( Kabanata 19 )
"Ilan ang nalagas?" tanong ni Muron sa mga bantay.
"Mayroon pang limang bata na hindi dumarating, Pinuno." balita ng isa.
Ang karamihan sa mga bata ay naroon na. Karamihan sa kanila ay usa ang dala. Ang iba naman ay ibon, ang iba ay malalaking paro-paro. Ang ibang bata naman ay malalaking uod sa oud sa puno ang dala, talagang siniguradong ligtas sila sa ano mang hayop na nakuha.
Samantalang sina Samuel, Elizabeth at Isaiah ay magkakatabi na. Napaamo ni Samuel ang isang Uranggutan. Si Elizabeth naman ay ipinatong sa balikat nya ang napakalaking Agila. Habang si Isaiah ay nasa harapan ng napaamo nyang batang Oso.
Nakaramdam na ng kaba ang tatlo, wala pa si Miracle. Malaki ang tiwala nila sa kaibigan, ngunit iba parin kapag mabangis na hayop ang kalaban. Hindi na mapakali si Isaiah sa sobrang kaba, ganoon rin si Elizabeth at Samuel.
Nilingon nila ang tatlong bata na magkakasunod na dumating. Pareho sila ng mga dala, maliliit na usa. Nang lingonin nila ang paligid ay batid nila kung sino na lamang ang dalawang hindi pa dumadating. Si Hyera at Miracle.
"Nasaan si Miracle..." bulong ni Elizabeth.
"Kumalma tayo, sigurado akong nakaligtas si Miracle." talagang siguradong sabi ni Isaiah.
"Hindi natin masasabi, walang kasing bangis ang mga hayop ng Sulbidamya." nasabi rin ni Samuel.
Ngunit pilit na nilakasan ni Isaiah ang loob. Alam nyang hindi mapapatumba ng mabangis na hayop si Miracle. Labis man ang kaba ay pinilit nyang waglitin iyon, kung kinakabahan sya ay pinapakita nya lang na wala syang tiwala kay Miracle. Nakamot nya ang sentido nang lumipas ang ilan pang minuto ay hindi parin dumarating si Miracle.
"Napaka makamandag ng ahas na iyan."
"Paano nya napaamo iyan?"
"Ang galing nya..."
Napalingon sila sa kung sino mang pinagbubulongan ng mga bata. Nang akalain na si Miracle iyon ay nagkamali sila. Nakita nila si Hyera na nakasampay sa balikat ang isang kulay itim na ahas. Iyon ang isa sa pinaka makamandag na ahas sa buong bansa. May mas makamandag pa sa isang iyon ngunit nakakabilib na nagawa nyang paamuin ang ahas na ni isa ay walang nagawang makapag-paamo.
"Ayos." nabulong ni Samuel habang nakangiti.
Nilingon naman sya ni Elizabeth, saka inis na nag-iwas ng tingin. Hindi man sabihin ay may gusto sila sa isa't-isa.
Si Isaiah ay wala kay Hyera ang tingin kundi nasa paligid. Hinihintay ang isang tao na hindi pa dumarating. Unti-unting nanumbalik ang kaba sa dibdib nya. Hindi nya alam kung paano mauupo. Nilingon nya sila Samuel at Elizabeth na ngayon ay bakas narin ang kaba sa mukha.
Habang ayon si Hyera at nakangisi nang makitang wala si Miracle sa mga batang nandoon. Mayabang syang ngumiti sa lahat habang hawak ang ahas. Ngayon pa lamang ay ramdam nya na ang tagumpay. Ang misyon lang naman pala na ito ang papatay sa babaeng iyon, hindi nya maiwasang matuwa.
"Si Miracle?" naghahanap na tanong ni Muron.
Lahat ay napalingon sa paligid. Wala parin si Miracle. Nakaramdam ng kaba si Muron para sa batang kinakikitaan nya ng pag-asa. Hindi maaaring magkanali ang kutob nya sa batang iyon, alam nyang ito ang may malaking potensyal upang magtagumpay bagaman nariyan si Hyera na mukhang hindi rin matatawaran ang angking galing. Hindi maaaring mamatay si Miracle kung iyon nga ang dahilan kung bakit hindi pa ito bumabalik.
BINABASA MO ANG
DON'T CRY MIRACLE (Miracle series #1)
Historical FictionThe story of a girl who didn't cry for almost 15 years.