Epilogue

632 41 5
                                    

( Epilogue )



"Wow! ang ganda ng story ni Miracle!" iyon agad ang papuri ng kanyang Apo matapos nyang nagkwento.

"Oo Apo, maganda nga ang istorya ni Miracle, ngunit napakahirap ng pinagdaanan nya." sang-ayon ng matandang babae.

"Ano po ang nangyari pagkatapos mamatay ni Miracle?" tanong ng kanyang Apo.

"Hindi na nga talaga naulit ang pagpapatupad ng batas sa mahabang panahon, ngunit kagaya ng sumpa ni Alfario, mauulit ito."

"Is it not yet happening?" tanong ng Apo, "It's scary, Lola." yumakap ito sa kanya.

"Kung ikaw ba ang mapupunta sa katayuan ni Miracle, gagawin mo rin ang lahat upang magtagumpay at muling itama ang batas?" tanong nya sa Apo.

"Oo naman po, Lola!" kampanteng sambit ng Apo, "I will be as strong as Miracle." talagang matapang na sabi nito saka natawa.

"Ikaw talagang bata ka, masyado kang masiyahin." ngumiti sya dito.

"Eh Lola, bakit nga po pala kami same ng name ni Miracle?" ngumuso ang Apo.

"Magkapareho rin naman tayo ng pangalan." natawa sya sa Apo, "Pati narin ang Mommy mo ay kapangalan natin." ngumiti sya rito.

"Eh bakit nga po same tayo ng names?"

"Dahil hinahangaan ng ninuno natin ang tapang at lakas ng loob ni Miracle." nakangiti nyang sagot dito, "Alam mo bang hindi lang tayo ang magkapareho ng pangalan?"

"Really?"

"Maging ang aking Ina, ang Lola ko, at ang Lola ng lola ko ay Miracle rin ang ngalan."

"Wow, that's amazing." talagang namamanghang sambit ni Miracle, "Why is it?"

"Nais lamang ng ancestors natin na hindi makalimutan ang ala-ala ni Miracle." ngumiti sya sa Apo, "Ang kapatid ni Mildred at Meirolia na si Martina ay syang nagsimula ng paggamit ng pangalang Miracle, ipinangalan nya ito sa kanyang anak hanggang sa nagsalin-salin na ito." kwento nya rito.

"Kaya po pala." tumango ang batang si Miracle.

Napalingon sila sa pinto nang nay kumatok doon, saka ito nagbukas. Iyon ang Mommy ni Miracle na syang Miracle rin ang ngalan.

"Mira, anak." lumapit ito sa anak, "Your Lola is going to sleep now, nagpapakwento ka na naman ba?" naupo ito sa tabi ng anak.

"Hayaan mo na at mukhang nalilibang sya sa kwento ko tungkol sa mga ninuno natin." sambit ng natandang babae sa kanyang anak.

"Hindi ka ba nagsasawa anak? paulit-ulit kang nagpapakwento kay Lola."

"Ang ganda po kase ng story ni Miracle, Mommy."

"I know, pero sa ngayon let's sleep muna, okay?"

"Okay po." sang-ayon nito, "Bye, Lola!" paalam nito sa Lola saka bumaba sa kama nito.

Nagpaalam muna ang Mommy nya sa Lola saka sila lumabas ng kwarto. Nakangiti syang hinatid ng Mommy nya sa kanyang kwarto. Saka sya inihiga sa kama at hinalikan sa noo.

"Goodnight, sweetheart." ngumiti ang Mommy nya.

"Goodnight, Mommy."

Hinalikan sya ng Ina sa noo saka ito lumabas ng kwarto. Kunwari munang pumikit si Miracle, nang makitang nakalabas na ang Mommy nya ay tumayo sya ng higaan. Binuksan nya ang pinto saka nilingon ang madilim na pasilyo ng mga kwarto. Nakangiti syang lumabas upang kumuha sana ng tsokolate sa ref ngunit may napansin syang kakaiba.

"Pssst!"

Nilingon nya ang kung sinong sumitsit sa kanya. Nang lingonin nya iyon ay nakita nya ang isang bata na nakasuot ng makalumang kasuotan, nakangiti ito sa kanya habang dala ang isang supot ng mga tsokolate.

"Gusto mo bang maging matapang?" tanong nito sa kanya.

"Sino ka?"

"Ako si Myrlia..."




Wakas...





DON'T CRY MIRACLE (Miracle series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon