CHAPTER FORTY: OUTSIDER

76 6 0
                                        

❤❤Dedicated to: irene6bernabe❤❤

(Thank you for your votes!!!.... atleast I know na may nagmamalasakit pa rin sa story ko...)

HI MGA BOSSING!!!...

SANA MAGUSTUHAN NIYO ITONG CHAPTER NA ITO...

PLEASE VOTE FOR ME...

STAY SAFE AS ALWAYS AND WAG PASAWAY..

HINDI PORKET MECQ NA EH BACK TO NORMAL NA...
NO, NO, NO....

DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT, AND BE FAN...

❤❤❤❤❤❤❤❤❤

---------------

AUTHOR's POV

Pinatulog muna ni KAZENO ang kanyang mag-ina bago sya lumabas upang magmasid sa nagaganap sa labanan sa labas ng kanyang mansion pero bago sya umalis ay nagiwan muna siya ng sulat para sa kanyang misis upang hindi na ito magalala pa, inilayag niya ang sulat sa side table ng kama upang madali itong makita ng asawa.
Pero bago sya lumabas ng tuluyan ay nadaanan muna niya sina ACHILLESS at BABY XAIVER na mahimbing na natutulog sa salas ng cabin, sunod ay ibinaling niya ang tingin kay ASHIRO na nakatingin sa kanya at nakataas ang tainga nito at mataimtim na nakatitig sa kanya, na animoy alerto sa ipaguutos niya.
Tumango sa kanya ang bantay ng cabin indikasyon na alam na nito ang mahalagang gagawin kapag wala na sya sa loob ng mahikadong lugar na iyon, lumabas sya ng SAFE HOUSE na iyon na walang kahit na anong ingay na ginagawa upang hindi sya makaistorbo sa pagpapahinga ng kanyang mag-ina at ang binata at ang bata sa loob ng cabin.

Walang lingon lingon syang lumabas at tinahak ang kaninang dinaanan nila patungo sa personal na opisina niya, bago sya pumasok ay may hinawakan sya sa gilid ng bukana na ng UNDERGROUND HALL na may hugis diyamante sa bandang ibaba nito, isa itong maliit na MAGIC CRYSTAL na nagtataglay nang isang malakas na mahika kung saan mapapanatiling ligtas ang buong lugar.

Bawat diyamanteng madadaanan niya ay hinahawakan niya upang mabuksan ang tinatagong mahika nito na nagbibigay ng go signal upang maactivate ang hidden traps sa hall.
Kada 3 hanggang 5 dipa ang layo minsan 8 dipa nang bawat MAGIC CRYSTALS na nakatago sa bawat bricks sa pader na kahit isa kang mahusay na mahikero o kahit malakas ang iyong pakiramdam ay hindi mo mararamdaman ang presensya ng isang MAGIC CRYSTAL kahit makita ito ay wala rin pakinabang dahil hindi ito kumikinang lalo na at hindi ito naaangkin nang sinumang nilalang.
(Kung baga sa aso, yung hindi mo napapangalanan ay hindi mo sya mapapasaiyo o magiging amo niya parang ganoon)
Bawat layo nito at may tinatagong nakamamatay na traps na kahit sino at ano man ang pinagmulan mo ay hindi ka makakaligtas ng buhay, at hindi mo kahit na kailan maaabot ang dulo ng hall patungo sa SAFE HOUSE.
Matapos niya paganahin ang mga MAGIC CRYSTALS na nasa loob ng UNDERGROUND HALL nakalabas na sya patungo sa personal na opisina niya, ang DEMON DOG na si ASHIRO na ang bahala sa mag-ina niya at ang iba pa, alam na nito ang tungkulin bilang isang tagapag-bantay ng COLFAXES MANOR, hindi mo aakalaing ganoon kalakas at nakakatakot ang kayang gawin ng demonyong aso sa kanyang mga kalaban, at buti na lang ay sya ang amo nang demonyong aso.
Nang makalabas na sya pati sa silid niyang iyon ay kusang nagsara ang lagusan patungo sa UNDERGROUND SAFE HOUSE at sa kanyang personal office.
Nawala ang pintuan ng personal office niya na parang buhay ang pinto na naging bahagi ng magarang pader, nawala ang bakas ng pintuan at naging pader.

Agad syang umalis sa puwesto at mabilis na nagtungo sa labasan gamit ang bilis ng mga bampira at doon sa labasan ng kanyang mansion makikita ang mga UNWANTED na naglalakad patungo sa kanyang mansion, kasama na niya sina RED at REN pati ang iba pang tagapagsilbi nang mansion na pawang mga bampira maliban sa kambal maging ang mga represendantes ng bawat VAMPIRE CLAN dahil bago magkagulo ay may pagpupulong silang lahat kanina maliban sa traidor nang may pakana ng lahat.

Nalanghap nila ang masangsang na amoy kahit sa malayo na animoy nabubulok na laman ng tao, amoy nang isang halimaw na uhaw sa dugo, nakakasuka ang nasasamyo nila sa hangin, kasukasuka din ang itsura nila mas masahol pa sila sa zombies na mapapanuod sa mga horror movies, maliban sa laman ng tao ay mismong dugo ng isang tao din ang nais nila, hindi talaga sila katanggap-tanggap sa lipunan, kaya UNWANTED ang ibinansag sa kanila simula pa lang, para silang mga baliw, baliw sa pagkauhaw sa dugo, zombies sila na hindi dahil isa silang mga bampirang nabaliw sa dugo, sa pagkauhaw sa dugo at hindi nila ito kinontrol.

Kahit pa hindi nakakalapit ng ilang layo ng metro sa mansion mismo ang mga masasamang nilalang ay agad nang sumugod ang mga tagalibi niya patungo sa mga ito, nakatayo pa rin sa tabi niya ang kambal at ang represendantes ng bawat VAMPIRE CLAN maliban sa isang CLAN. Naghihintay lang sila ng hudyat nang kanilang kinikilalang hari ng buong bampira upang sila ay kumilos na rin, pero parang hindi na muna kailangan ang kanilang lakas at kapangyarihan dahil kayang kaya na ng mga tagapagsilbi ni KAZENO ang mga kalaban na halimaw.

Tanging paghihiwalay lang ng ulo nito sa katawan at pagsunog sa mismong apoy ang tanging makakapatay sa mga kalaban, medyo marami-rami rin pala ang kanilang kalaban na nanghihimasok sa kanyang teritoryo, pero sapat na iyon para maubos ng mga tagapagsilbi niya ang mga kalaban, nandoong pupugutin ang mga ulo ng kalaban bago itapon sa nagbabagang apoy sa hindi kalayuan, isa itong balon na medyo malalim at sa ilalim nito ay nagaabang ang nagagalit na apoy na siyang tutupok sa nabubulok na katawan ng kalaban.

" MY KING, I would like to join the party as well, if you would let me. " nakangiting sabi ng lalaki sa parteng kanan niya, hindi na niya kailangan lingunin kung sino ito dahil boses pa lang ay kilala na niya.
Ang nagmamay-ari ng boses ay walang iba kung hindi ang nasa CLAN ng mga HOTMAN, kilala ito sa pagiging mapanabik lalo na sa pakikipaglaban, kilala rin ang CLAN sa kulay ng buhok at ng mga mata na isang nagbabagang apoy ng impyerno. Kung baga sa ingles ay "BLOODTHIRST" ang tawag sa kanila, hindi sa paraang uhaw sa dugo na literal na nais uminom, kung hindi uhaw sa dugo na nais pumatay, kilala rin sila sa pagiging short-temper or mainitin ang ulo. Madalas nakasigaw pero ayos lang naman dahil tapat silang tagasunod, walanag inuurungan sa labanan, maliit na kalaban man yan o hindi.

" ikaw ang bahala. " sabi ni KAZENO sa mahinahong pananalita habang nakamasid sa paligid at pinapakiramdaman ang lahat na nagaganap.

" yes!!!! " sabi nito na animoy nanalo sa loto at walang pasintabing mabilis pa sa alas kuwatro na tumungo sa mga kalaban at ipinagmalaki ang kanyang kapangyarihang apoy na nagmula sa mga ninuno.

" he didn't change at all....sigh* " buntong hiningang sabi naman ng nasa CLAN ng mga MALDIBON habang umiiling iling pa.

" let him be....
Let him enjoy the fun.
Would you like to accompany him?? " sabi ni KAZENO sa nagsalita habang pinagmamasdan ang apoy na may kulay dugo sa paligid kung saan tumutupok sa katawan ng kalaban, hindi basta basta ang kulay ng mga apoy ng CLAN nang mga HOTMAN dahil may iba't ibang kulay ang mga ito base sa lakas ng isang bampira at rango, ang pinakamataas na rango sa kanila ay ang maalamat na apoy na may kulay kahel at berde (violet na may green).
Ang apoy na galing sa binatang nagmula sa CLAN ng mga HOTMAN nagyon ay sandyang kahanga-hanga at nakapapanabik, pumapangalawa sa rango ang kulay dugo na apoy ng binata sa mataas na rango ng maalamat na apoy.

" no, thank you YOUR HIGHNESS. " sabi niya sa magalang na pananalita at humarap sa hari nila at bahagyang yumuko, indikasyong gumagalang sila nang lubos sa hari ng VAMPIRE CLAN.

---------------------

OKAY MGA BOSSING YAN MUNA KASI MAY INAASIKASO AKONG MGA SHORT STORIES..

TRY KONG GUMAWA...
SHORT LANG NAMAN KAYA MAY TIME PA RIN AKONG MAG-UPDATE NITONG "THE LUST OF A VAMPIRE" .....

KASO BAD NEWS DAHIL MAY WORK NA AKO KAYA TUWING RESTDAY KO NA LANG AKO MAKAKAPAG-UPDATE....

TUWING FRIDAY OR SATURDAY...
YAN PO ANG ARAW NG RESTDAY KO SO DYAN LANG PO AKO MAKAKAPAG-UPDATE NG ISA OR TRY KONG DALAWANG CHAPTERS...

SALAMAT...

DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND BE FAN....

❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤

THE LUST OF A VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon