( Kabanata 5 )
"Kung papalarin ako na magtagumpay sa misyon na ito ay hihilingin ko na matanggal sa pwesto ang lahat ng Echelon."
Nilingon ng tatlo si Samuel nang magsalita ito. Nakangiti naman silang nilingon ni Samuel, tsaka sila muling naupo sa ilalim ng puno. Ilang oras nalang ay sisimulan na ang pagsasanay, kaya naisip nilang ilaan sa pahinga ang natitira nilang oras.
"Ano ba ang elechon?" ayon na naman si Miracle na walang kaalam-alam sa nangyayari.
Natawa nalang ang dalawang nakatatanda maliban kay Isiah na inakalang tama ang pagkakabanggit ni Miracle sa salita. Doon ay ikinwento ni Samuel kung ano nga ba ang mga echelon at ang mga bagay na pumapa-ilalim rito.
Ang mga Echelon ay s'yang mga taong may matataas na pwesto sa isang lungsod o Monarkiya, ang Echelon ay syang mga alagad ng batas at mga nagsisilbi sa lungsod.
Ang Echelon ay nahahati sa tatlo, ang Lower Echelon, Middle Echelon, at Upper Echelon.
Ang kagaya ng mga tagapag-bantay ay nabibilang sa Lower Echelon. Kabilang rin doon ay ang mga kawal ng palasyo, Pinuno ng mga kawal, Pinuno ng mga serbedor at serbedora, Pinuno ng mga dalubhasa sa pagluluto at Pinuno ng mga tagapag-silbi.
Ang mga Pinuno naman kagaya ng Punong Ministro, Punong taga-litis, Punong taga-pahayag, Punong taga-hatol, Kinatawan ng batas at iba pang Pinuno na kaagapay ng Upper Echelon ay nabibilang sa Middle Echelon.
Ang Upper Echelon naman ay ang pinakamataas na pinuno, ito ay mag-asawa. Maituturing na Hari at Reyna, ngunit ang Sulbidamya ay hindi isang Monarkiya, ito ay normal na lungsod na pinamumunoan ng napakaraming pinuno.
Samantalang ang Higher Echelon ay syang pinakamalakas sa lahat. Ang kauna-unahang nakakuha ng posisyon na iyon ay si Ginoong Zachario, at wala ng sumunod pa. Kaya ngayon ay nagsasanay ang lahat upang malamangan ang kauna-unahang lungsod na nagkaroon na ng dalawang Higher Echelon, ang Lungsod ng Dimelon, ang kalabang lungsod ng Sulbidamya.
"Ang Upper Echelon ang gumawa ng batas, kaya sila ang kina-susuklaman ng lahat, dahil imbis na iligtas ang lungsod natin ay ipinagpatuloy pa nila ang ganitong uri ng batas na noon pa man ay nasimulan na ng mga ninuno natin sa buong Lungsod ng Sulbidamya." muling paliwanag ni Samuel.
"Kapag ikaw ang naging Higher Echelon ay iligtas mo ang lungsod, kuya." nasabi ni Isiah sa nakatatandang kasama, muli namang ginulo ni Samuel ang buhok nito.
"Oo naman... pero alam kong hindi para sa akin ang posisyon na 'yon." napatingin sa malayo si Samuel.
"Kung ako man ang papalarin, ililigtas ko rin ang buong Sulbidamya." malakas ang loob na sambit ni Elizabeth.
"Ako rin!" itinaas pa ni Isiah ang kamay.
"Gutom na ako." si Miracle.
Hindi na malaman ng tatlo nitong kasama kung gaano ba kasarado ang isip ni Miracle. Siguro ay sobrang payapa ngang talaga ng isip nito kaya hindi iyon kayang gulohin ng kahit na anong pangyayari sa paligid n'ya. Para itong walang nakikita.
"Hindi ka ba interesadong maging Higher Echelon, Miracle?" naitanong ni Samuel sa nakababatang kasama.
"Higher Echelon?" iyon na naman ang pagiging inosente ni Miracle, "Ano iyon?"
BINABASA MO ANG
DON'T CRY MIRACLE (Miracle series #1)
Historical FictionThe story of a girl who didn't cry for almost 15 years.