Chapter 45: Saving Her

7 3 0
                                    

Sam’s POV

Pinatapos ko lamang ang klase namin sa Law saka ako nakipagpalit kay Morioka. Ang ganda rin naman palang may kakambal ako. Nakakakain ako on time saka nakakagawa pa ng assignment sa ibang course subject.

Dibale sa susunod na bukas na ang Ball, matatapos narin ang klase at makikita ko narin ang sinasabi nilang Damnivia. Pakiramdam ko ay magandang magbakasyon doon.

Habang nasa daan ako pauwi ay nakarinig ako ng isang malakas na sigaw. Pamilyar ang boses na iyon kaya agad ko itong pinuntahan.

“Pakawalan mo ako!” dinig kong sigaw nito. Anong klaseng nilalang ito? Parang sipon. Asaan na ba si Clyde? Si Kevin? Bakit mag isa lang nito dito?

“Hoy, halimaw!” tawag ko dito. Napatingin rin naman saakin si Morioka ng tawagin ko ang nilalang na iyon.  Humarap naman saakin ang kumag at saka ako binato ng isang malagkit na sipon. Putang ina! Alam kong nangungulangot ako pero never kong pinangarap na matamaan ng sipon nuh. Sino ba naman may gusto nun? Kadiri kaya!

Agad kong inalis sa katawan ko ang nakakadiri nitong ibinuga saakin saka ako gumawa ng bolang apoy na may iba’t ibang kulay. Ibinato ko ito sa halimaw na iyon at saka ito biglang nawala.

Samantala, palapit na sana saakin ang aking kakambal ng biglang isang matipunong lalaki ang lumitaw sa kanyang likuran at hinila ito. Sinubukan nitong alisin ang mga kamay nito sa pagkakahawak sa kanya ngunit hindi rin naman nagpadaig ang lalaking iyon.

“Ama.” dinig kong tawag ng lalaki sa likuran ko. Don’t tell me its….

Humarap ako sa direksiyon nito at nakita ko siya. Nakita ko si Clyde na nakatitig saakin.

“Tulong!” sigaw ng kakambal ko. Anong mayroon? Bakit niya ito tinatawag na Ama?

“Ama, itigil mo iyan!” sigaw niya dito ngunit humalakhak lamang ang malademonyong halimaw na iyon na tatay pala ng nagugustuhan kong lalaki. Putang ina!

“Maraming Salamat, anak.” wika nito sakanya saka sila nawala kasama ang kakambal ko. Humarap ako sa direksiyon ni Clyde saka ko ito sinuntok. Hindi naman agad nito naharang ang suntok kong iyon kaya tumalsik ito na parang basura sa bakanteng lote. Tumama ang likod nito sa isang puno ng mangga.

“Ano yun?! Traydor ka!” sigaw ko. Tumayo ito at hinawakan nito ang kamay ko. Ano to? Kung magaling kang makipaglaro mas magaling ako putang ina! Wala naman sanang damayan ng kakambal, tang ina!

“Ano yun ha?!” galit kong sabi sakanya dahilan upang lumabas ang nakakapasong apoy sa aking katawan. Binitawan naman ako nito matapos lumabas ang mga ito.

“Sam, magpapaliwanag ako.” mahinahon nitong sabi.

“Sam, pakinggan mo muna ako.” dagdag pa nito ngunit hindi ko na inintindi ang sinabi nito. Linapitan ko ito saka ko ihinampas sakanya ang matalim na bagay na ginawa ko gamit ang aking kapangyarihan.

Agad rin naman nito sinalubong ng isang espadang hawak hawak niya.

“Sam.” pagbanggit nito sa pangalan ko dahilan upang lalo pa akong magalit sakanya. Nagpaulan ako ng mga apoy na ngayon ay nakapalibot saakin. Nagulat na lamang ako nang biglang ako nitong nilapitan ng dahan dahan at hindi inalintana ang mga apoy na pumapaso sa kanyang katawan.

Nang tuluyan na ako nitong nalapitan ay agad ako nitong hinalikan dahilan upang mawala ako sa pokus.

Ano ba ito? Bwisit na pag ibig. Ayoko nito. Dahan dahan nitong iginala ang dila nito sa loob ng bunganga ko at ganun din ang iginanti ko. Puta, ano ba yan?

Pagkatapos ng sampung segundo ay itinigil nito ang paghalik saakin. Niyakap ako ni Clyde ng sobrang higpit saka bumulong saakin.

“Iniligtas lamang kita mula sa panganib.” bulong nito. Ano ito? Iniligtas niya ako sa kanyang ama pero inilagay niya sa kapahamakan ang aking kakambal? Napaka makasarili ko naman kung hahayaan ko lang ito sa kamay ng kanyang ama gayung alam kong may masamang plano ang ama niya sa kakambal ko.

Itinulak ko ito dahilan upang manlaki ang mga mata nito.

“Hindi ko kailangan mailigtas sa panganib. Kaya ko ang sarili ko tanga! Ang kapatid ko, siya ang may kailangan ng tulong!” galit kong sabi dito.

“I know. Pero kapag kinuha ka niya ngayon na hindi ako kasama siguradong magtatagumpay sila sa plano nila sayo.” pagpapaliwanag nito saakin. Ewan ko ba, lecheng buhay ito. Tinitigan ko lamang ito saka ko inirapan bago ako lumakad papalayo dito.

Anong plano nito? Hayaang mamatay ang kakambal ko? Puta talaga.






















Kevin’s POV

Ang sakit. Bakit ganito? Nasasaktan akong makita si Sam na kahalikan ang kumag na iyon.

Ang sakit sa mata. Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ang nararamdaman ko. Maaaring hinahanap hanap ko siya noon but to be honest I wouldn’t expect that my feelings will going deeper and deeper for her, akala ko ay hanggang doon lang pero bakit ganun? Ang unfair naman eh. Matagal akong nakasama ni Sam pero bakit hindi siya nakaramdam ng ganito sa nararamdaman ko. Ang unfair!

Why is this babaerong manloloko ay nagkakaganito dahil sa best friend niyang bwisit, tarantada na mukhang lalaki kung manuntok tapos tanga pa? Puta talaga! Ikaw lang naman si Ivery Samantha Louise Dela Freud.

“AHHH!” sigaw ko kasabay nun ang pagkusot ko ng buhok ko gamit ang parehong mga kamay ko. Ayun na nga eh, putang ina! Ikaw si Ivery Samantha Louise Dela Freud. Kahit gaano ka kagago, kahit gaano ka pa katanga, kahit gaano ka pa kaweirdo. Ikaw parin si Ivery Samantha Louise na kababata ko, na kabugbugan ko, na mamahalin ko.

Babawiin kita diyan sa putang inang Clyde na yan! Bata pa lang magkaribal na talaga kami niyan. Kung dati ay sumusuko ako sakanya. Pwes, ibahin mo ngayon dahil pinapangako ko, hinding hindi ako susuko. Hinding hindi kita susukuan, Samantha.

Hindi kita susukuan hanggang sa makuha ulit kita. Hanggang sa bumalik sa lahat ang dati. Dahil ganoon kita kamahal, hindi kita susukuan hanggang sa mapasaakin ka na. Hanggang sa matapos ito.

The Dieties Heiress(Completed but Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon