KABANATA 3

537 33 0
                                    

( Kabanata 3 )

"Eto na ang isda na hinuli ko para sa ating apat." malapit na ang dilim nang dumating si Samuel dala ang apat na malalaking isda.

Ito na ang oras ng pagkain nila. Agad na namangha sila Miracle, Elizabeth at Isaiah. Agad silang kumuha ng isang isda, ngunit hindi pa iyon luto. Kumuha ng kahoy si Samuel at nagningas ng apoy upang lutoin ang sariwa pang isda.

"Walang tinapay?" tanong ni Miracle.

Hindi mawawala ang tinapay sa hapag kainan nila ng kanilang pamilya, kaya ganoon nalang nya kung hanapin ang tinapay na iyon. Umiling si Samuel bilang tugon, muli na namang napanguso si Miracle.

Naka sandal sila sa punong kahoy habang hinihintay na maluto ang isda. Marami nang bituin sa kalangitan nang mag-angat sila ng tingin dito. Nandoon ang pagka-mangha nila sa nakikita, napakaraming bituin ang nasa kalangitan.

"Nangungulila na ako kina Ina at Ama." nasabi ni Elizabeth habang nakatingala, "Siguradong nag-aalala na sila sa akin."

"Ako rin." usal rin ni Isaiah, "Hinahanap na siguro nila ako." dagdag n'ya, "Eh ikaw, Miracle?"

"Hahanap na nila ako." nakangusong sagot ng batang si Miracle, "Hahanap na ako ng Ama ko at ni Ina." aniya tsaka kumurap.

Nagbabadya na ang luha sa mga mata ni Miracle. Sanay syang nakakasama ang mga magulang tuwing hapunan, naninibago sya ngayon.

"Huwag kang iiyak." agad pigil ni Samuel, "Pakiusap, bata. Huwag kang iiyak." pag-uulit n'ya.

Ayon na naman ang pagkurap ni Miracle na pinawi ang lahat ng lungkot at luha sa mga mata n'ya. Ngumuso lang syang muli at tsaka sumandal kay Elizabeth. Inaantok na sya ngunit mas lamang ang gutom na nararamdaman.

"Luto na." ani Samuel.

Agad na nagsibangon sila Isaiah, Elizabeth at Miracle. Sabay-sabay nilang kinain ang kanya-kanyang isda. Napapatango sila sa sarap no'n, nilagyan kase iyon ni Samuel ng malasang dahon sa loob. Nakangiti nilang tinapos ang pagkain.

"Magpahinga na! bukas ay gigising kayo ng maaga upang magsanay muli!" sigaw ng isa sa mga tagapag bantay.

Pumasok sa kanya-kanyang kulongan sila Miracle, Elizabeth at Isaiah, doon na sila magpapalipas ng gabi sa habang panahon na naroon sila sa lugar na iyon. Yakap ni Miracle ang tuhod habang nililingon sila Isiah at Elizabeth na halatang nilalamig rin.

"Naiiyak ako." kalaunan ay nagsalita si Elizabeth.

Agad syang nilingon ni Miracle. Nang magtama ang paningin nila ay umiling si Miracle upang iparating na hindi maaari ang gagawin nyang pag-iyak. Sa murang pag-iisip ay tumatak na kay Miracle na hindi sya kailanman maaaring umiyak. Gustohin n'ya mang umiyak ay hindi nya magawa, namumuo lamang ang mga luha nya ngunit hindi nya ito hinahayaang pumatak.

Ipinikit na ni Miracle ang mga mata. Pilit na winaglit ang lahat ng isipin sa isip n'ya.

Sana'y di magmaliw ang dati kong araw

Nang munti pang bata sa piling ni nanay

Nais kong maulit ang awit ni inang mahal

Awit nang pag-ibig habang ako'y nasa duyan

Agad nyang naramdaman ang antok nang umugong sa tainga nya ang boses ng Ina na haginit ang awit na syang nagpapatulog sa kanya.

Sa aking pagtulog na labis ang himbing,

Ang bantay ko'y tala,ang tanod ko'y bitwin,

Sa piling ni nanay langit ang buhay,

Puso kong may dusa, sabik sa ugoy ng duyan

Tuloyan syang nilamon ng dilim, dinala sa panaginip kung saan kasama nya ang mga magulang. Saglit na nakalimutan ni Miracle ang lahat ng lungkot at pangungulila.

Nais kong matulog

sa dating duyan ko inay

O, inay.

"GISING!"

Ayon agad ang malakas na sigaw na bumungad sa kanila kinabukasan. Nakusot ni Miracle ang mata tsaka naupo. Saglit syang natulala dahil sa antok, tsaka sya nag-inat ng katawan. Nilingon nya sina Isaiah at Elizabeth na kinukusot narin ang kanilang mga mata. Nginitian nya ang mga ito, ngumiti rin sila Elizabeth at Isaiah kay Miracle.

"Labas!" doon na binuksan ang kani-kanilang kulongan.

"Ano na naman kaya ang gagawin natin?" lumapit si Isaiah kay Miracle, ganoon rin si Elizabeth.

"Siguro ay tuturoan nila tayong mangisda, tingnan mo oh, may lambat." ani Elizabeth sa lambat na nasa 'di kalayuan.

"Talaga?" sabay na natutuwang tanong ni Isiah at Miracle.

"BAKIT NAMUMUGTO ANG IYONG MGA MATA!?"

Nagulat ang lahat sa malakas na tanong ng tagapag bantay sa isang bata. Napa-atras pa lahat nang hilain ito at agad na paluhorin. Halos hindi na malaman ni Miracle, Elizabeth at Isaiah ang mararamdaman nang makita nila itong maputolan ng ulo.

Dinampot ng mga bantay ang ulo nito, ang ibang bantay naman ay katawan ang dinampot. Nakita pa nila ang isang tagapag-bantay na parang nanghihina habang hawak ang ulo ng bata. Nanginginig ang katawan nito habang naglalakad.

"Hawak nya ang ulo ng sarili nyang anak." doon lumapit si Samuel, "Wala nang mas sasakit pa kapag nakita mo ang mahal mo sa buhay na unti-unting pinapatay sa harap mo." dagdag ni Samuel.

Nilingon sya ng tatlong bata na ngayon ay hindi parin makapaniwala sa nakikita. Si Miracle ay naisubo ang daliri sa pagtataka, hindi alam kung ano ang nangyayari. Habang sina Isaiah at Elizabeth naman ay nanginginig narin ang mga tuhod.

"Ibig sabihin ay hindi parin pala pwede ang umiyak kahit hindi nila nakikita, dahil malalaman at malalaman nila?" tanong ni Elizabeth kay Samuel, tumango naman ito.

"Mabuti nalang at 'di ka umiyak kagabi, ate." ani Miracle kay Elizabeth, nakangiti namang tumango si Elizabeth.

"Mabuti nalang." sambit ni Elizabeth tsaka muling tunayo ng tuwid.

Dumating muli ang ilan sa mga bantay. Lahat ay na-alerto at tumayo ng tuwid. Ilang minuto pang nagpalakad-lakad ang mga tagapag-bantay sa harap ng mga bata.

"Ngayon ay papatayin namin kayo sa pagod." nakangising sambit ng isa sa mga tagapag-bantay.

"Magpunta kayo sa malapit na ilog at basain ang inyong kabuoan!" sigaw ng isang bantay.

Lahat ay agad na tumakbo, sumunod nalang rin sa pagtakbo sina Elizabeth, Isaiah at Miracle. Nang makarating sa ilog ay nilublob nila ang sarili nila sa tubig. Pagkatapos ay umahon, nakaramdam sila ng bigat sa katawan, makapal ang suot nilang mga tela kaya maraming tubig ang nasipsip non dahilan para lalo itong bumigat.

"Tara na, Isaiah, Miracle." hinawakan ni Elizabeth sa kamay ang dalawang nakababatang kasama.

Tumakbo ang lahat pabalik sa kampo, tsaka muling humarap sa mga tagapag-bantay. Lahat ay hinihingal nang makabalik. Sina Miracle, Elizabeth at Isaiah naman ay nahuli sa pagtakbo.

Nang makarating sa kampo ay nadapa si Miracle sa sobrang bigat ng suot na damit. Bumagsak ang katawan nya sa napakaraming bato.

"Mira!" inalalayan ni Isaiah at Elizabeth patayo si Miracle.

Naroon na ang nagbabadyang pag-iyak ni Miracle, sobrang sakit ng pagkakadapa n'ya. Pinagpagan sya ng dalawang kaibigan, tsaka inayos ang damit nito. Ngunit sobrang sakit ng katawan ni Miracle. Sumakit na ang lalamunan ng bata dahil sa sobrang pagpipigil ng pagluha.

Huwag kang iiyak, Miracle...

___________________

follow, vote and comment.

DON'T CRY MIRACLE (Miracle series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon