KABANATA 9

404 30 3
                                    

( Kabanata 9 )


"Talo ka." mayabang na sambit ni Miracle.

Inis na napatayo si Isiah tsaka pinagpagan ang suot na damit. Kinuha nya ang nalaglag na espada tsaka sinundan ng tingin si Miracle na ngayon ay papa-upo na sa ilalim ng puno, naroon rin si Elizabeth at si Samuel na ngumunguya ng mansanas.

"Ano bang meron sayo at palagi mo akong natatalo?" nakangiwing tanong ni Isiah habang papalapit sa tatlong kaibigan.

"Wala ng mas hihigit pa sa isang Himala." seryosong tugon ni Miracle tsaka kumuha ng mansanas.

"Humigit anim na taon ka nang nakikipaglaban kay Miracle, hindi ka pa ba nasasanay na matalo?" natatawang tanong ni Elizabeth.

"Sabagay, kay Miracle lang naman ako natatalo." nagkibit-balikat nalang si Isiah tsaka naupo, "Sino ba namang mananalo kung kahinaan mo ang kalaban mo." bulong nya.

"Narinig ko 'yon." natatawang sambit ni Samuel, "Huwag kang mag-alala Isiah, mananatili iyong lihim sa ating dalawa." natatawa nyang inakbayan si Isiah.

"Pangako mo 'yan ah?" nakangising tanong ni Isiah.

"Oo naman, ililihim ko 'yon hanggang kamatayan." pangako ni Samuel, "Pero huwag mo naman sanang hintaying malagutan ako ng hininga bago ka umamin." natatawa nyang siniko si Isiah.

"Kuya, manahimik ka nga." angal ni Isiah tsaka kumagat ng mansanas.

Sila Miracle at Elizabeth naman ay halos patayin ng kyuryosidad kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa. Ngunit mas pinili nalang manahimik.

"Kung maka-payo akala mo naman umamin na kay Ate Elizabeth." bulong ni Miracle.

"Narinig ko 'yon!" natatawang sambit rin ni Elizabeth nang marinig na bumulong si Miracle bagaman hindi nya talaga narinig, "Huwag kang mag-alala, mananatiling sikreto sakin 'yon..." aniya tsaka tiningnan si Samuel, "Hanggang kamatayan..." nang-aasar.

"Talaga? narinig mo?" seryosong tanong ni Miracle, "Edi alam mo nang gusto ka ni Kuya Samuel?"

Agad na nasamid ang tatlo sa narinig, lalo na si Samuel na nahampas ang dibdib sa dahil sa bumarang mansanas sa lalamunan. Uubo-ubo namang nilingon ni Isiah si Samuel habang natatawa, si Miracle naman ay seryoso parin ang nagtatanong na tingin kay Elizabeth.

"A-Ano?" gulat na tanong ni Elizabeth sa nakababatang kaibigan.

"Narinig mo, hindi ba?"

"H-Hindi, nagbibiro lang ako, hindi ko talaga narinig... kaya n-nagulat ako."

Napailing nalang si Isiah habang papalakas ng papalakas ang pagtawa, si Miracle naman ay nagsimula naring matawa. Ang dalawang nakababatang kaibigan ay pinagtutulongan ang dalawang nakatatanda, naroon pa ngang nasamid si Isiah dahil sa labis na pagtawa habang may mansanas pa sa bunganga.

"Pano ba 'yan, Kuya. Hindi mo na kailangang umamin, buking ka na." natatawang sabi ni Miracle sa kuya.

"Panira ka talaga." ngumiwi si Samuel tsaka nag-iwas ng tingin.

"Hahahaha pinapayohan mo pa ako eh isa ka rin palang hindi magawang umamin!" pang-aasar ni Isiah.

"Manahimik ka, baka gusto mong sikreto mo naman ang i-bulgar ko." banta ni Samuel, agad na natigil sa pagtawa si Isiah, "Miracle? Alam mo ba naㅡ"

"Na kahinaan ako ni Isiah? oo."

"A-Anongㅡ hindi ah!" namumulang giit ni Isiah, "Kuya, sabihin mong hindi! hindi 'di ba?" pinandilatan ni Isiah ng mata si Samuel.

"Lakas pala ng pandinig mo." natatawang sabi ni Samuel kay Miracle, "Pano ba 'yan, wala nga talagang utot na hindi aalingasaw." muling tawa ni Samuel.

Humigit anim na taon na ang nakalipas simula nang mapadpad rito sina Elizabeth, Miracle at Isiah, si Samuel naman ay siyam na taon nang nandoon. Marami na ang nalagas sa kanila, at ngayong araw ay inaasahan ang pagdating ng panibagong mga paslit na magsasanay upang pumanig sa kanila. Nakaramdam sila ng awa para sa mga ito sa oras na makarating sila rito ngunit walang magawa.

"Akalain mong kinaya nating tumira dito sa loob ng ilang taon nang hindi umiiyak?" humahangang tanong ni Elizaneth, "Parang dati lang ay iyak pa ako ng iyak habang hinahatid ng pipitsuging kalesa patungo rito." dagdag nya.

"Inihatid ako ni Ama rito sakay ng kabayo nya, napakalayo ng tinahak namin, halos mamatay kami sa uhaw, ang kabayo ni Ama ay halos hindi na makalakad, sa kasamaang palad ay nahatid parin ako dito." kwento ni Samuel habang nasa malayo ang tingin.

"Ako ay maayos na naihatid, hindi ako nagpumiglas, nang makarating ako dito ay doon palang ako umiyak." natatawa ring kwento ni Isiah.

Nanatiling tahimik si Miracle, nilingon naman sya ng mga kasama. Huminga ng malalim si Miracle, batid nyang hinihintay ng mga ito ang kanyang kwento kung paano sya nakarating rito.

"Naglakad ako." panimula nya na ikinagulat ng tatlo.

"Kung isa iyang biro ay nakakatawa nga." natatawang sabi ni Samuel ngunit nanatiling seryoso si Miracle, "S-Seryoso ka ba?"

"Ang naaalala ko lang ay nakatayo ako sa labas ng tahanan namin, sinundo ako ng isang bata, pagkatapos ay naglakad kami papunta rito." nagkibit balikat si Miracle sa huli, "Mahirap paniwalaan pero totoong nangyari iyon." sambit nya tsaka sumandal sa puno.

"Buti ay nanatiling malakas ang loob ninyo na magpatuloy kahit alam ninyong maaari kayong mapahamak rito?" tanong ni Samuel sa tatlong kaibigan.

"Sa totoo lang ay ayaw kong magpunta rito, pero binantaan ako na kikitilin ang buhay ng mga magulang ko sa oras na hindi ako tumuloy." saad ni Elizabeth.

"Wala akong kaalam-alam na ganito ang nangyayari dito." sagot rin ni Miracle.

"May kasundoan kami ni Ama at pinalakas nya ang aking loob, kaya tinatagan ko rin ang loob ko." nakangiting dagdag nya.

"Anong kasundoan?" kalunan ay naitanong ni Samuel.

"Na kapag ako ang nagtagumpay ay hihilingin kong mabago ang patakaran ng Sulbidamya, hihilingin kong maging normal ang pagpatakbo ng lungsod na ito kagaya ng mga lungsod sa ibang bansa na masayang nagdiriwang ng pista at mga okasyon." tugon ni Isiah.

"Kung ganon ay hihilingin kong magtagumpay ka." nasabi ni Elizabeth tsaka tumanaw sa malawak na dagat.

"Kung sino man ang magtagumpay sa atin, sana ay iyon ang hilingin ninyo." nasabi ni Isiah tsaka inilipat rin ang tingin sa malayo, "Nang sa ganon ay matupad ko parin ang pangarap ng lahat na matapos na ang ganitong uri ng pamamalakad kahit na mapaslang ako." dagdag ni Isiah.

"Ipasok sa hawla ang mga bagong salta!" nagulat ang lahat sa sigaw ng isa sa mga tagapag-bantay.

Nilingon nila ang lahat ng mga bagong dating, lahat ng iyon ay umiiyak, masyado pang musmos. Hawak nito ang kanya-kanyang bugkos ng tela na naglalaman ng kanilang mga gamit, tsaka sila ipinasok sa hawla. Nang ilibot ni Miracle ang paningin ay nahagip ng kanyang paningin ang isang pamilyar na tindig, pamilyar na mga mata at hubog ng mukha.

"Myrlia..."

___________________

follow, vote and comment.

DON'T CRY MIRACLE (Miracle series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon