Dedicated to: irene6bernabe
"Thank you irene6bernabe sa suporta mo, at keep safe."
--------------
HI MGA BOSSING!!
PASENSYA NA KAYO AT NATAGALAN ULIT DAHIL SA FOR VOTE NATIN TAPOS WALANG BOMOTO..NAGHINTAY PO AKO SA BOTO NIYO KUNG SINO ANG MAGIGING CHARACTER NI BABY XAIVER..
ANYWAY, AKO NA LANG SINCE WALANG BOMOTO.
PERO BAGO PO ANG LAHAT, START NA PO AKO SA CHAPTER NA ITO, SANA MAGUSTUHAN NIYO.
DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT, AND BE FAN
SANA ALL
<3 <3 <3 <3 <3 <3 <3 <3 <3
-----------------------
AUTHOR's POV
Nagkakagulo ang lahat sa loob nang mansion, nakahandusay na katawan ni DAME at napakalayang pag-agos nang dugo sa katawan nito, pahina nang pahina ang pagtibok ng puso ni DAME na lalong ikinataranta ng nandodoon, may mga katanungan na hindi masagot, ang iba ay hinahanap ang anak ng kanilang amo pero bigo dahil walang bakas na kahit ano para matunton ang salarin.
Hindi pa rin gumagalaw si KAZENO sa kanyang kinatatayuan dahil hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang nasasaksihan, naliligo sa dugo ang babaeng mahal na mahal niya nang higit pa sa lahat.
Nanginig ang buo niyang katawan, hindi sa takot kung hindi sa labis na galit, namula ang mga mata at nagsihaba ang kanyang mga pangil at kuko, lumalabas ang isang nakakatindig balahibong awra sa kanyang katawan, natigilan ang karamihan lalo na sina ACHILLESS at BABY XAIVER, para bang lahat nang buhok sa kanilang katawan ay magsipag tayuan, nagsumiksik si BABY XAIVER sa katawan ni RED sa sobrang nakakatakot na anyo at awrang inilalabas ni KAZENO.
Walang naglalakas na gumalaw sa mga kinatatayuan nila, walang naglalakas na magingay at walang nangangahas na pumigil sa kanilang hari.
Alam nilang lahat na pagpapakamatay lang ang pagpigil sa kanilang hari, at ramdam din nila ang puno nang galit na awra ng kanilang hari, nakakatakot, nakakapangilabot at nakakapanghina nang lakas ng loob yan ang ilan sa mga nararamdaman nang mga nandodoon sa loob ng mansion.
At mas lalo silang nangilabot ng magsimulang maglakad ito paabante sa kanila, nakalalakad pababa ng hagdanan, gusto nilang magpulasan paalis sa lugar na iyon patungo sa mas ligtas na lugar upang hindi sila mamatay.
"My LORD-" hindi na natapos ni DRACO ang kanyang sasabihin dahil bigla na lang siyang sinunggaban at hinawakan sa leeg ni KAZENO at sabay bato nito sa kaliwang bahagi ng mansyon nang siyang ikinasira ng kaliwang bahagi ng pader nang mansyon.
Naalerto ang iba at naghanda kahit na alam nilang sobrang dehado sila sa kanilang hari, bawat isa sa kanilang kapangyarihan ay meron si KAZENO, bawat estilo sa pakikipaglaban na alam nila ay alam din nito.
Naghanda na rin ang mga tauhan sa mansyon kahit alam din nilang malakas at kinakatakutan ang kanilang amo, kahit alam nilang wala silang binatbat sa anumang aspeto nang kanilang amo, nagbigay hudyat si ROBBIN at sabay-sabay silang sumugod patungo sa kanilang hari, alam nilang may masasawi sa kanila pero isinantabi nila ang takot mapakalma lang nila ang kanilang hari, dahil alam nila na mas marami pa ang masasawi kapag hindi nila napagtagumpayan ito.
Samantala, humiwalay si BABY XAIVER sa pagkakayakap kay RED upang malapitan ang kanyang kuya ACHILLESS, takot man ang bata pero hindi niya ito niyakap bagkus ay isinantabi niya ito malapitan lang ang kuya niya na kanina pa naiyak sa tabi nang kanyang ate DAME, nang makalapit ay siyang yakap niya agad sa kuya ACHILLESS niya na lalong nakapagpahagulgol dito.
Sa kabilang dako naman ay walang nabitiw sa pagkakahawak nila sa kadenanag may itim na mahika upang mapanatiling sa iisang puwesto si KAZENO at hindi na ito makapaminsala pa lalo sa iba, alam nang mga nakahawak sa kadena na nakagapos sa buong katawan ni KAZENO ay makakaalis din ang kanilang hari at papatayin sila nito, pero buong tapang silang humawak at tulong tulong na igapos ang kanilang hari mapakalma lang ito, pero bigo sila sa kadahilanang gumamit din nang itim na mahika ang kanilang hari upang makawala sa gapos ng kadena, pinalibutan nito ang buong katawan nang itim na mahika at siyang ikinawalang bisa nang kadenang may itim na mahika, alam na ito nang lahat na kapag gumamit ka nang malakas na itim mahika at tinapatan ito nang isa pang malakas na itim na mahika ay mawawalang bisa ang naunang mahika kaya hanggat maaari kung gagawa ka nang itim na mahika dapat mas malakas upang hindi ito matapatan nang kahit na anong itim na mahika, habang nawiwindang pa ang ilan sa kanila dahil sa pagkakawala sa gapos nang kanilang hari ay sumugod sa pinakamalapit na biktima sa kanya at sinunggaban ito sa leeg, wala pang isang minuto at nawalan na nang buhay ang isa sa mga tauhan sa mansyon kung saan isa ito sa nakatokang maglinis sa kuwarto nang mag-asawa. Isang binatang bampira ang namatay nang walang kalaban-laban.
"Shit!!" mura ni GIRO dahil sa nasaksihan.
"This is not good guys!!" sabi naman ni LORENZO na mahahalata sa mukha na kinakabahan siya.
"Stay calm everybody!!" sabi naman ni PHILIP na syang nakapagpakamla sa mga kasamahgan niya.
"One more time, gagawa ulit ako nang kadena and we all need to stay him here, it is going to be dangerous if his lordship will go outside in the human habitat!!" sigaw naman ni KYO na syang nagiisang kayang gumawa nang kadenang may itim na mahika na pipigil kay KAZENO sa pagwawala.
Sa kabilang panig nang mansyong kung saan nakahiga na walang malay at naliligo sa sariling dugo si DAME at kung saan hindi tumitigil si ACHILLESS sa paghihinangpis habang yakap-yakap nito si BABY XAIVER at nakaalalay naman ang kambal dahil baka sumugod sa kinaroroonan nila ang kanilang hari at handa silang pigilan ito kahit kapalit ang buhay nilang dalawa.
"Ah!" narinig nilang daing nang batang lalaki.
Napalingon sila sa bata na yakap-yakap nang kaibigan ng kanilang reyna at nakita nilang dumugo ang kamay nang bata, agad dumalo si REN at kumuha ito nang malinis na panyo upang punasan ang nasugatang kanang kamay nang bata, napansin ni REN kung bakit dumugo ang kamay nang bata, sa hinuha niya, nakahawak ito sa bubog na nasa tabi nang kanilang reyna at siguro dinampot ito nang bata upang itapo sa malayo pero dahil yakap ito nang kaibigan ng kanilang reyna at humahagulgol ito kaya napahawak nang mahigpit ang bata sa bubog upang hindi mahulog sa katawan ni DAME ang bubog.
Bago pa maagapan ni REN ang dumudugong kamay nang bata ay tumulo na ang dugo nito sa parte kung saan ang malaking sugat nang syang patuloy na nagdudulot nang pagagos nang masaganang dugo sa katawan ni DAME, at ang mga sumunod na pangyayari ang siyang nakapagpagulantang sa lahat na nandodoon sa mansyon.
____________________________
HI MGA BOSSING!!
HAPPY NEW YEAR!!ACTUALLY NASA DRAFTS KO NA ITONG CHAPTER NA ITO AT NAKALIMUTAN KONG I-PUBLISH..
SORRY ABOUT THAT..ANYWAY, SALAMAT SA MGA VOTES AT WALANG SAWANG PAGSUPORTA SA AKIN.
LOVE YOU ALL!!!
KEEP SAFE
♡♡♡♡♡♡♡
BINABASA MO ANG
THE LUST OF A VAMPIRE
VampirePaano kung makakakilala ka ng isang tao na magpapahinto ng mundo mo at magpapabaliw sayo?? Nanaisin mo pa bang makasama siya kung may malaman kang kakaiba sa kanya at sa mundong kinabibilangan niya??