CHAPTER FORTY THREE: PORK TONKATSU

96 5 0
                                    

MUSTA MGA BOSSING??

UPDATE PO AKO NGAYON SINCE MASAYA PO AKO DAHIL NEGATIVE PO ANG RESULT NG TEST KO SA RAPID TEST!!...

NEGATIVE!!!
🎆🎆🎆🎇❇✨

KEEP SAFE ALWAYS PO...

SO, WALA PA RING KASIGURADUHAN NA MABILIS AKONG MAKAKAPAG-UPDATE SINCE MAY PASOK NA AKO BUKAS...

SANA MAINTINDIHAN NIYO PO AKO...

DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT, AND BE FAN...

❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤
------------------

AUTHOR's POV

Nakamasid lang si KAZENO sa labanang nagaganap, kalmado ang kambal sa kanyang tabi at nakikiramdam sa mga mangyayari, makikita nilang tumalon sa likod nang dragon si GIRO at bumulusok pababa sa mga bagong dating na halimaw, mapapansing may espadang apoy na itong hawak hawak ng kanang kamay at iniambang sa mga kalabang halimaw.

"Ang espadang iyon..." Sabi ni JOHN BROWN sa kanyang sarili na hindi nakaligtas sa pandinig ng kasamahan.

"What's the matter with that sword?" Tanong naman ni DRACO sa kanya habang nakakunot ang noo nito.

"Isa iyon sa maalamat na sandata na ipinanday nang mismong kauna-unahang hari ng mga bampira." Pigil hiningang paliwanag niya at nakatingin pa rin sya sa espadang hawak ni GIRO.

"Hey, JB, tutulo na laway mo." Pang-aalaska ni MORTERN kay JOHN BROWN.

"F*ck off MORTERN." Sabat nang huli.

"Hahahaha!!!" Halakhak nang binatang si MORTERN.

-----

SAMANTALA

Sa loob nang mansion sa SAFE HOUSE ay nagising si ACHILLESS at naupo sa kinahihigaang sofa bed, sinipat niya ang katabing bata at nang makitang gising na ito at nakahiga lang pero nagsalita ito kaya napangiti sya.

"Kuya gutom na ako." Reklamo nang batang lalaki sa kanyang kuya ACHILLESS.

"Bakit hindi mo ako ginising?" Tanong ni ACHILLESS sa bata.

"Eh kasi ang sarap ng tulog mo po." Rason ng bata sa kanya kaya napatawa na sya.

"Pasensya ka na kay kuya ha, napagod lang kasi ako." Sabi nang binata sa batang lalaki at tumayo na sya sa pagkakaupo sa sofa bed.
"Sige ipagluluto kita, ano ba ang gusto mo?" Tanong niya sa bata at nagtungo sa kusina na inilang hakbang lang niya dahil binilisan niya ang pagtungo sa kusina upang makapaghanda na sya sa pagluluto ng putaheng nais ipaluto ng bata sa kanya.

"Gusto ko po ng kinain po natin noong nagpunta po tayo sa -- sa-- saan nga po yun??" Tanong nang bata.

"Ang alin?" Napalingon sya sa gawi nang bata na nakaupo na sa sofa bed at nakadungaw sa kanya.

"Yung may karne po na malutong ang labas po pero malambot po ang loob." Sabi nang bata at mukhang nakuha na niya ang ibig ipahiwatid nito, pork tonkatsu ang tinutukoy nito noong kumain sila sa isang japanese restaurant.

"Aahh...
Pork Tonkatsu ang ibig mong sabihin." Sabi niya sa bata na nagliwanag naman ang mukha.

"Yun po!!" Masigla nitong tugon sa kanya.

Nagsimula na syang ihanda ang mga gagamitin pero bago yun ay sinilip muna niya ang laman ng ref sa loob ng cabin, kumpleto naman ito gaya nga ng sabi ni KAZENO sa kanya.

THE LUST OF A VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon