KABANATA 17

374 31 0
                                    

( Kabanata 17 )







Marahang naglalakad si Miracle sa gitna ng gubat na hindi rin nalalayo sa kanilang kampo. Nais nya munang mapag-isa bago gawin ang sariling plano. Tanaw nya ang tuktok ng mga puno, maging ang mga sanga at dahon nito na halos matakpan na ang sinag ng araw. Masarap rin sa tainga ang tunog ng mga dahon na natatapakan nya, maging ang mga sanga. Patuloy nyang pinakikinggan ang bawat ingay na nagagawa nya habang naglalakad sa mga tuyong dahon at sanga.

Ngunit nakapansin sya ng kakaiba. Hindi sumasabay sa mga paa nya ang tunog ng mga yapak sa tuyong dahon at sanga na kanyang naririnig. Hindi nagpahalata si Miracle, nagpatuloy lang sya sa paglalakad. Mukhang balak nang sino mang sumusunod sa kanya na sabayan ang pagyapak nya upang maisabay sa ingay ng pagyapak nya ang mga yapak ni Mirace. Ngunit bigo ito, dahil natunogan na sya ni Miracle.

Pinakiramdaman lamang ni Miracle ang paligid. Hindi sya gumawa ng ano mang maling kilos, kalmado lang syang naglalakad. Nang malaman kung saang bahagi ng gubat nanggagaling ang ingay ay mabilis pa sa kidlat na inilabas ni Miracle ang kanyang pana at itinapat iyon sa kanyang likuran. Wala syang nakitang tao, mukhang magaling itong magtago. Hawak parin ang pana habang nagtutuloy sa paglalakad si Miracle. Nakaramdam na sya ng galit, kung ano mang pakay ng sumusunod sa kanya ay iyon ang gusto nyang malaman.

Nang magpatuloy sa paglalakad ay narinig nyang muli ang parehong ingay. Huminga sya ng malalim saka mriing pumikit bago dali-daling itinutok ang pana sa kanyang likuran. Ngunit sa ikalawang pagkakataon ay wala parin syang nakita. Hindi na nag-aksaya ng panahon si Miracle. Kung laro ang hanap ng kung sino mang sumusunod sa kanya ay wala syang panahon. Ibinalik nya ang pana sa kanyang likuran saka naglakad pabalik. Ngunit muli lang rin syang natigilan sa anino na nakikita nya sa gilid ng kanyang mga mata. Saka nya ito nilingon.

Doon nya nakita si Hyera. Marahan itong naglakad papunta kay Miracle. Saka ngumisi nang makalapit. Si Miracle naman ay naka angat na ang dalawang kilay hinihintay ang sasabihin ni Hyera.

"Bakit ka narito?" seryosong tanong ni Hyera.

"Bakit mo ako sinusundan?" mas seryoso si Miracle.

"Dahil nagtatangka kang tumakas." mayabang na nakangiti si Hyera, para bang totoo talaga ang sinasabi.

"Hindi ako ganoon kahina para tumakas." ani Miracle.

Marahang gumuhit ang nakakalokong ngisi sa labi ni Miracle nang mapansin ang iba pang mga anino na alam nyang nakapalibot ngayon sa kanila. Kung may kinikita man si Hyera ay tama nga ang hinala nya na may kakaiba sa babaeng ito. Tinitigan ni Miracle ang mga mata ni Hyera, iyong titig na para kang nilalamon ng buhay. Bahagyang nangunot ang noo ni Hyera nang mapansin ang kakaibang titig Miracle.

"Naistorbo ko ba ang paguusap ninyo?" lumingon sa paligid si Miracle matapos itanong iyon.

"Anong sinasabi mo?" may bahid ng kaba na tanong ni Hyera.

"Ang paguusap ninyo ng mga kasapi mo, naabala ko ba?" kampanteng tanong ulit ni Miracle, "Kung naistorbo ko nga ay pasensya na." tuloyang naglakad palayo si Miracle.

Si Hyera naman ay hindi kaagad nakagalaw sa kinatatayuan. Hindi nya alam kung paano nagkaroon ng kutob si Miracle sa kanyang ginagawa. Mukhang masisira ang kanilang plano nang dahil sa babaeng 'yon. Nais mang itumba ni Hyera si Miracle ay hindi nya ito magawa ng madalian, ang mga tingin pa lamang ni Miracle ay nagdudulot na ng kakaibang kaba, paano pa kaya kung nagsimula na syang kumilos.

"Malakas ang pandama ng babaeng iyon."

Bahagyang nilingon ni Hyera ang nagsalita sa kanyang likuran. Saka lumabas ang isa pa sa di kalayuan. Huminga ng malalim si Hyera saka inis na nag-iwas ng tingin. Ang akala nya ay magiging madali ang pagsira sa lahat ng kampo ng Sulbidamya. Ang akala nya ay magiging madali na ubosin ang laht ng bata sa kampo na ito. Ngunit mukhang mali sya, pinapahirap iyon ni Miracle.

"Kailangan nyang mawala sa landas natin Hyera, kundi ay masisira ang plano." anang isa pa.

"Kung ganoon lang kadali iyon, sa tingin ninyo buhay pa iyan?" inis na tanong ni Hyera sa dalawa, "Gagawa ako ng sarili kong plano, kailngan kong mapatay ang babaeng iyan." dagdag nya.

"Suguradohin mo lang, dahil kung hindi ay ikaw ang mabubura sa mundo." humalakhak ang isang lalaki.

Napalunok si Hyera ngunit pilit na pinalakas ang loob.  Ipinadala sya rito ng pinuno ng kanilang mga mandirigma sa Lepana. Nais nito na gumawa sya ng plano upang ubosin ang lahat ng bata sa bawat kampo. Hindi totoong nanggaling sya sa isa sa mga kampo ng Sulbidamya at nilipat sya dito dahil naubos ang lahat ng mga bata doon, nagsinungaling lamang si Hyera.

Galing sya sa Lepana, at sya ang isa sa mga itinuturing na pinaka malakas na mandirigma doon. Kaya sya ang naatasan rito. Si Hyera ang inaasahan ng Lepana upang ubosin ang kabataan ng Sulbidamya na kasalukoyang nagsasanay. Hindi naman iyon labag sa loob ni Hyera sapagkat nais nyang magtagpay at sambahin sa kanilang lungsod. Makapatay man sya ng tao ay wala syang pagsisisihan, dahil kapalit naman niyon ay ang kanyang pangarap.

"Umalis na kayo." ani Hyera.

Tumango ang mga lalaki saka nagsimulang maglakad paalis. Si Hyera naman ay bumalik narin sa kampo. Nang makabalik sya ay tinitipon na ang mga kabataan doon. Natanaw nya si Miracle na nakatingin sa kanya, nagawa nyang labanan ang mga tingin nito ngunit sya lang rin ang sumuko. Nag-iwas ng tingin si Hyera saka tumayo sa likuran ng mga kabataan na ngayon ay nakaharap kay Muron.

"Nais kong maghanda kayo para bukas." anunsyo ni Muron.

Lahat ng mga bata ay nagbubulongan na, hindi alam kung ano ang magaganap bukas.

"Bukas ay maglalakbay tayo sa kagubatan ng Sulbidamya kung saan matatagpuan ang pinaka mababangis at makamandag na hayop." mng anunsyo ni Muron.

Lahat ay natakot, ang bulongan ng mga bata ay nagdulot ng ingay. Ang lahat ay nakaramdam ng kaba, maliban isa, kung sino man iyon ay kilala nyo na.

"Lahat kayo ay nais kong magpaamo ng isa sa mga hayop na makikita ninyo sa gubat." muling sambit ni Muron, "Ipagdasal ninyo sa rebulto ni Zachario na hindi kayo mapatay ng mga hayop na inyong paaamuin."

Lahat ay muling gumawa ng ingay. Ang ibang bata ay kagat na ang kuko habang pinangingiliran ng luha. Ang iba naman ay mas nanaisin nalang daw na mamatay sa espada kesa malapa ng buhay sa kagubatan ng Sulbidamya.

Habang si Hyera ay palihim na ngumisi. May kaunti mang kaba para sa misyon na gagawin bukas ay nakaisip naman sya ng plano. Kung hindi nya mapapatay si Miracle at ang mga kaibigan nito ay hahayaan nyang ang mga hayop sa kagubatan ang pumatay rito.

__________________

follow, vote and comment.

DON'T CRY MIRACLE (Miracle series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon