KABANATA 12

419 32 0
                                    

( Kabanata 12 )

Makalipas ang ilan pang mga araw ay ganoon na nga ang nangyari. Nagsimula nang magsanay ang bagong mga paslit na napadpad sa lugar na iyon. Unang araw pa lamang ay napakarami nang namamatay. Hindi maiwasan ni Miracle ang kabahan para sa kapatid. Binabantayan nya ang mga galaw nito, parati nyang pinaaalalahanan na huwag umiyak, na tatagan ang sarili at kayanin ang lahat ng pagsubok na ipapagawa.

Patagal ng patagal ang panahon ay mas tumitindi ang pagsubok para sa kanila. Si Miracle ang nagsilbong anghel ng kapatid, inaalalayan ito sa lahat ng ginagawa. Sina Isaiah, Elizabeth at Samuel naman ay nakaalalay lang rin kay Miracle sa ano mang ginagawa nito.

"Ate? tingnan mo nakahuli ako ng isda!" sigaw ng batang si Myrlia habang hawak ang isda.

Kamuntikan nya pa itong mabitawan kaya agad syang inalalayan ng nakatatandang kapatid.

"Kapag iyan ay bumalik sa ilog tiyak na wala kang mailalaman sa tiyan mo mamaya." ani Miracle habang nakangiti sa kapatid.

"Ate? bakit ang hirap ng buhay dito?"

"Dahil wala namang pagsubok na madali."

"Eh bakit may pinapatay silang mga bata?"

"Dahil ang mga batang 'yon ay sinuway ang pinaka mahigpit na ipinagbabawal gawin ng sino mang narito, Myrlia, hindi maaari ang umiyak."

"Eh paano kung naiiyak na talaga ako?"

"Pigilan mo, huwag kang iiyak."

Hindi na nagtanong pa si Myrlia. Kasama ang tatlo pang kaibigan ay isinama ni Miracle ang kapatid pabalik sa kampo. Doon sila nagningas ng apoy at sinimulang lutoin ang isda. Hindi parin matatawaran ang tuwa sa mukha ni Myrlia dahil sa wakas ay malalamanan na ang kanyabg tiyan, ngunit ganoon rin ang takot sa loob ni Miracle sa maaaring kahinatnan ng kapatid.

Kinain nila ang lahat ng isdang nahuli, hindi maiwasan ang tawanan dahil sa magkakaibigan na hindi matigil sa asaran. Hindi rin naman sila nabigong patawanin si Miracle, kahit pa ubod ito ng seryoso.

"Kumain ka pa." ibinigay ni Miracle ang kalahati ng isda nya sa kapatid, "Para maging malakas ka."

"Ate, kain ka rin, dapat rin malakas ka." isinubo ni Myrlia ang laman ng isda kay Miracle.

"Myrlia..."

"Ate?"

"Ipangako mo sa akin, na magtatagumpay ka."

"Ipinapangako ko."

Napangiti si Miracle saka muling nagtuloy sa pagkain. Paulit ulit nya ring isinusubo ang nahihimay na laman ng isda sa nakababatang kapatid. Nang lingonin ni Miracle ang kaibigang si Isaiah ay masama na ang tingin nito sa kanya.

"Bakit?" tanong ni Miracle sa kaibigan.

"Baka naman pwede mo rin akong suboan?"

"Kapatid ba kita?"

"Bakit? kapatid lang ba ang sinusuboan?"

"Baldado ka ba?"

"Baldado lang ba ang sinusuboan?"

"Eh kung ganon, sanggol ka ba?"

"Wag na nga!"

Natawa nalang sina Elizabeth at Samuel dahil sa dalawa. Ngunit sa isip ni Samuel ay gusto nya ring magpasubo kay Elizabeth, ang problema lang ay baka masapak lang sya nito. Napailing nalang si Samuel saka muling kumain.

"Gusto mong magpasubo?" tanong ni Elizabeth, nangaasar.

"A-Ano? hindi ah!"

"Eh bakit napapatingin ka sakin?"

DON'T CRY MIRACLE (Miracle series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon