KABANATA 30

501 33 5
                                    

( Kabanata 30 )


Dalawang taon pa ang hinintay ni Miracle upang tuloyang magtagumpay. Sa dalawang taon na iyon ay nanatili parin sya sa kampo na pinagmulan, sya na lamang mag-isa at walang masandalan. Tinanaw nya ang ilalim ng puno na pahingahan nilang magkakaibigan, tila nanumbalik ang lahat ng ala-ala nang makita nya doon ang sarili kasama ang mga kaibigan habang nagtatawanan.

Nilingon nya ang buong paligid. Nagbalik tanaw sya sa masayang mga bata na noon ay nagtatakbuhan sa parteng iyon ng kampo. Lihim syang napangiti saka huminga ng malalim, pigil ang damdamin nyang inalala ang lahat. Sa tagal nang panahon na hindi lumuha si Miracle ay tila wala na nga talaga syang luhang mailalabas, damhin nya man ang labis na sakit ay hindi nya magawang lumuha. Ramdam nya ang napakabigat na pagtibok ng kanyang puso, patunay na labis ang sakit na naipon sa kanyang dibdib.

Sa loob ng dalawang taon ay hindi nakakain ng maayos si Miracle. Kakain lamang sya sa oras na makaramdam ng labis na gutom, inaabot sya ng isang linggo nang hindi kumakain. Ginupit nya rin ang sariling buhok gamit ang sariling espada.

Naranasan nyang magkasakit ng walang gumagamot sa kanya at naga-alaga.

Naranasan nya rin ang matinding pangungulila.

Nakakapanibago sa tainga ang hindi naririnig ang boses ng isa sa mga kaibigan.

Masakit para sa kanya ang maranasa ang mag-isa na noon ay kinatatakutan nya.

Hindi nya rin lubos maisip na sa isang iglap ay mawawala ang lahat sa kanya.

Sa pagtungtong sa edad na bente anyos ay sinundo na ng mga mandirigma ng Sulbidamya ang sino mang nakaligtas sa digmaan. Laking gulat nila nang maabutang walang ni isang tao sa kampo. Ito na ang kanilang inaasahan dahil sa napakahabang panahon ay walang nakakaligtas sa lahat ng pagsubok na pinagdadaanan ng mga bata.

Ngunit laking gulat nila nang makita si Miracle na hawak ang isang mansanas habang matamlay na naglalakad patungo sa kampo. Agad nila itong nilapitan, marahan itong naglipat ng tingin sa kanila, namumutla ito at halatang matagal na nanatili sa kampo mag-isa.

"I-Isang himala na mayroong nakaligtas..." nasabi ng isang mandirigma, "Ikaw ang bagong Diyos, ang bayani ng Sulbidaya." dagdag na sabi nito.

Hindi nagsalita si Miracle, hindi na sya umangal nang bigyan sya ng bagong kasuotan ng mga ito. Matapos magbihis ay isinama sya ng mga ito patungo sa palasyo ng Sulbidamya.

Sa paglalakbay ay tulala si Miracle. Wala nang kahit na anong bagay ang pumasok sa kanyang isip, nanatili lamang syang nakatingin sa binatana ng kalesa, tinatanaw ang hamog na dulot ng malamig na gabi.

Nang malapit nang makarating sa palasyo ay tanaw na ni Miracle ang napakaraming tao na sinalubong ang kanyang kalesa. Yumuyuko ang mga taong nadadaanan ng kalesang sinasakyan nya.

Lahat ng madadaanan ng kalesa ay pinangingiliran ng luha, batid nilang ito na ang hinihintay nilang pag-asa. Nawala ang pangamba ng lahat para sa mga anak na tutungtong sa edad na lima. Masakit mang isipin kung gaano kahirap ang pinagdaanan nito ay labis parin silang nagpapasalamat.

Nang makapasok ang kalesa sa palasyo ay bumaba na mula rito si Miracle. Seryoso at tulala nyang tinahak ang mahabang daan patungo sa gitna ng palasyo na syang pinalilibutan ng mga mamamayan ng Sulbidamya. Sa kanyang harapan ay nakaupo ang Pinuno na pinangingiliran ng luha, kasama ang asawa nito na labis na ang pag-iyak.

DON'T CRY MIRACLE (Miracle series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon