KABANATA 1

1.1K 57 0
                                    

Ang istorya ng isang makasaysayang lungsod daang taon na ang nakalilipas...

-----

( Kabanata 1 )


"Gusto mo bang maging matapang?"

Nakusot ng batang si Miracle ang dalawang mata habang nakatingin sa isang napakagandang batang babae na nakasuot ng puting bestida. Napakaganda ng ngiti nito sa kanya dala ang isang supot ng mamahaling tinapay na paborito ni Miracle, ang tinapay na iyon kase ang parating inuuwi sa kanya ng kanyang Ina.

Nasa labas sya ng pinto ng kanilang tahanan dahil naiwan iyong nakabukas. Wala ang kanyang Ina, nasa trabaho ito, ang kanya namang nakababatang kapatid ay nahihimbing. Madalas na iniiwan si Miracle at kanyang kapatid sa kanyang Tiyahin ngunit hindi pa ito dumadating.

"Pano ako tatapang? eh lima palang ang edad ko?" hindi pa iyon masabi ng maayos ni Miracle.

Si Miracle ang panganay na Anak ni Mildred. Limang taong gulang pa lamang si Mildred at hindi pa pamilyar sa nangyayari sa paligid nito. Iniingatan ng Ina ang anak na si Miracle dahil sa batas ng lungsod ng Sulbidamya na kinabibilangan nila. Ang lahat ng panganay na Anak ng sino mang mag-asawa sa lungsod ay nararapat na sumailalim sa isang pagsubok na syang maaaring kumitil sa buhay ng kanilang anak.

"Hindi naman hadlang 'yon." nakangiti paring sagot ng magandang batang babae kay Miracle, "Kung gusto mong tumapang, sumama ka sa akin." inilahad ng batang babae ang kamay.

Nagpalipat-lipat naman ang tingin ni Miracle sa kamay nito at sa hawak nitong tinapay, kumakalam na ang sikmura ng batang si Miracle.

"Gutom ako eh, at hindi pa rin ako nagpapa-alam kay Ina at Tiya ko eh." saad ni Miracle.

"Kakain naman tayo nitong tinapay habang naglalakbay, nandoon rin sa pupuntahan natin ang iyong Ina."

"Talaga?"

"Oo, ano ang iyong ngalan?"

"Ako si Miraㅡ  Miracle."

"Ako naman si Mercusa."

Doon na nito nakuha ang loob ni Miracle. Nilingon muna ni Miracle ang loob ng tahanan tsaka muling tumingin kay Mercusa.

"Sandali ah." paalam ni Miracle rito tsaka pumasok sa loob ng tahanan.

Lumapit sya sa nakababatang kapatid na dalawang taong gulang pa lamang. Nahihimbing parin ito kaya hinalikan ito sa noo ni Miracle tsaka niyakap.

"Myrlia..." tawag ni Miracle sa pangalan ng kapatid, "Alis muna si ate para maging matapang." nakangiti nyang sabi rito, "Para pagbalik ko ipagtatanggol kita at hindi ka na maaaway nila Jacob saka nila Dehlia saka nila Ylona." pagtukoy nya sa mga tusong kalaro ng kapatid, "Hintayin mo ako ha, kakain ka ng marami ah, babalik ako mamaya." muli nya itong niyakap tsaka lumabas ng bahay.

Doon na sumama si Miracle sa batang babae bagaman wala syang sapin sa paa, sapat na sa kanya ang ngumunguya ng tinapay habang naglalakad. Nagkukwentuhan ang dalawang bata, hanggang sa marating nila ang napakalayong lupain nang hindi man lang nakaramdam ng pagod at pananakit ng mga binti. Parang binalot ng mahika ang paglalakbay nila dahil walang paltos sa paa si Miracle bagaman naka yapak lamang itong naglakbay.

"Nandito na tayo?" tanong ni Miracle tsaka nilingon ang batang babae ngunit wala na ito doon, "Bata?" nilingon nya ang paligid, "Saan ka?"

Nagsimula nang mamuo ang luha sa mga mata ni Miracle, dala parin nya ang isang supot ng tinapay. Natigilan sya ng marinig ang ingay ng mga bata mula sa di kalayuan, inosente syang natuwa dahil sa pag-aakalang mga kalaro nya ang mga batang naririnig.

DON'T CRY MIRACLE (Miracle series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon