CHAPTER THIRTY EIGHT: UNDER ATTACK

78 6 1
                                        

❤❤ Dedicated to: MeNoTofu ❤❤

(Thank you for nonstop supporting me!!!
Kahit simpleng "heart" or "ganda ng update" natouch ako, kahit yun lang comment mo, salamat for your vote!!!...
Thank you na kahit yun lang comment mo na-motivate akong mag-update at pigain ang isip kong gumawa ng plot sa next chapter!!!...)

Atleast alam kong may nagagandahan pa rin sa story na ito kahit matagal akong naga-update, aminado naman ako sa fault kong matagal mag-update...

-------------------

HI MGA BOSSING!!!!

PUWEDENG REQUEST PO??
PAHINGI NAMAN PO AKO KAHIT 10 VOTES NAMAN PO...

PRETTY PLEASEEEE....😢😢😢😢

SANA MAGUSTUHAN NIYO ANG CHAPTER NA ITO..

DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT, AND BE FAN..

SALAMAT PO...
WAG PASAWAY AND KEEP SAFE...

❤❤❤❤❤❤❤❤

------------------

AUTHOR's POV

Tahimik ang limang araw nilang lahat sa mansion ni KAZENO, walang nakaaalam kung kailan matutunton ng mga halimaw ang kinalulugaran nila, pero kung magkagayon man ay handa na naman sila lalo na ang mayari ng mansion at ang mga tagasilbi doon, hindi naman tao ang mga tagasilbi kundi mga bampira pero maliban sa kambal dahil sila ang mga taong nalagpasan ang limitaston ng pagiging tao, hinubog at sinanay ang kambal ng kanilang CLAN upang maging isang tapat na tagasilbi. Sila lang ang uri ng CLAN sa buong VAMPIRE CLANS ang tao lamang kasapi, upang maiwasan na din ang pagdududa ng mga organisasyon na usisain ang buong VAMPIRE CLAN, sila ang humaharap sa mga tao na naguusig tungkol sa lahi ng mga bampira, nagsisilbi lamang sila sa mismong hari nila at hindi sa ibang CLAN dahil na rin sa malalim na pagkakaibigan ng mga bampira at kanilang mga ninuno.

Naging masaya ang mag-asawa sa piling ng kanilang anak, naroong nagpapasuso si DAME kay BABY DAZ na tila isang anghel dahil sa pagiging masunurin kahit sanggol. Laging pumupunta naman si BABY XAIVER sa kuwarto nang mag-asawa upang bisitahin si DAME at makipaglaro sa sanggol, makikitang tuwang tuwa ang batang lalaki na makipaglaro sa sanggol at ganoon din ang huli.

Si ACHILLESS naman ay minsan lang kung bumisita sa kuwarto at upang mangamusta sa kalagayan nina DAME at nang sanggol, nakikita niyang mabuti naman ang kalagayan ng dalawa, paminsan minsan din ay hindi pa rin maiwasan na makahanap ng tiyempo upang maginteroga kay KAZENO, kung ano ang sinagot ni KAZENO sa kanya niong una sila mag-usap ay ganoon din ang sagot sa mga katanungang niya, naroong namimilosopo at niloloko sya ni KAZENO at sya naman ay nangggagalaiti sa galit at inis dahil sa walang patutunguhang sagot sa kanya.

Sa ika anim na araw ay bumangon si DAME sa higaan nilang nag-asawa at sinilip ang kanyang munting anghel na mahimbing na natutulog at ang batang lalaki sa tabi nito, napngiti sya sa pangyayaring iyon, tawag nang kalikasan kaya kailangan niyang magpunta sa banyo.

Matapos magbanyo ay naisipan niyang silipin ang labas sa pamamagitan ng malalaking bintana sa kanilang kuwarto sa mismong beranda nilang mag-asawa, nais niyang lumanghap ng sariwang hangin kahit sandali lang, nakasara ang makakapal at naglalakihang kurtina ng hawiin niya nang bahagya ang isa sa mga ito.

At doon, sa labasan, ay biglang nakapagpatigil sa kanyang kinatatayuan, ni hindi siya makakibo, ni hindi siya makapagsalita dahil sa gulat sa kanyang mga nakikita.
Nanginginig ang kanyang buong katawan lalo na sa mga nakikita, isang hindi magandang karanasan ang kanyang naranasan sa mga kamay ng mga nilalang na iyon.

THE LUST OF A VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon