KABANATA 26

375 36 1
                                    

( Kabanata 26 )




Nagising si Miracle, marahan syang bumangon saka nilingon ang paligid. Saka nya muling naalala ang panaginip na syang nagbigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Ang babaeng iyon ay naging dahilan ng paglukso ng kanyang dugo, hindi nya batid kung anong koneksyon ni Meirolia sa kanya.

Ngunit pinakiramdaman nya ang paligid nang marinig ang sigawan at bawat pagbagsak ng kung sino-sino. Kunot noo nyang nilingon ang paligid nang hinihigaan nya, napupuno iyon ng mga bulaklak at mga mansanas.

"Ano ako patay?"

Inis nyang tanong saka sana lalabas ngunit napansin nya ang mga pana na nakabaon sa makakapal na tela na syang pundasyon ng silid na kinaroroonan nya.

"Lintik." inis nyang hinanap ang sariling pana at espada.

Nang makita iyon ay agad syang tumakbo palabas. Tinakbo nya ang bahagi ng gubat kung saan wala syang naaaninag na kahit sino. Nilingon nya ang paligid saka nya nilingon ang itaas ng isang matayog na puno, sinigurado nyang walang nakatinfin saka nya iyon inakyat. Doon sya pumwesto saka isa-isang pinaulanan ng pana ang sino mang makikita nyang kakaiba ang kasuotan.

Kinailangan nya pang bumaba upang pulotin ang mga pana na nasa lupa, naubosan sya ng pana.

Sa ilang minuto nang pagulan ng mga pana at pagbaon nito sa katawan ng sino mang tatamaan ay natigil ang gulo. Lahat ng kaninang nagtatago sa mga puno ay nawala sa isang iglap. Ang mga bata at bantay sa kampo nila Miracle ay nagsibalik sa kampo at nagtipon. Lahat ay kabado habang nililingon parin ang paligid. Saka nya napansin na wala si Hyera sa mga iyon. Pansin nya pang wala rin ang tatlo nyang mga kaibigan. Nakaramdam sya ng kaba.

"Napakaraming nalagas." iyon ang naibulong ni Miracle habang tinatakbo ang gitna ng gubat.

Hinayaan nya ang mga paa na dalhin sya sa kung saan man ito patungo. Natigil sya nang makita ang isang puting ibon na dumapo sa kanyang balikat, tinitigan nya ito. Ilang sandali pa ay lumipad ito ng marahan patungo sa isang direksyon, sinundan iyon ni Miracle.

Ramdam na nya ang kaba habang tumatakbo. Saka nya nakita ang ibon na dumapo sa isang matayog na puno. Nang lingonin nya ang harapan ay nakita nya ang tatlong kaibigan na hawak ng grupo ng mga kalaban, naroon rin si Hyera.

Tinakbo iyon ni Miracle na parang walang panganib na nakaabang sa kanya. Saka nya sinipa ang isa sa mga lalaking naroon bago nya hugotin ang dalang espada at gilitan iyon sa leeg, mabilis pa sa kislap mata ang pag-atras ng ilan pang mga lalaki.

"Hindi ako nagkamali ng kutob." madiing tiningnan ni Miracle sa mata si Hyera, "Ngayon ka magmalinis." hamon nya.

"Hindi na kailangan, lalo pa't ito na ang katapusan ninyo, ano pang poproblemahin ko?" ngumisi si Hyera.

Sina Elizabeth, Samuel at Isaiah naman ay nakatingin lang kay Miracle, nagpapasalamat silang gising na ito.

Hindi pa man nagsisimulang kumilos si Miracle ay nahawakan na sya ng ilan sa mga lalaki. Nabitawan nya ang hawak na pana, habang itinapon namn ng isa sa mga may hawak sa kanya ang kanyang espada. Pinilit ni Miracle na makawala ngunit tinuhod sya ni Hyera sa tiyan na naging dahilan ng kanyang panghihina.

"Masyado kang matapang." dinakma ni Hyera ang mukha ni Miracle saka ito hinarap sa kanya, "Sa mga ganitong oras, sino ang aasahan mo kung gayong ikaw ang itinuturing nilang tagapag ligtas?"

DON'T CRY MIRACLE (Miracle series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon