CHAPTER THIRTY SIX: BIRTH

118 7 1
                                    

HI MGA BOSSING!!

MUSTA NA PO??
SANA MAENJOY NIYO PO ANG UPDATE KA NGAYON....

PLEASE ALWAYS BE SAFE PO..
WAG PASAWAY...
THE MORE NA MAY PASAWAY, THE MORE NA TATAGAL PA PO ANG ECQ NATIN...
AT LALO PO TAYONG MAHIHIRAPAN DAHIL MAHIRAP HUMANAP NG MAKAKAIN SA ARAW-ARAW...

DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT, AND BE FAN...

P.S

MGA SILENT READERS MAG-INGAY NAMAM PO DYAN!!!..

AND THE PICTURES ARE NOT MINE...

LOVE YOU ALL FOLKS..

❤❤❤❤❤❤❤❤❤

-------------------------------

AUTHOR's POV

Mahaba-haba na rin ang tinakbo nang kanilang sasakyan, puro mga nagtataasang puno at malawak na talahiban na ang natatanaw nila, nakahinga na nang maluwag si DAME dahil malapit na sila sa mansion at makakasama na niya ang kanyang asawa.
Nababalot pa rin sila ng pagiging alerto at takot pa rin ang batang lalaki dahil sa mga nagaganap.
.
.
.
.
Medyo may kalayuan ang mansion ni KAZENO kung para sa ibang kabahayan, medyo malapit na rin sila sa kanilang destinasyon.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na sila sa mansion ay mas lalong nakahinga na nang maluwag si DAME, lalong nabunutan siya ng takot nang makitang nasa bukana ng kanilang mansion ang asawa niya na may halong pag-aalala na makikita sa mukha nito para sa kanila, lalo na sa kanya, namuo ang mumunting butil ng luha sa kanyang mga mata dahil na rin sa pagkasabik na mayakap ang kanyang asawa.
Agad na lumabas si REN upang makalabas na din ang babaeng amo at nang makapiling na ang asawa nito, inalalayan niyang makalabas ito kasunod ang batang lalaki at hinawakan ang kamay nito.
.
.
.
.
Agad na tumalima si KAZENO at tinakbo ang pagitan nila nang nanginginig na asawa at agad na sinalubong nang yakap, bigla namang napahagulgol ang buntis na asawa.

" hush...
Everythings gonna be okay...
I am right here baby....
Hush.... " pagpapatahan sa asawang buntis habang hinahagod ang likod nito upang huminahon, hindi muna pinapansin ni KAZENO ang mga kasama dahil nakatuon ang buong atensyon nito sa asawang buntis.

Napalingon naman sa ibang direksyon si ACHILLESS nang makita kung paano niyakap ni KAZENO si DAME at kung paano nito pinapatahan ang babaeng buntis.
May kirot sa puso niya at mumunting bulong na sana sya na lang ang nasa kalagayan ni KAZENO na sana sa kanya na lang si DAME.
Na sana sya na lang ang minahal nito at sana sya ang ama ng dinadala nito, napalunok sya at isang maling desisyon iyon, kahit laway ay tila mapait iyon.
Isang mapait na lasa ng pagkabigo, nais niyang lumayo ngunit hindi, nais niyang magsalita ngunit hindi, at nais niyang hilahin ang dalaga at balutin ng init nang yakap niya, ngunit hindi.

Nasa ganoong pagiisip sya nang napaigtad sya nang may maramdaman na isang mumunting kamay na humawak sa kanyang kanang kamay, napalingon sya pababa sa munting anghel at nakita niya na titig na titig ito sa kanya, mababakas ang takot sa mga mata nito at ang paghahanap nang kalinga na nais sa kanya, kaya pinangko niya ito at niyakap.

" wag ka nang matakot...
Nandito lang ako...
Hindi kita pababayaan.. " sabi niya sa munting anghel na dapat kay DAME niya iyon sinasabi.
Isang mahigpit na yakap ang kanyang naramdaman na galing sa munting anghel, napangiti na lang sya sa ginawa nang bata.
.
.
.
.
.

💥END OF FLASHBACK💥

DAME's POV

At doon nga nagtatapos ang naganap noong isang araw, tapos naging busy si KAZENO dahil kailangan niyang makapanayam ang mga VAMPIRE CLAN upang mapagplanuhan ang susunod na hakbang, madami na ang nasawi at naging UNWANTED dahil sa naging insidente, kaya hindi kami makalabas dahil hindi rin namin masasabi kung saan sila naglalagi, medyo maingat kami dahik kasama namun sina ACHILLESS at si BABY XAIVER, hindi puwede nilang malaman ang sikreto ni KAZENO at iba pang naninilbihan dito sa mansion.
Pati rin si ASHIRO ay kailangang itago, ayos lang naman sa aso since nakakaintindi sya nang salita nang tao.
Diba nga't DEMON DOG si ASHIRO? Kaya nakakaintindi sya nang salita namin pero hindi sya nakakapagsalita.
Kaya nauunawaan niyang may ibaang tao bukod sa akin na kasama sa loob ng mansion kaya kailangan niyang magtago.
Kaya nagtago sya sa kanyang bahay sa kagubatan na pagaari pa rin ng asawa ko.
Yaman talaga ng hampas lupang iyon.
😑😑😑

THE LUST OF A VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon