KABANATA 13

397 33 3
                                    

( Kabanata 13 )

Kinabukasan ay hindi kaagad nagawang bumangon ni Miracle. Dala nya parin ang sakit ng pagkawala ng ina at kapatid, hindi nya alam kung paano babangon nang alam nyang wala nang saysay ang kanyang buhay. Ang mapagmahal na Ina at kapatid na syang dahilan kung bakit sya lumalaban ay wala na. Sa edad ni Miracle ay natuto na nyang itanim ang lahat ng sakit at galit na nararamdaman.

"Bumangon ka na!"

Nangunot ang noo ni Miracle sa narinig na sigaw ng bantay sa kanya. Inis nyang ibinagsak ang sarili upang kumuha ng lakas sa pagtayo ngunit muling sumigaw ang bantay saka sya sinipa sa paa. Sinipa ni Miracle ang paa ng bantay, nang magalit ito at akmang bubunot ng espada ay naunahan na sya ni Miracle, kinuha ni Miracle ang pana at inasinta sa noo ang bantay. Dilat itong bumagsak sa lupa haban nakatarak sa mismong gitna ng noo nya ang pana ni Miracle.

"Miracle?" tawag sa kanya ng mga kaibigan ngunit nya ito nilingon.

Mababasa ang labis na galit ni Miracle sa lahat ng bantay na naroon lalo na kay Muron na syang pumaslang sa Ina at kanyang kapatid. Madilim ang kayang tingin sa mga ito dahilan upang hindi makagawa ng ano mang kilos ang mga bantay, alam nilang walang kikilalanin si Miracle sa oras na ito dahil sa sakit na nararamdaman nito dahil sa pagkamatay ng kanyang pamilya.

Nang makalagpas si Miracle sa bangkay ng bantay ay saka pa lamang lumapit ang ilang bantay upang kunin ang bangkay ng kasamahan nila. Galit parin ang makikita sa itsura ni Miracle habang papaupo sa harap ng tatlong kaibigan. Sina Isaiah, Elizabeth at Samuel ay nakatingin lang sa kaibigan habang seryoso itong kumakagat ng mansanas. Nais nila itong pigilan dahil sa gabi lamang sila maaaring kumain ngunit huli na dahil inagaw ng isang bantay ang mansanas na kinakain ni Miracle.

"Sira ulo ka ba?" galit na tumayo si Miracle saka hinarap ang bantay, "Nakikita mong kumakain ako, hindi ba?"

Napaatras man ay pinilit ng bantay na maging matapang. Sinalubong nya ang nandidilim na tingin ni Miracle saka umayos sa pagkakatayo.

"Sa gabi lamang maaaring kumain, bata."

"Alam ko."

"Alam mo ngunit hindi mo sinusunod."

"Dahil gutom ako."

"Pigilan mo 'yan kung ganon."

Hindi parin naalis ang masamang tingin ni Miracle sa bantay. Saka nya nilingon ang mga bantay na nasa kabilang dulo ng kampo, kumakain ang mga ito. Napangisi si Miracle saka nginuso ang mga bantay na nilalantakan ang ibat-ibang klase ng prutas.

"Saka lang ako titigil sa pagkagat nitong mansanas kapag tumigil narin sa pagnguya ang mga 'yon." seryosong sabi ni Miracle matapos hablutin ang mansanas sa kamay ng bantay.

"Matigas ang ulo mo." galit na ika ng bantay.

"Mas matigas ang ulo mo, sinabing gutom ako!" sigaw ni Miracle.

Hindi na nakasagot pa ang bantay. Inis itong nag-iwas ng tingin saka bumalik sa pwesto nito. Nagpatuloy si Miracle sa pagkagat ng mansanas, hindi pinapansin ang mga naroon na nakatingin sa kanya.

"Malilintikan ka nyan, ibaba mo 'yang mansanas." suway sa kanya ni Isaiah.

Ngunit ganoon na nga siguro katigas ang ulo ni Miracle. Nagpatuloy sya sa pagkain, ang akala ng magkakaibigan ay hindi na ito kagaya ng dati na parating gutom, ngunit mukhang nagkamali sila.

DON'T CRY MIRACLE (Miracle series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon