KABANATA 7

422 32 0
                                    

( Kabanata 7 )

"Sa tingin mo, mayroon na kayang isa sa mga paslit ang magtatagumpay?"

Nilingon ni Ignacio ang asawang si Ilona nang magtanong ito. Nakahiga sya sa malambot at malaking kama ng kanilang kwarto. Sa dalawampung taon ng pagiging Upper Echelon nilang mag-asawa sa lungsod na ito ng Sulbidamya ay si Ginoong Zachario parin ang kanilang sinasamba. Sa oras na isa sa mga ipinadakip nilang bata ang magtagumpay sa mga susunod na taon ay isa iyong karangalan para sa kanila.

"Iyan ang ipinagdarasal ko." nasabi ni Ignacio habang iniinom ang alak sa ginintuang baso.

"Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang ipinadala mo doon ang aking panganay na si Isiah?"

"Dahil iyon ang nararapat, hindi natin matatakasan ang batas, Ilona."

"Kaya nating takasan iyon kung gugustohin mo, Ignacio. Natatakot ako para sa kaligtasan ni Isiah gayong napabalita na halos hindi na umabot sa kalahati ang natitira sa limang daang paslit na ngayon ay nagsasanay parin."

Tanaw ni Ilona ang bintana, dala parin nya ang kaba para sa anak. Napakalayo ng lugar na tinungo ng mga yagit na mandirigma ng Sulbidamya. Nasa dulong bahagi iyon ng lungsod.

Gabi-gabi ay hindi nya mai-alis sa isip ang kinahitnatnan ng anak sa pagsasanay. Palibhasa ay masyadong sunod-sunoran sa batas si Ignacio, masyado syang tapat sa tungkolin. Si Ilona naman ay suportado lang rin ang desisyon ng asawa, bagaman labag sa loob nya ay wala syang magawa.

"Huwag kang mabagabag, Ilona. Sigurado akong si Isiah ang magtatagumpay sa pagkakataong ito." buo ang loob na sabi ni Ignacio.

"Sana nga..." bulong ni Ilona, "Dahil sa oras na may masamang mangyari kay Isiah ay hindi kita mapapatawad, Ignacio." nilingon nya ang asawa.

"Ikalma mo ang iyong sarili, Ilona. Masyado kang nagpapadala sa iyong takot." nasabi ni Ignacio sa asawa.

"Mananatili ang takot sa aking puso hangga't hindi natitigil ang lahat." hinarap ni Ilona ang asawa, "Sabihin mo sa akin, Ignacio. Hanggang kailan?" hindi nya napigilan ang pangiliran ng luha.

"Hanggang sa magtagumpay si Isiah." seryosong sagot ni Ignacio.

"At sa tingin mo ay si Isiah ang isang iyon?" hindi makapaniwalang tanong ni Ilona, "Paano kung iba? paano kung hindi si Isiah?"

"Kinausap ko na ang anak natin tungkol dyan, Ilona. Nangako syang kakayanin nya, at may kasundoan kami."

"At sa tingin mo ay magtatagumpay nga sya nang dahil lang sa nay kasundoan kayo!? paano kung hindi!"

"Mahal ko ang anak natin, ngunit hindi na natin matatakasan ang batas... ang tanging magagawa nalang natin ay ang magtiwala." napatayo si Ignacio habang hawak ang ginintuang baso, "Nararamdaman kong nalalapit na ang pangalawang tagpay na inaasam ng Sulbidamya." dagdag ni Ignacio tsaka nilagok ang alak sa gintong basong hawak.

Wala nang nagawa si Ilona kundi ang mapatingin sa malayo, talaga namang wala na syang magagawa dahil hindi nya na mababawi ang anak mula sa pagsasanay na iyon. Inihatid man ito noon sa lugar na iyon gamit ang pinakamarangyang kalesa na pinatatakbo ng kabayo na kumikintab sa kulay kape nitong kulay, nakasuot man ito ng kasuotan na hinabi hamit ang mamahaling tela ay batid ni Ilona na hindi bumabase sa estado ng buhay ang pagsubok na kinakaharap ng anak sa mga oras na ito, mayroon ka mang isang kaban ng ginto o wala ay papaslangin ka nila sa oras na mabigo ka sa pagsubok.

DON'T CRY MIRACLE (Miracle series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon