KABANATA 14

397 37 0
                                    

( Kabanata 14 )

"Miracle!"

Napalingon si Miracle sa sigaw na iyon ni Isaiah, papalapit ito sa kanya habang ikinakaway ang kamay, sa likuran nya ay naroon sila Samuel at Elizabeth. Muli na lamang nilingon ni Miracle ang dagat habang malugod na hinahayaan ang malamig na hangin na humaplos sa katawan nya.

"Anong ginagawa mo dito?" naupo si Isaiah sa gilid nya.

Ganoon rin sina Elizabeth at Samuel.

"Gusto kong magpahinga." sagot ni Miracle habang nasa dagat ang paningin.

"Ayos ka na ba?" tanong ni Elizabeth.

"Sino ba namang magiging maayos pag nawala ng pamilya." huminga ng malalim si Miracle, "Pero lalaban ako, hindi ko lubos maisip ang susunod na henerasyon makakaranas rin ng ganitong klaseng paghihirap." dumampot sya ng bato at ibinato iyon sa dagat.

"Nandito lang kami." nagsalita si Samuel, "Hindi tayo magiiwanan." ngumiti sya sa tatlo.

"Oo nga! hindi ka namin iiwan!" nakangiting ani Elizabeth.

"Hindi kita iiwan." sambit ni Isaiah dahilan para lingonin sya ni Miracle, "Pangako."

"Pangako nyo 'yan? hindi kayo mang-iiwan? sama sama tayong magtatagumpay?" sunod-sunod na tanong ni Miracle.

"Oo naman!" tugon ni Samuel, "Pero isa lang ang dapat na magtagumpay, isa lang sa atin ang mabubuhay."

Hindi agad nakapagsalita si Miracle. Huminga sya ng malalim saka muling nilingon ang dagat. Wala na syang ibang nagawa kundi alalahanin ang mga panahong nabubuhay pa ang ina at kapatid. Hindi nya lubos maisip na sa ganitong paraan sila mawawala, ang inaasahan ni Miracle ay sasalubongin sya ng mga ito matapos magtagumpay sa pagsubok ng Sulbidamya, kung magtatagumpay nga sya.

Ngayong nawalan na sya ng pamilya ay ayaw nya nang mawalan pa ulit ng kaibigan. Nakaramdam sya ng labis na takot, iisipin pa lamang nyang isa kina Isaiah, Elizabeth at Samuel ang mawawala ay hindi na sya mapakali, paano pa kaya kung mangyari. Mas lalo syang nakaramdam ng takot kung sakaling hindi sya ang magtagumpay, nais nyang iligtas ang Sulbidamya mula sa ganitong klase nang pamamalakad.

"A-Aray!"

Napalingon sila sa kanilang likuran nang mapansin ang ingay na nagmumula doon. Saka nila nakita si Hyera na paika-ika. Agad na napatayo sa paga-alala sina Samuel at Isaiah. Si Elizabeth naman ay napangiwi, habang si Miracle ay gaya parin ng dati, hindi binibigyang pansin ang lahat ng nangyayari, maging ang presensya ng babae.

"Ayos ka lang?" tanong ni Samuel habang papalapit sa babae, may sugat ito sa binti.

"M-Masakit." daing ni Hyera.

"Nais mo bang alalayan ka namin?" tanong ni Isaiah.

"Pakiusap." sambit ni Hyera.

Agad syang inalalayan nila Samuel at Isaiah. Matapos na mapaupo sa bato malapit sa dalampasigan ay tumayo na pabalik kay Miracle si Isaiah. Samantalang si Samuel ay naiwan kay Hyera, tinulongan nitong linisin ang sugat ng babae. Si Elizabeth ay hindi na maipaliwanag ang inis, ngunit piniling itago.

Ilang minuto pa ang lumipas ay agad nang tumayo sina Samuel at Hyera. Muling inalalayan ni Samuel si Hyera patungo sa pwesto nila Isaiah, saka ito pinaupo sa harapan nila. Si Miracle ay nananatiling walang kibo, malalim parin ang iniisip nya habang nakatingin sa karagatan.

"Ayos ka na ba?" tanong ni Elizabeth.

"Oo ayos na, salamat nga pala sa inyo." baling ni Hyera kina Samuel at Isaiah.

DON'T CRY MIRACLE (Miracle series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon