PROLOGUE

2.5K 72 7
                                    

(Prologue)

"Lola! kwentuhan po ulit ninyo ako tungkol sa sinasabi n'yong City of Braves or whatever na ikinwento n'yo sa akin noong nakaraan!" magiliw na sigaw ng Apo n'ya sa tuhod habang suot na ang pantulog at talagang handa na sa pakikinig ng kwento.

Sa kabila ng katandaan, at kahit nasa dapit-hapon na ng kaniyang buhay ay malakas parin ang pangangatawan ng Matandang babae. Nakangiti n'yang niyakap ang apo na ngayon ay nakahiga na sa kan'yang tabi.

Natutuwa s'ya sa pagkakaroon nito ng interes patungkol sa ikinukwento n'yang Lungsod bagaman nasa walo na ang edad ng apo nitong babae na dapat ay sa ibang usapin nagiging interesado at hindi sa mga ganitong bagay.

Ang Lungsod na iyon ay nagmula pa sa lugar na hindi magawang matagpuan at mapangalanan nino man. Ang sino mang kadugo ng isa sa mga mamamayan ng lungsod na iyon ang sya lamang nakaka-alam ng ngalan ng lungsod, maliban na lamang kung hindi nagawang isalin sa kanila ang kwento tungkol sa Lungsod.

Ang lugar na ito ay hinihinalang matatagpuan sa hilagang kanluran ng Pilipinas. Ngunit mayroon ring haka-haka na ito ay nagmula sa isang ligaw na kontinente na malapit sa hilaga ng Pilipinas.

"Saan ba ako magsisimula?" tanong ng Matanda habang hindi na malaman kung saan titingin, malabo na ang mga mata nito at hindi na makakita pa ng maayos.

"Ano pong meron sa Lungsod na ikinukwento po ninyo? interesting po kase!--- you know... Upper Echelon thingy, mystery, talagang nabubuhay ang interes naming mga kabataan kapag iyan po ang usapan." talagang masayang sambit ng bata.

"Ang Lungsod ng Sulbidamya..." marahang itong binigkas ng Matanda habang ang paningin ay nasa Apo. "Ang Lungsod na pinamu-munoan ng hindi makatarungang Upper Echelon..." napapatango pa itong nagtuloy sa sinasabi, "Ang Lungsod na nasa ilalim ng pamumuno nila ay naranasan ang hindi makataong batas na ipinatupad ng Upper Echelon, kasama ang iba pang kinau-ukolan." dagdag nito.

"Kawawa naman po pala..." nakanguso na ang Apo. "They are so bad-- ano nga po ulit yung nangyari sa mga panganay na anak?"

"Gaya ng ating bansa, may batas rin na sinusunod ang Lungsod ng Sulbidamya. Ngunit hindi gaya ng ating bansa ay hindi makatarungan ang batas ng Sulbidamya, ang lahat ng panganay na anak ay sasa-ilalim sa isang napakatinding pagsubok na malalampasan lamang nila sa oras na tumungtong sila sa edad na bente." naging mapait ang ngiti ng Matanda. "Isasa-ilalim sila sa pagsubok kung saan susubokin ang katatagan nila, simula limang taong gulang o higit ay sasabak sila sa pagsasanay, sa digmaan kung saan hindi sila maaaring umiyak, makukuha nila ang tagumpay kapag nagawa nilang umabot sa edad na bente ng buhay pa sila at hindi kailanman umiyak." pagtutuloy ng Matanda.

"Bakit po bawal ang umiyak?" tanong ng Apo.

"May sinasambang Rebulto ang bansa na iyon noon, iyon si Anastashio, ang magiting na sundalo ng bansa na kailanman ay hindi nagpakita ng kahinaan, ayon sa kwento ay isa itong magiting na sundalo ng bansa na kahit tamaan ng espada o pana ay hindi magagawang umiyak." tugon ng matanda, "Ang rebulto na matatagpuan sa gitnang lungsod ng bansa ay tinangkang nakawin. Pinag-agawan ng lahat ng lungsod ang rebultong iyon, kaya't nagdesisyon ang lahat ng Upper Echelon ng kada lungsod na wasakin ang rebulto. Matapos noon ay gumawa na ng sariling rebulto ang bawat lungsod, sumasailalim sa pagsubok ang lahat ng panganay na anak ng bawat pamilya, sinusubukan ang katatagan nila, kung sino man ang magtagumpay ay pagagawan ng rebulto, na syang sasambahin ng lahat."

"Oh my... Sino namang makakayang hindi umiyak sa loob ng maraming taon? may utak ba ang Upper Echelon nila?"

"Si Zachario."

"Zachario ang pangalan nya? Ang astig naman po, hindi kagaya ng sa akin!"

"Ha ha ha, maganda ang pangalan mo, Apo." ngumiti ito. "Pero totoo ang sinabi mo, maganda ang pangalan ng kauna-unahang lalaki sa lungsod ng sulbidamya na nagtagumpay sa misyon." tiningnan n'yang muli ang Apo. "Marami ang bumilib sa kanya, sino ba namang magaakala na mayroon pala talagang tao na kaya ang hindi umiyak sa loob ng labing limang taon, kaya si Zachario ay ginawan ng rebulto sa mismong harapan ng palasyo."

"Woww, nakakabilib!"

"Pero hindi nila inakala na isang daang taon matapos ihirang na pinakamatatag na tao si Zachario ay isang batang babae ang isinilang, sya ang ikalawang pinaka matatag at pinakamatapang na tao sa buong lungsod." saad ng Matanda, hindi maiwasan ang pagkamangha sa mata ng Apo.

"A girl? kaya po pala ng babae yun?"

"Oo apo, ang batang babae na iyon ay hindi inaasahan ang galing, bagaman matagal na proseso ang inabot bago sya natuto. Ang lahat ng panganay ay titipunin sa isang malawak na lugar kung saan malapit sa dagat at malayo sa bayan, ibig sabihin ay walang makakatakas ni isa sa mga panganay na batang nandoon..." muling naging tipid ang ngiti ng Matanda. "Bibigyan sila ng tatlong araw para ubosin nila ang mga luha nila, dahil sa oras na mag-umpisa ang pagsubok at pagsasanay ay hindi na nila kailanman maaaring basain ng luha ang mga pisngi nila, wala rin silang karapatang sumuko o umayaw, hindi sila pupwedeng magreklamo kahit na sobra na silang nahihirapan... ang sino mang magtatagumpay ay tutuparin ang ano mang kahilingan n'ya, mamumuhay ng maginhawa at magiging kagalang-galang sa lahat, ituturing na bayani at Diyos, at tataguriang Higher Echelon... Ngunit ang sino mang lalabag sa patakaran ay papipiliin sa dalawang karampatang parusa, ang itapon sa gitna ng karagatan kung saan matatagpuan ang gutom na mga pating o ang butasin ang katawan gamit ang espada..."

"Hala grabe!? bakit naman po ganon?"

"Dahil iyon ang batas nila, ngunit ang batang babae na iyon ay sadyang may angking kakayahan, sa murang edad ay nagawa nya ng intindihin ang mundong kinalalagyan, pero sa puso at isip n'ya ay hindi sya sang-ayon sa ganoong batas at patakaran." tugon ng Matanda, "Ang akala ng lahat ay napagtagumpayan n'ya ang labing limang taon nang hindi pag suko, hindi pag ayaw at hindi pag iyak. Ngunit may nangyaring hindi nila inaasahan."

Hindi mawala ang pagka-mangha at pagka-gulat sa mukha ng Apo. At s'ya naman ay nakangiti habang nakatingin sa Apo na patuloy parin sa pangungulit at pagtatanong.

"Ano pa pong nangyari pagkatapos?" nakangusong tanong ng kan'yang Apo, "Bakit po hindi sya nagtagumpay? ano pong nangyari? ano pong name n'ya? at tsaka bakit po hindi ko narinig ang story na 'yan sa history teacher ko?"

Napangiti s'ya sa tanong ng Apo tsaka n'ya hinaplos ang buhok nito at isa-isang inhanda ang sagot para sa sunod-sunod na tanong ng Apo.

Inalala n'ya kung saan at paano nagsimula ang lahat...

DON'T CRY MIRACLE (Miracle series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon