KABANATA 18

366 33 0
                                    

( Kabanata 18 )





Kinabukasan ay nagsimula nang maghanda ang lahat. Sina Miracle kasama ang tatlong kaibigan ay hinahasa muli ang sariling mga espada maging ang mga pana. Hindi sila kakikitaan ng kaba, ngunit sa loob nila ay nakakaramdam sila ng takot sa maaaring mangyari sa mga paslit na kasama, maging sa sarili nila.

"Magpapa-amo ako ng unggoy." biglang nagsalita si Samuel.

Bahagyang natawa si Elizabeth at Isaiah, habang si Miracle ay seryoso paring hinahasa ang pana at espada.

"Ako naman ay magpapa-amo ako ng agila!" pagmamalaki ni Elizabeth sa sariling plano.

"Ako ay kung ano nalang ang makakasalubong ko." sambit ni Isaiah saka nilingon si Miracle, "Eh ikaw?"

"Depende." sagot ni Miracle saka ipinasok na sa kaha nito ang espada, "Kung ano lang rin ang makakasalubong ko." aniya.

"Gaya gaya 'to." ngumuso si Isaiah saka rin inilagay sa kaha ang mga pana at espada.

"Hindi ba pwedeng pareho lang talaga tayo ng plano?" ngumisi si Miracle.

"Ang sabihin mo, ginagaya mo ako dahil may gusto ka sakin." si Isaiah naman ang ngumisi.

"Taas mong mangarap eh 'no?" natawa si Miracle saka tumayo.

Si Isaiah naman ay nagpatuloy sa pagnguso na halos magkadikit na ang dalawang kilay sa sobrang pagsasalubong ng mga ito.

"Parati kayong nagtatalo, baka magkatuloyan kayo nyan." natawa si Elizabeth.

"N-Nagkakatuloyan ba ang palaging nagtatalo?" tanong ni Isaiah.

"Oo!" sagot ni Samuel, "Ikinakasal pa nga." saka natawa.

Lumapit si Isaiah kay Miracle saka nya ito pinitik sa noo. Nangunot ang noo ni Miracle, ngunit si Isaiah ay nananatiling humahalakhak sa harapan nya.

"Kaya pala palagi mo akong inaaway ah, gusto mong magkatuloyan tayo." napapailing pa si Isaiah habang natatawa, "Huwag mo nang ilihim, alam ko na." saka muling natawa.

Napailing nalang si Miracle saka inayos ang suot na kapa at maging ang sariling mga sandata.

"Maghanda sa paglalakbay!" sigaw ng isa sa mga bantay.

Pinangunahan ni Muron ang paglalakad. Hindi nakakaramdam ng kaba ang mga bantay maging si Muron, dahil bago pa man mapaamo ng mga batang ito ang mga hayop sa gubat ay napaamo na nila ito noon. Ang tanging iniisip lang nya ay ang mga batang hindi ganoon kalakas ang loob. Naalala nya ang kanyang anak na si Mercusa, malakas ang loob ng batang iyon, talagang kahanga-hanga.

Sila Miracle naman na nasa pinakalikuran ay seryosong naglalakad. Nailipat ni Miracle ang tingin kay Hyera, na ngayon ay tahimik na naglalakad ngunit mukhang okupado ang isip. Kung may pinaplano na naman ito ay hindi na iyon nakakapagtaka. Hindi na lamang ito pinansin ni Miracle saka nagpatuloy sa paglalakad. Maya't-maya pa ang pagrereklamo nya dahil sa kakulitan ni Isaiah, para itong hindi nauubosan ng enerhiya sa katawan.

Matapos ang halos isang oras ng paglalakad ay narating na nila ang gitna ng gubat. Doon nilingon ni Muron ang mga bata, karamiha sa mga iyon ay halos magyakapan na sa takot. Nakaramdam rin ng takot si Muron para sa mga ito ngunit hindi na iwinaglit nalang iyon sa isipan.

"Isa-isa kayong maglakbay sa iba't-ibang parte ng gubat na ito, maghihintay kami rito." anunsyo ni Muron, "Ang sino mang hindi na makabalik ay posibleng napatay na ng napakaraming mababangis na hayop rito sa gubat." dagdag nya saka huminga ng malalim, "Huwag kayong mag-alala, hindi kayo maliligaw, ang puno sa aking likuran ay ang pinakamatayog sa lahat, makikita nyo ito saan mang parte ng gubat kayo magpunta, sundan nyo lamang ito sa oras na magtagumpay kayo sa pagsubok." tumango si Muron, "Mag-ingat kayo." matagal bago nya iyon nasabi.

Lahat ay nagsimula nang maglakad. Sina Miracle, Isaiah, Elizabeth at Samuel naman ay nagkatinginan pa. Hindi batid kong magsasama-sama ba sila o maghihiwalay. Doon na nakaramdam ng kaba si Miracle, hindi para sa sarili kundi para sa mga kasama. Kung malalapa man sya ng buhay sa gubat na ito ay ayos lang sa kanya, ngunit kung isa sa tatlong kaibigan ang hindi na nya muling makikita pa ay hindi nya kakayanin.

"Hindi maaaring magsama-sama, maghiwa-hiwalay kayo." ani Muron sa apat.

Muling nagkatinginan ang magkakaibigan. Tumango si Miracle, matagal nya munang tinitigan ang tatlong kaibigan. Ngunit mukhang mas matagal ang oagtitig nya kay Isaiah, agad na lamang nyang iniwas ang tingin.

Nagsimula na silang magkanya-kanya. Si Miracle ay sa  kanlurang bahagi ng gubat nagpunta. Maya't-maya pa ang tanaw nya sa matayog na puno na sinasabi ni Muron, sinisigurado nya kung matatanaw pa nga ba iyon sa malayo, naibaba ni Miracle ang tingin nang masiguradong matatanaw nya nga ang puno saan man sya magpunta.

Pansin na ni Miracle kung gaano kalayo ang nalakad nya. Bagaman maliwanag parin sa parteng iyon ng gubat ay hindi na ito kasinliwanag ng kanina. Napalingon si Miracle sa kanyang likuran nang makita doon si Hyera. Nakatayo ito habang nakasandal sa puno at nakatingin sa kanya. Mayabag itong nakangisi habang magka-krus ang braso.

"Ano ang balak mong paamuin?" tanong ni Hyera.

"Kahit anong mabangis." seryosong sagot ni Miracle.

"Ang akin ay iyong makamandag." ani Hyera saka ngumisi.

"Sana ay makita pa kita mamaya." walang bahid ng kayabangan na sabi ni Miracle.

"Hindi mo na ako makikita mamaya." ayon na ang nagtutumaas na kilay ni Hyera, "Dahil siguradong hindi ka makakaligtas, ito ang bahagi ng gubat kung saan matatagpuan ang pinakamabangis na hayop sa buong Sulbidamya."

Tumango si Miracle na para bang hindi sya nabigla sa sinabi ni Hyera. Hindi na lamang nagsalita si Hyera saka mayabang na tinalikuran si Miracle. Tinanaw ni Miracle si Hyera paalis, ng mawala na ito sa kanyang paningin ay nagpatuloy sya sa paglalakad. Hinawi nya pa ang mga nakaharang na malalaking sanga gamit ang kanyang espada. Masakit na ang mga paa ni Miracle ngunit hindi nya ito ininda. Nagpatuloy lang sya sa paglalakad kahit malamya na.

Ngunit ang marahang mga yapak na nanggagaling sa kanyang likuran ay pinatigil sya. Rinig nya na rin ang kakaibang nagngangalit na hininga ng kun ano. Huminga ng malalim si Miracle saka kinuha ang pana sa kanyang likuran. Saka nya marahang nilingon ang pinanggagalingan ng ingay na iyon.

Doon nya nakita ang isang napakalaking Leon. Bahagyang napaatras si Miracle nang makita ang naglalakihang mga ngipin nito na nakalabas. Mas napaatras si Miracle nang makita nya ang tumutulong laway nito. Napakabangis ngang talaga, ngayon lamang sya nakakita ng totoong Leon. Humakbang ng bahagya paatras si Miracle nang humakbang rin papunta sa kanya ang Leon.

__________________

follow, vote and comment.

DON'T CRY MIRACLE (Miracle series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon