KABANATA 15

405 32 0
                                    

( Kabanata 15)



Nagdesisyon silang bumalik sa kampo. Nauna na si Hyera kaya silang apat na lamang ang nagsama-sama pabalik. Marahan nilang nilalakad ang mabatong dulo ng dalampasigan papasok ng gubat.

Okupado parin ang isip ni Miracle. Napakaraming isipin ang bumabagabag sa kanya, hindi nya alam kung paano tatakasan ang mga isipin na iyon. Pakiramdam nya ay buhat nya ang buong mundo, kung minsan ay hindi nya naisipang sumuko, ngunit kung magpapatuloy ang paulit-ulit na pagkalagas ng mga taong mahahalaga sa kanya ay mukhang hindi nya na kakayanin.

"Sa tingin ninyo, sino kaya ang magtatagumpay sa atin?" wala sa sariling tanong ni Elizabeth.

"Hindi ko alam." sagot ni Samuel, "Pero kung sino man iyon ay hiling kong bagohin nya ang batas." tumingala si Samuel sa matatayog na mga puno.

"Iyan rin ang hiling ko." nasabi rin ni Elizabeth.

Malaki ang tiwala nila kay Miracle. Ngunit natatabunan iyon ng pangamba nang dahil sa presensya ni Hyera. Wala naman silang pagdududa sa dalaga, ngunit mukhang si Miracle ay may napapansin rito, na syang hindi nila dapat ipagsa walang bahala. Sa ganitong lakas at tapang ni Miracle ay alam nilang tatama ang lahat ng kutob nito, kaya hangga't maaari ay papakinggan nila ang nakababatang kaibigan, ano mang desisyon nito ay kanilang susuportahan.

"Sa tingin mo ba ay tama ang ginawa mong pagnanakaw!?"

Nagkatinginan sina Isaiah, Elizabeth, Samuel at Miracle dahil sa sigaw na kanilang narinig mula sa kampo. Agad silang tumakbo papunta doon, saka nila nakita ang batang lalaki na nakaluhod habang nagmamakaawa sa mga bantay.

Naroon na naman ang labis na awa sa pakiramdam ni Miracle. Nakikita nya sa bata ang kanyang kapatid na si Myrlia. Walang ano-ano ay agad syang lumapit sa mga ito, walang takot at walang alinlangan, maliban sa pagkamatay ng kanyang mga magulang at kapatid ay ngayon na lamang muling may nagkasala sa mga bata sa kanilang kampo. Iyon ang labis na ipinagtataka nila, ngunit ayon na ang paningin ni Miracle na bahagyang nahagip si Hyera sa di kalayuan.

"Anong kasalanan nya?" seryosong tanong ni Miracle sa mga bantay.

"Ate! ate! wala naman po akong ginawa eh, nakita ko nalang po na n-nasa gilid ko ang mga prutas, at isda, h-hindi ko po iyon n-ninakaw!" nagsusumamong sumbong ng bata kay Miracle.

Nais mang iligtas ni Miracle ang bata ay naubosan sya ng pag-asa para rito, umiiyak ang bata. Kung totoo mang wala syang kasalanan ay mamamatay parin sya dahil sya ay lumuha na syang labis na ipinagbabawal.

"Nagsasabi ka ba ng totoo?" malumanay na tanong ni Miracle.

"Opo ate! t-totoo po! maawa ka po sa akin, iligtas mo po ako." yumakap ito sa kanya, "Isasauli ko po sana kaso a-ang sabi nung b-babae ay ninakaw ko daw po ang mga p-pagkain!" mas umiyak pa ito.

May kung anong humaplos sa puso ni Miracle nang yakapin sya ng bata. Ngunit natigilan sya sa tinutukoy nitong babae. Gustong-gusto nyang iligtas ang bata, ngunit napapikit na lamang sya ng madiin. Kung hindi nya man ito maililigtas mula sa kamatayan ay sisiguradohin nyang maigaganti nya ang bata.

"Hahanap ako ng hustisya para sayo." nanginginig na ang boses ni Miracle, "Hahanapan kita ng hustisya." naninigurong ani Miracle, "Igaganti kita." pinahiran nya ang mga luha nito.

DON'T CRY MIRACLE (Miracle series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon