CHAPTER FORTY FIVE: IT'S NOT OVER YET

55 1 0
                                    


MUSTA MGA BOSSING??
ALAM KO PO ANG TAGAL KO NA NAMAN PONG MAGUPDATE SORRY PO DAHIL WALANG MATINONG SCHEDULE AKO DAHIL SA PANDEMIC..

SO BABAWI AKO AT MAGAUPDATE AKO...
SANA MAGUSTUHAN NIYO ANG CHAPTER NA ITO...

DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT, AND BE FAN...
LOVE YOU ALL AND KEEP SAFE ALWAYS...

😘😘😘😘😘😘
---------------------------------


AUTHOR's POV


Matapos ang kaguluhan sa mansion ni KAZENO ay sinundo na niya ang kanyang mag-ina at sina ACHILLESS at BABY XAIVER sa safe house.

Nang makarating siya sa harap ng pinto ay agad na bumukas ito at sumalubong bigla ni ASHIRO na nasa aso pa ring anyo at dinabahan ang kanyang amo sa pananabik na makita ito.

Agad ding dinaluhan ni DAME ang asawa habang karga nito ang anak na tila masayang makita ang ama nito, sinalubong niya nang yakap at halik ang kanyang asawa na ikina iwas naman ng tingin ni ACHILLESS dahil sa meron pa rin syang nararamdaman kay DAME, hindi niya maalis ang nararamdaman niya, mahirap pero sinusubukan niya naman pero hindi sa ngayon.


"Kuya ACHILLESS..." pagpukaw ni BABY XAIVER sa pansin ni ACHILLESS.

"Ano yung XAIVER??" lumingon sya sa katabing upuan niya kung saan nakaupo ang batang lalaki.

"Gusto ko pa pong kumain." nakangusong sabi ng bata na ikinatawa niya dahil sa sobrang nakakatuwang ekspresyon nito.

"Ano gusto mo??" tanong niya sa batang lalaki.

"Yung Chicken po." turo ni BABY XAIVER sa piniritong manok na nakahapag sa hapagkainan, inabot naman niya ito at inilagay sa plato ng bata na maganang kumain at tilang sarap na sarap sa kinakain nito, pansamantalang nawala ang kanyang munting selos na nararamdaman at napalitan ito ng saya sa pamamagitang ng kakulitan ng batang masayang kumakain sa tabi niya.


Balik tayo sa mag-asawa,

"Mahal ko, anong kalagayan sa mansion?" tanong ni DAME sa asawa.

"Maayos naman ang lahat maliban..." pinutol niya ang kanyang sasabihin na nakapagbigay ng kaba sa dibdib ng kanyang asawa.

"M-maliban sa? may nasaktan ba? m-may namatay ba?" sunud-sunod na tanong ni DAME kay KAZENO na may halong takot at pangamba.

"Wala, walan naman, maliban lang sa hardin natin, nasunog lahat at para kang nasa arsuhan." pahayag ni KAZENO habang hinahagod ang likod ng asawa upang pakalmahin ito.

"Mabuti naman." nakahingang maluwag na hayag ni DAME.

"Maiba tayo, kumusta naman ang poging kong anak? naging mabait ka ba habang wala si Daddy? binantayan mo ba si Mommy habang wala ako?" tanong ni KAZENO sa anak nila na kanina pa nakatingin sa kanya, kinuha niya ito sa pagkakakarga ni DAME at siya na ang kumarga dito.

"oohh ugghh uumm aaauuhhww." wika ni BABY DAZ na animo'y sumasagot sa ama nito na may nakakatuwang ekspresyon sa mukha at may munting paggalaw katulad mumunting pagpadyak at wagayway ng braso nito na ikina tawa ni DAME.

"Aba, talaga? good job, ang galing naman ng anak ko!" pagpupuri ni KAZENO sa anak na makikita sa mata ng anak na tila naiintindihan ang salita ng ama. Naglakad sila at naupo sa sopa, naupo si KAZENO karga pa rin ang anak, naglakad naman patungo sa lamesa si DAME at ipinagpatuloy ang pagkain.

THE LUST OF A VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon