerxes?
Dinala ako nito sa isang makulay na lugar kung saan punong puno ng iba’t ibang desinyo ang upuan at lamesa. Ang buong kalangitan ay may nag gagandahang mga bituin na nagniningning para sa gabing ito.
Tumugtog ang mga taong naroroon at saka ako hinawakan ni Zerxes sa bewang.
“Ano ito?” tanong ko sakanya. Ngumiti lamang ako. Bakit? Bakit ganito?
“Cassiopeia.” wika nito. Hindi ko alam kong paano ako sasaya sa mga nangyayari.Alam kong nabalot ng sama ng loob ang puso ko kaya ang nais ko ay gumanti ngunit hindi ko akalaing darating ako sa puntong makararamdam muli ako ng ganito.
Hinawakan nito ang pisngi ko at saka dahan dahan nitong inilapit ang mukha nito saakin.
“Cassiopeia, hindi pa huli ang lahat para saatin.” wika nito saakin. Hinayaan ko lamang ito na ilapat nito saaking mga labi ang kaniyang labi. Hindi ko alam ngunit naririto nanaman ang pakiramdam na para akong lumilipad sa kawalan. Mali ito, Cassiopeia. Bakit ka ba nagpapadala dito?
Gumising ka! Pinaalis ka niya nang malaman niyang si Percivus ang ama ng dinadala mo. Tandaan mo yan, Cassiopeia.
BINABASA MO ANG
The Dieties Heiress(Completed but Editing)
FantasyEach one has its own secrets. A mystery that nobody wants to uncover. My name is Ivery Samantha Louise. Sam for short, a regular student that unable to accept that I has a strength. A strength that I can't quite picture at all.