KABANATA 4

531 36 0
                                    

( Kabanata 4 )

(may error sa name ni isaiah but babagohin ko 'yan soon.)

"Nakakapagod pala ang pagsasanay." nasabi nalang ni Isiah habang nakaupo sila sa ilalim ng puno.

Halos lahat ng mapuntahan nila ay sakop lang rin ng lugar kung nasaan sila. Ang ilog ay hindi nalalayo sa malawak na lugar kung saan sila nagsasanay. Ang lugar na iyon ay parang gitna ng gubat ngunit hindi dahil napapalibutan lamang ito ng puno, at sa likod ng mga punong iyon ay may ilog at hindi rin nalalayo sa dagat.

"Oo nga." sang-ayon ni Miracle.

"Walang saysay ang pagsasanay..." nasabi ni Elizabeth, "Dalawang linggo na tayo dito ngunit hindi ko parin magawang masanay." nagpipigil ng tawa na aniya.

Paulit-ulit ang paghahagis nila ng bato sa kahit saan. Ito ang pampalipas oras nila sa tuwing umaalis ang iba sa mga tagapag-sanay. Madalas rin ay umaawit si Miracle upang maibsan ang pangungulila nya sa pamilya, maging ng mga kasama. Hindi parin naalis ang pagiging inosente Miracle bagaman napakarami nang nasaksihan at natutonan sa lugar na 'yon.

"Oh, narito pala kayo."

Doon ay dumating si Samuel, nakangiti itong tumabi sa kanila. Sa dalawang linggo nilang magkakasama ay itinuring na nila itong kuya. Si Samuel kase ang kumukuha ng makakain nilang apat, hindi ito nagsasawang paalalahanan sila sa lahat ng dapat at hindi dapat gawin. Hindi rin ito nagsasawang sabihan ang mga bata na huwag umiyak, lalo na kay Miracle, dahil ramdam nyang nasa batang ito ang pag-asa ng lahat.

"Kuya." nasabi ng tatlo rito.

"Mamaya ay tuturoan na tayong gumamit ng pana at espada." balita ni Samuel.

"Para saan naman ang kaalaman sa paggamit ng pana at espada?" nagtatakang tanong ni Elizabeth.

Sa edad nitong pitong taong gulang ay alam mulat na ang isip ni Elizabeth sa mga nangyayari. Alam nyang narito sila upang subokin ang tapang at katatagan, at alam rin nyang luha lang ang kalaban nila dito. Ang hindi nya maintindihan kung balit kailangan ng espada at pana.

"Nabalitaan ng Middle Echelons ng Sulbidamya na balak ng kabilang lungsod, na magkaroon ng digmaan ang kabataan ng Sulbidamya at ng Lepana, upang sa ganon ay malaman kung alin sa dalawang lungsod ang may pinakamatatapang na yagit, matira ang matatag." sagot ni Samuel tsaka nilingon ang tatlong nakababatang kasama.

"Kailan iyon?" tanong ni Isiah, "Hindi ako marunong lumaban, kuya." natatakot na dagdag ng bata.

"Huwag kayong mag-alala, mangyayari iyon pitong taon mula ngayon, hindi man daw sigurado ay siguradong natagal pa iyon." sabi ni Samuel tsaka hinawakan ang ulo ng batang si Isiah, "May panahon pa kayong lumakas." nakangiting dagdag nya rito.

"Gusto ko ng tinapay."

Nabibigla silang napalingon kay Miracle nang magsalita ito. Hindi konektado ang sinabi nito sa pinaguusapan ng tatlo, talagang gutom ang pinakabata sa kanilang apat. Nakahawak ito sa tiyan at nananamlay na nakasandal sa puno.

"Bawasan mo ang ganyang ugali, Mira." pangaral ni Elizabeth, "Sanayin mo ang iyong sarili na kumain ng isang beses lamang sa isang araw." dagdag pa ni Elizabeth.

"Masyado sigurong malaki ang iyong bituka, parati kang gutom eh." tumabi si Isiah sa kaibigan.

"Palagi akong kumamain sa amin." bulol pang sagot ni Miracle tsaka umayos ng upo.

"Isipin mo nalang, busog ka." suhestyon ni Isiah.

"Maingay ang dito ko." turo ni Miracle sa tiyan.

DON'T CRY MIRACLE (Miracle series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon