Sam’s POV
Nag ayos ako ng aking mukha.Makeup, eyelash lift and etc. Kinulot ko rin ang buhok ko sa ibaba para naman may magbago sa itsura ko sa Ball. Inaantay ko ang tawag ni Kevin ngunit hanggang ngayon ay wala parin.
Ano nanaman bang kalukuhan ang gagawin ng pagong na iyon? Tinawagan ko si Maverick upang sakanya nalang ako sumabay papunta sa Academy Ball mukha naman kasing hindi darating si Kevin ngayon.
“Maverick, sabay nalang tayo mamaya.” sabi ko rito.
“Sige.” matipid nitong sagot saakin. Akala ko ay hindi ito papayag dahil ilang oras ako nitong hindi kinausap nung sabihin ko sakanyang kinuha ng punyetang tatay ni Clyde ang kakambal ko.
Oo, hindi naman ako tanga ano. Pakiramdamko may namamagitan sakanila ng kapatid ko mula ng bumalik sila rito and Oh my gosh, I am so happy for my sister.
Binaba naman agad nito ang tawag ko kaya naman binilisan ko na ang pagkilos. Isinuot ko ang damit ko na nakahanda na nung nakaraan pa para sa Ball.
Maya maya pa ay may kumatok na sa pintuan ng aking bahay dahilan upang lalo ko pang bilisan. Ang shunga ko ano? I have super duper powers and yet I didn’t use them para mapabilis ako. Wala lang trip ko lang rin.
Bumaba ako ng hagdan at nakita ko si Kera, ang bagong alagang ahas ko na regalo saakin ni Clyde. Sabi nito si Kera daw ang magsisilbing kapalit ni Mel. Actually, okay naman si Kera eh but to think na si Mel ay nakasama ko ng mahabang panahon, doon siguro nagkakatalo.
Binuksan ko ang pinto. Anak ng tukneneng. Nakawhite toxido ito, white shoes, naku kulang nalang maging white guy siya eh. Napatawa ako sandali ngunit agad rin naman akong nagseryoso.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sakanya. Aba, malay ko bang darating siya. Eh paano si Maverick niyan?
“Sinusundo ka.” ani nito. Bigla namang dumating si Clyde De Puta. Oh diba? What a nice name. Naka all black naman ito kabaliktaran ng kay Kevin.
“Ikaw, ano ring ginagawa mo dito?” tanong ko sakanya.
“We’re partners so definitely I’m going to sundo you here becaues its my responsibility and duty to do.” Nye! Nye! As if I care. Inirapan ko ito at saka ko itinuon ang pansin ko sa bahay ni Maverick. Bakit ba kasi ang tagal nito?
Nang matanaw ko ang pagbukas ng pinto ng bahay nito ay nakaramdam ako ng tuwa. Syempre, susunduin na ako nito. Maya maya pa ay lumabas na ito saka ako pinuntahan sa harap ng bahay ko.
“Sam.” sabay nilang sabi saakin. Hinila ni Clyde ang kamay ko ngunit agad rin naman akong nahawakan ni Kevin.
“Sam, you’re going with me.” sabi ni Clyde. Ulol! Says who ba?
“No! She’s coming with me!” pasigaw na sabi ni Kevin. Itong mga unggoy na to. Agad akong kumalas sa pagkakahawak ng dalawa saakin ng makita ko sa harap ko si Maverick.
“I am going with Maverick.” sabi ko sakanilang dalawa bago kami umalis ni Mav. Kaloka ha. Stress pa aabutin ko sa kanilang dalawa. Tahimik lamang kami ni Maverick at walang kibo sa isa’t isa hanggang sa makarating kami sa Academy Ball.
“Thank you.” saad ko dito bago ako nito tuluyang iwanan. Hays, si Morioka nga talaga ang hanap niya t hindi ako kaloka. Hindi naman ako mahirap pakisamahan eh.
Sa hindi kalayuan ay naaninag ko naman si Clyde at Kevin, yiieehhh. Its a bromance though. Ang cute nilang magkasama. Nagsitilian naman ang mga punyeters na babae ng makita rin nila ang dalawa. Oo na, parehas silang gwapo. Pero sa totoo lang bato talaga itong punyeta kong puso, char! Secret lang muna.
“Student’s hold your partner. Our party will going to begin after 5 minutes.” pag aanunsyo ng isang taong nasa harap naming lahat. Agad naman akong pinuntahan ni Clyde dahil doon. Bakit ba kasi ito ang naging kapartner ko.
Ngumiti ito ng nakakaloko saka nito iniabot ang kanyang kamay. Kinulangutan ko muna ang daliri ko bago ko ibigay sakanya ang kamay ko.
“Ew, gross.” sabi nito.Ukitnam kitdi, gross grossin ko pagmumukha mo diyan eh.
“Ah gross pala ha.” sabi ko dito saka ko ito inapakan gamit ang pointed heels ko dahilan upang mapaaray ito. Agad ko rin namang tinanggal iyon. Maya maya pa ay nag start na ang Grand Ball ng Academy. Nag umpisa narin ang mabagal na tugtog at nag umpisa narin itong isayaw ako.
“Sam.” bulong nito saakin.
“Hmm.” ani ko. Hinalikan ako nito sa noo at sa pisngi. Nakramdam ako ng mainit na bagay sa aking pisngi. Putang ina! Kinikilig ata ako eh! Hoy, self! Umayos ka, please.
“What was that for?” I asked but then he never answer. He just hug me tighter. Agad rin naman nitong ikinalas ang kanyang sarili mula sa pagkakayakap saakin saka ngumiti.
“I want to be with you forever, Sam.” Wait, mainit. Tang ina! Mala fairy tale na ba ang kwento ko? Shet.
“But before that I just want you to know na gusto kitang ligawan ng maayos.” sabi nito. Binitawan ko ito at saka kami huminto sa pagsasayaw.
“Ligawan your face. After na ng lahat.” pagsusungit ko dito saka ko ito iniwan sa Dance floor. Syempre, gusto ko ring makasayaw si Kevin nuh.
Natanaw ko si Kevin sa isang banda na umiinom lamang ng wine. Nilapitan ko ito saka ako ngumiti dito.
“Shall we dance?” pag aaya ko dito. Agad naman itong tumayo sa kinauupuan nito saka ako hinila sa Dance Floor.
“Akala ko ay hindi na kita maisasayaw.” saad nito. Itong kaibigan kong ito kulang ata sa aruga ko eh. Hindi naman ako katulad nito na makakalimutan siya. Nginitian ko siya saka ko ito hinalikan sa pisngi.
“Pwede ba naman yon?” sagot ko dito. Nakangiti naman ito saakin na tila ba hindi ko maintindihan. Maya maya pa ay bigla ako nitong hinalikan sa labi. Puta! Para akong nanigas na semento sa kinalalagyan ko ngayon dahil dito.
“Sam, I want to court you.” Isa rin itong lalaking ito eh. Nakikisabay pa kay Clyde De Puta. Tang ina!
“Akala ko magkaibigan lang tayo?” tanong ko dito. Umiling lang naman ito saka ito nagsalita.
“Hindi ko rin alam kong papaano pero putek, nagising na lang ako Sam na gusto na kita.” pagpapaliwanag nito saakin. Sinampal ko itong putang inang lalaking ito para magising.
“Gusto mo ako? Gusto mo ko dahil kailangan mo lang ako.” ani ko bago ako tumalikod sa kanya. Agad naman niting nahawakan ang aking kamay saka nito ako muling iniharap sa kanya.
“Gusto kita dahil kailangan kita. Kailangan kita sa buhay ko. I want to be with you until death do us apart.” wika nito. Pinilit kong alisin ang kamay nito sa pagkakahawak nito sa akin at nang mabitawan ako nito ay agad akong tumakbo palabas ng Academy.
Bakit ba ganito ang kwento ko? Napakagulo. Isa isa lang pwede? Dugyot naman ako sa pagkakaalam ko para hindi magustuhan pero itong mga putang inang shit na bullshit na mga lalaking ito nagkakagusto parin saakin. Hay buhay, sira na ata ang mga ulo nila.
BINABASA MO ANG
The Dieties Heiress(Completed but Editing)
FantasyEach one has its own secrets. A mystery that nobody wants to uncover. My name is Ivery Samantha Louise. Sam for short, a regular student that unable to accept that I has a strength. A strength that I can't quite picture at all.