KABANATA 27

368 29 1
                                    

( Kabanata 27 )






"Hindi na maganda ang mga nangyayari sa nagdaang mga taon."

Anunsyo ni Muron sa halos nangalahati nang grupo ng mga kabataan sa kampo. Lahat ay may bahid parin ng takot, ito ang ikalawang beses na nangyari ang pagsalakay sa mga kampo ng Sulbidamya.

Si Miracle at Isaiah ay nakatayo sa bandang huli, nakatulala sa hangin. Hindi nila mawaring nalagasan sila nang dalawa sa pinakamagagaling na mandirigmang bata ng Sulbidamya. Huminga ng malalim si Miracle saka pinigilan ang sarili sa pagluha. Ganoon rin si Isaiah na hindi maitukod sa lupa ang kanang paa dahil sa sakit ng sugat sa kanyang binti.

"Ito na siguro ang hudyat nang pinakahihintay na laban." muling nagsalita si Muron, "Sa lalong madaling panahon ay magaganap na ang digmaan." anunsyo nya.

Sa isang iglap ay nailipat ni Miracle ang tingin kay Muron, naroon na naman ang takot na nabuhay sa kanyang puso. Nilingon nya si Isaiah na nakatingin narin sa kanya, ang kaba na kanilang nararamdaman ay para sa isa't-isa.

Pagkatapos ng pagtitipon ay nagpunta na sa kanya-kanyang pwesto ang mga bata. Si Isaiah at Miracle ay naupo sa ilalim ng puno na syang paborito nilang lugar upang magpahinga kasama sina Elizabeth at Samuel. Naalala nila ang dalawa, ayon na naman ang sakit na nararamdaman nila dahil sa pagkawala ng mga ito.

Wala nang salita ang lumabas sa kanilang bibig, pareho silang nakatulala sa kawalan. Pinakiramdaman ang mga sarili, lalo pa't sila na lamang ang natira. Nilingon ni Isaiah si Miracle nang mapansin nya ang mga tingin nito sa kanya.

"Maaari ba akong humiling sayo?" sa boses na iyon ni Miracle ay mahihimigan ang labis na pagod.

"Ano 'yon?" diretsong nakatingin si Isaiah sa mga mata ni Miracle.

"Gusto kong tatagan mo ang loob mo, huwag kang iiyak, huwag kang mapahamak. Ikaw nalang natitira sa akin, Isaiah. Kapag nawala ka pa ay hindi ko kakayanin, kapag nawala ka ay susuko na ako." nagmamakaawang sabi ni Miracle, pinipigilang pangiliran ng luha.

"Sabihin mo munang mahal mo ako." biro ni Isaiah, iniwas lang ni Miracle ang tingin kaya nameke ng tawa si Isaiah, "Biro lang hahaha." ngunit ang totoo ay nakaramdam sya ng kirot sa dibdib.

Sa isip ni Isaiah ay umaasa syang matututunan ni Miracle ang mahalin sya balang araw. Ngunit alam nyang imposibleng magsama silang dalawa, isa lamang sa kanila ang pwedeng mabuhay. Mahalin man sya ni Miracle pabalik ay alam nyang wala rin iyong kwenta, kaya masakit man ay tatanggapin nyang wala talaga.

"Pangako." biglang sambit ni Isaiah, "Lalaban ako, hindi ako panghihinaan ng loob, magkasama nating susuongin lahat ng pagsubok." ngumiti si Isaiah.

"Aasahan ko 'yan." bahagyang ngumiti si Miracle.

Malapit na ang paglubog ng araw, ayon na naman ang nanunuot sa laman na lamig ng panahon. Kumakapal na ang hamog sa paligid, ibinalot ni Miracle ang kapa sa kanyang katawan. Si Isaiah naman ay lumipat sa tabi ni Miracle, niyakap nya ito upang hindi lamigin. Nagulat pa sya nang agad na maupo si Miracle habang nakatingin sa binti nya.

"Hindi pa nga pala nalilinis ang sugat mo." sambit ni Miracle saka tumayo.

"Saan ka pupunta?"

"Kukuha ako ng tubig sa ilog, lilinisin natin ang sugat mo."

"Sandali." pigil ni Isaiah saka tumayo, "Sasamahan kita." pinilit ni Isaiah na maglakad.

DON'T CRY MIRACLE (Miracle series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon