CHAPTER THIRTY SEVEN: STAY SAFE

78 4 1
                                        


MUSTA MGA BOSSING??

SORRY DAHIL LATE NA NAMAN AKO MAG-UPDATE...
ILANG ARAW DIN AKONG WALANG LOAD KAYA HINDI MAKAPAG PUBLISH...

SANA MAGUSTUHAN NIYO ANG CHAPTER NA ITO...

BE SAFE AT WAG PASAWAY...

DON'T FORGET TO VOTE COMMENT AND BE FAN...

❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

----------------------

AUTHOR's POV

Nakapanganak na si DAME ng ligtas, pero dahil isang magandang araw na yun ay naging ama na si KAZENO at hindi niya mapigilan na ipagmalaki sa iba ang kanyang anak sa ibang mga CLAN ang bunga ng pagmamahalan nila ng asawa ay agad niyang tinawagan ang mga ito gamit ang video call sa app na zoom (paki tama po ako mga bossing kung tama ang pagkakalama ko sa ZOOM app na iyan...salamat ng marami), pero bago yun ay lumabas na muna silang lahat at upang makapagpahinga na ang mag-ina sa sobrang pagod.

Pero nagpaiwan ang batang lalaki at nagpaalam kung puwedeng doon sya muna matulog, dahil gusto pa niyang makasama ang ate DAME niya at ang sanggol at hindi naman sya nabigo dahil pumayag naman ang ama ng sanggol sa gusto ng batang lalaki.
Nang makalabas ay agad na pumunta si KAZENO sa kanyang office room sa mansion upang doon ipamalita sa lahat ng CLAN ang bagong silang na tagapagmana ng kaharian ng mga bampira.
Walang makakapigil sa kanya, pero habang naglalakad sya ay naramdaman naman niya na may sumusunod sa likod niya, hindi na niya kailangang lingunin kung sino ang nakabuntot sa kanya dahil si ACHILLESS lang naman iyon, alam na niya kung ano ang nais nito sa knaya.
Nais nitong kalaman ang tungkok sa sanggol at ang pagkatao niya, bisto na naman sya kaya hindi na niya kailangang magsinungaling pero may mga bagay syang dapat ilihim.
Hindi puwedeng mabunyag ang lahat noon lalo na sa isang tao, nang makarating sila sa office room ay binuksan niya ito at pumasok kasunod ni ACHILLESS at sinara naman nang huli ang pintuan, dumiretso si KAZENO sa kanyang desk na paharap sa pintuan at umupo sa kanyang upuan at iginayak niya o itinuro sa lalaking nasa pintuan na nakatayo ang upuan na nasa harapan ng kanyang desk.

" hindi na ako magpapaligoy pa -- " naudlot na turan ng lalaki habang paupo pero pinutol na sya ni KAZENO.

" alam kong ang tungkol ay sa sanggol at sa akin, tama ka, bampira ang anak ko at ako. " tila pinal na sabi niya sa lalaking kaharap at walang paligoy ligoy pa.
" huwag kang magalala dahil hindi pa ako nasisiraan ng bait para ipahamak ang mag-ina ko, kaya ko silang protektahan gamit ang lakas ko.
Kung naiisip mo naman na kung saan ako nakuha ng dugo na iniinom ko araw-araw ay huwag ka ring magalala, galing ang mga iyon sa legal na proseso kaya huwag ka ring magalala dahil hindi kami pumapatay ng mga tao, galing iyon sa blood bank na galing sa mga blood donations at minsan ay dugo naman ng mga hayop ang iniinom namin para balanse. " tuloy tuloy na pahayag niya sa binatang nasa harapan niya na taimtim na nakatingin sa kanya, mababakas ang gulat, pagkalito, at kaginhawaan sa mga ekspresyon nito sa mukha.

Tumayo si ACHILLESS sa kanyang pagkakaupo at naglibot sa loob ng office room ni KAZENO, habang naglilibot ang isa, ang isa naman ay taimtim syang pinagmamasdan, alam na niya ang katauhan ng kasama sa opisina niya pero tahimik lang sya, alam niya kasapi ito sa SECRET ORGANIZATION na nagpapanatili ng balanse sa pagitan ng mga bampira at tao at taong-lobo.

" may report sa amin na may mga iba't ibang CLAN ang mga bampira, pero hindi namin alam kung anu-ano ang pagkakakilanlan nila, kung sinu-sino ang mga namumuno sa bawat CLAN at ano ang kani-kanilang mga pangalan at katangian. " sabi ni ACHILLESS habang huminto na ito sa paglilibot sa opisina at tumingin ng diretso sa mga mata ni KAZENO, makikita mo ang mala pilak na buhok nito at ang may dark red na pares nang mga mata si KAZENO.
" saan ka nabibilang na CLAN at ano ang iyong katangian? Maliban pa doon ay ano rin ang iyong katayuan sa CLAN ng mga bampira? " mausisang tanong ni ACHILLESS kay KAZENO na taimtim pa ring nakatitig sa kanya.

THE LUST OF A VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon