Morioka’s POV
Masaya akong naglalakad sa hall way ng eskwelahan kasama si Maverick. Dinidilaan ko ang ice cream na binili nito para saakin. Samantala, habang kami’y naglalakad patungo sa aming silid ay nasalubong namin si Kevin. Napatingin ito sa purselas na nakasuot saakin. Alam ba nitong ako si Morioka? O hindi? Agad ko namang inubos ang ice cream na kanina ko pa dinidilaan.
“Good Morning!” bati nito saamin habang nakangiti. Itinulak nito si Maverick papalayo sa tabi ko saka ako nito inakbayan.
Nakatingin ang mga estudyante saamin na nasa hallway rin dahilan upang iba’t ibang mga usapin nanaman ang aking mga narinig.
“Why kaya si Clyde ang partner ni Sam instead of Kevin?”
“They’re both cool and handsome kaya kahit sino babagay kay Sam.”
“That Sammy girl, inangkin niya na ang lahat saakin!”
Hays. Hindi ko alam kong matutuwa ba ako sa mga ito o hindi. Natutuwa akong sikat ako dahil sa mga usapin ngayon pero hindi ako natutuwa dahil syempre may mga taong ayaw pa rin kay Sam.
“I know you’re not Sam.” bulong nito saakin habang naglalakad kami. Nakasunod lamang si Maverick saamin. Huminto ako at tinitigan ito.
“You’re right.” sagot ko dito habang diretso parin akong nakatitig sakanya. Lumingon ako sa likuran dahil sa tilian ng mga babae.
“Ang gwapo mo talaga, Clyde!”
“Anakan mo na ako, fafa.”
“Pak na pak!”
“Waahhh! Lalapit na siya sa girlfriend niya!”
Ang daming sinabi ng mga taong nasa paligid. Sa sobrang dami yung iba hindi ko na maintindihan. Lumakad si Clyde sa gawin namin nila Kevin. Nang malapitan kami nito ay agad nitong sinikmuraan si Kevin dahilan upang bumagsak ito sa sahig. Nagulat ang lahat ng nasa paligid, maging ako at si Maverick ay nagulat rin sa ginawa nito. Anong mayroon? Bakit niya ito sinaktan? Akmang lalapitan ko sana si Kevin nang bigla akong hilain ni Clyde sa tabi niya.
“Walang sinuman ang maaring umakbay sa GIRLFRIEND KO.” Ha? Kelan pa? Napatingin ako rito, mukha namang napansin nitong hindi ako si Sam kaya agad ako nitong hinila papunta sa likod ng eskwelahan. Sinubukan itong pigilin ni Maverick ngunit hindi niya ito napigil kung kaya’t ito’y sumunod na lamang saamin.
“Ano bang problema mo?” inis kong tanong sa kanya nang bitawan ako nito nang makarating kami sa likod. Tinignan ko ito na ngayon ay nakatalikod lamang saakin.
“Where the hell is Sam?” tanong nito saakin saka humarap. Hello, aware ba siya na ako ang kapatid ni Sam? Agad namang lumapit si Maverick saamin at inilagay ako sa likod nito.
“Magrelax ka lang. Hindi namin alam kong nasaan si Sam.” sagot ni Maverick kay Clyde. Bigla naman kaming nakarinig ng isang malakas na kaluskos bago lumabas si Sam sa madilim na parte ng gubat sa eskwelahan. Gaya ng dati ay nangungulangot itong papalapit saamin habang may kinakaing kung ano sa kamay niya. Huwag niyong sabihing kulangot ang kinakain niya ha?
Nang nasa harap na ito ay nalinawan na kaming lahat sa kinakain nito. Alateres pala ang tawag niya sa mga malililiit na prutas na kulay pula.
“Love, anong ginagawa mo doon?” tanong ni Clyde dito. Wait, teka! Kelan pa naging love ang pangalan ni Sam?
“Nangungulangot bakit gusto mo rin ba akong samahan?” pilosopo nitong sabi sa kausap niya. Tinitigan niya kaming tatlo bago ito mapakunot noo.
“Asaan si Solomon at Clyde? I mean si Dolomon at Kevin pala” tanong nito. Tumawa naman si Clyde ng napakalakas dahil dito.
“Miss na miss mo ata ako love.” pang aasar nito. Nakita ko namang inirapan ito ng kakambal ko bago ako nito tinignan. Tinitigan rin ako ni Clyde ng masama na tila ba nais nitong iparating na huwag kong ipaalam dito ang nangyari.
“Ah si Kevin ba, nauna na sa inyong silid.” sagot ko dito. Ngumisi naman si Clyde dahil sa sinagot ko sa kakambal. Hindi ako sinungaling pero sa lagay ng katawan ko ngayon ay batid kong hindi kakayanin ng katawan ko kung lalabanan ko pa ito lalo na ngayon na nakadepende laamng ako sa kapangyarihan ng aking kakambal. Tumango tango naman si Sam sa sinabi ko bago ito tumitig sa gawi ni Clyde.
“Eh si Solomon?” tanong nito sa kanyang kasintahan. Talaga ba, Morioka? Tinatawag mo ng kasintahan ng kakambal mo ang isang yan? Nag iba naman ang itsura nito ng marinig ang pangalan ni Solomon. Anong mayroon?
“Oh bat ganyan ka?” tanong ni Sam dito. Nakapagtatakang ganito ang aura nito ngayon.
“Wala na si Solomon.” ani nito. Hindi ko alam kong saan nang gagaling ang nararamdaman ko ngayon pero pakiramdam ko ay tinutusok ang puso ko ng kung ano. Nahihirapan akong huminga na tila ba may pumipiga sa ugat nito. Napaluhod na lamang ako saka nagsibagsakan ang mga luha ko. Hinawakan naman ako ni Maverick bilang pag aalalay saakin.
“Paanong wala na si Solomon?” tanong ni Sam dito kahit na nakita na ako nitong nakaluhod. Ang kakambal ko sa isa mga kahanga hangang Prinsesa na nakilala ko, napakalakas nito maging sa emosyon nito, eh papaano lagi naman kasi itong galit noon.
“Pinatay… siya ng Reyna.” dahan dahan nitong sinabi ang tugon niya sa tanong ng aking kapatid. Si Fleariza pala ang may pakana ng mga ito. Tinignan ko si Clyde. Akala ko ay wala lang ito sakanya ngunit matapos niyang sabihin kay Sam kung sino ang pumatay kay Solomon ay agad itong yumuko. Umiiyak ba ito ngayon?
Linapitan siya ng kakambal ko, hindi para yakapin kundi para sipain. Wala ba talagang puso ang babaeng ito. Maya maya pa ay lumapit rin ito sa gawi ko at katulad ng ginawa niya kay Clyde ay sinipa rin naman ako nito.
“What was that for?!” dinig kong tanong ni Clyde sakanya ng makabangon ito mula sa pagkakasalampak nito sa sahig. Lumapit ang kakambal ko dito saka nito niyakap.
“Wala lang trip ko lang.” dinig kong sabi nito. Agad namang ikinalas ni Sam ang kanyang mga braso mula sa pagkakayakap dito at agad akong pinuntahan at gaya ng ginawa niya sa kanyang kasintahan ay agad rin ako nitong niyakap at tinulungang tumayo.
Iba ka sa lahat, Mahal na Prinsesa Sharika.
BINABASA MO ANG
The Dieties Heiress(Completed but Editing)
FantastikEach one has its own secrets. A mystery that nobody wants to uncover. My name is Ivery Samantha Louise. Sam for short, a regular student that unable to accept that I has a strength. A strength that I can't quite picture at all.