KABANATA 2

616 38 0
                                    

( Kabanata 2 )

"Labas na, mga paslit. Tapos na ang tatlong araw nyong pahinga."

Hinila palabas ng mga tagapag-bantay sila Miracle kasama ang isa pang batang babae at batang lalaki. Ang lahat ng bata ay nagpapahinga ngunit nasa kanilang tatlo ang mga tingin. Makikita ang pagod at hirap sa mga mata nila, ngunit ang batang si Miracle ay wala paring ideya sa kung ano ang nangyayari sa paligid.

"Tinapay, kakain ako." inilahad nya ang kamay sa tagapag-bantay.

"Tumigil ka! isang beses lang kayong kakain sa isang araw, at tuwing gabi lang iyon." sambit nito matapos hampasin ng patpat ang kamay ni Miracle.

"Sige, umiyak ka nang paghiwalayin ko ang iyong ulo at katawan." banta ng isa pang tagapag-bantay.

Naitigil ni Miracle ang pamumuo ng kanyang luha. Ayon na naman ang inosenteng pagkurap nya, inaalam kung ano nga bang dahilan kung bakit sya nandito.

Nilingon nila ang paligid, nakita nila ang madungis na mga bata habang nagpapahinga sa kanya-kanyang pwesto. Magkahiwalay ang mga lalaki sa mga babae. Nilingon nila ang mga tagapag-bantay nang umalis ang mga ito.

"Pwede na tayong tumakas?" tanong ni Miracle.

"Hindi kayo makakatakas." sambit ng isa sa mga batang nandoon.

"Bakit?" ayon na naman ang pagiging inosente ni Miracle.

"Basta! ilang taon ka na ba?" tanong ng isang batang babae sa kanya.

"Lima." iyon lang ang isinagot ni Miracle.

"Ako naman ay pitong taong gulang." sambit ng batang babae na kasamang nakulong ni Miracle at nang batang lalaki.

"Ako naman ay anim." iyon ang sagot ng batang lalaki.

"Ano nga palang pangalan mo?" tanong ng babaeng nakulong kasama ni Miracle.

"Miraㅡ  Miracle." hirap si Miracle sa pagbigkas ng pangalan n'ya.

"Alam mo bang ang ibig sabihin ng iyong ngalan ay Himala?" tanong ng babae.

"Talaga?" namamanghang anas ni Miracle.

"Oo! Ako mga pala si Elizabeth." nakangiting pakilala ng babae sa kan'ya.

"At ako naman si Isaiah." pakilala ng lalaking nakasama nya ring nakulong.

"Miraㅡ"

"Alam ko na ang pangalan mo, huwag mo nang ulitin." sambit ni Isaiah kay Miracle.

Natawa sila tsaka muling nilingon ang iba pang mga bata doon. Alam ni Elizabeth ang nangyayari, ngunit sina Miracle at Isaiah ay hindi. Pareho silang inosenteng nagtatawanan. Lahat ng batang naroon ay masama na ang tingin sa kanila.

"Kung ako sa inyo ay tumakbo na kayo palayo, mamamatay rin kayo dito." nilingon nila ang isang binatilyo, "Siyam na taong gulang na ako, tatlong taon na akong nandito." saad nito tsaka naglakad palapit, "Ako si Samuel." pagpapakilala nito.

Ngunit napako lang rin ang tingin nya kay Miracle. Talagang may kakaiba sa bata, hindi pangkaraniwan ang pakiramdam sa tuwing titingnan nya ito. Para bang nababalot ito ng kung ano mang orasyon.

"Gutom na ako." iyon na naman ang pagdaing ni Miracle sa kumakalam na sikmura.

"Nako, mamayang gabi pa magkakalaman ang tiyan mo." sambit ni Samuel, "Hayaan ninyong tatlo, ako ang kukuha ng makakain ninyo mamayang gabi." matapang na sambit nito.

Sa kamusmosan ay naghiyawan sa tuwa ang tatlo. Walang kaalam-alam sa maaaring mangyari sa kanila. Hindi alam ang pagsubok na kakaharapin, sa murang edad ay ito na ang dadanasin nila, kasama ang marami pang bata na mukhang hindi na muling mararanasan ang magkaroon ng normal na buhay.

"Sa isang kundisyon." biglang nagsalita ulit si Samuel, "Kailanman ay huwag kayong iiyak." aniya tsaka ngumiti sa tatlong bata.

"Bakit naman?" inosenteng tanong ni Isiah.

"Huwag ka ng magtanong bata, sumunod ka nalang kung gusto mong may makain ka mamayang gabi." iyon ang naisagot ni Samuel bago pa man sya mapadapa sa lupa.

"Sinabi ko bang makipag-usap ka sa mga bagohan!?"

Hinampas sya ng patpat sa likod ng isa sa mga tagapag-bantay na kababalik lang dala ang tatlo pang patpat para sa tatlong bagong salta. Nagulat ang tatlong bata sa nakita, ngunit nakita nilang ngumiti si Samuel sa kanila, at dahil nga bata pa ang kanilang isip ay inakala nilang normal lang ang nangyari sa nakatatandang kasamahan.

"Hawakan ninyo iyan ng mabuti." sambit ng isa sa mga tagapag-bantay habang ibinibigay isa-isa ang mga patpat sa tatlong bagong salta na sina Miracle, Elizabeth at Isaiah.

Nilingon ng mga tagapag-bantay ang mga batang nagpapahinga. "Kayo!" sigaw nya rito, agad namang napatayo ang lahat, "Magpunta sa gitna at simulan ang pagsasanay!" sigaw ng mga ito tsaka nagkalasan ang mga bata at kinuha ang kanya-kanyang patpat.

Nataranta ang tatlong bagong salta, batid nilang kailangan nilang gayahin ang ginagawang paglalaban ng iba pang mga bata ngunit hindi nila alam kung saan hahampas. Agad na naglaban si Elizabeth at Isaiah, mukhang nalilibang pa sa ginagawa. Si Miracle ang mag-isang hindi humahampas, wala syang kapares. Nilingon nya ang paligid ngunit hindi nya alam ang gagawin kaya naglakad sya patungo sa gilid at naupo.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo!?" tinuro ng isang bantay si Miracle.

"Mira, tumayo ka." bulong ni Elizabeth, agad namang tumayo si Miracle.

"Wala kalaban." sagot ni Miracle na hawak parin ang patpat.

"Hindi ko na problema 'yan!" sigaw ng bantay.

Nakangusong tumayo si Miracle, nagbabadya na naman ang mga luha n'ya sa mata ngunit hini nya na tinuloy ay naglakad nalang. Hindi nya alam kung paano magsasanay nang wala naman syang makakasagupa.

"Hali ka dito, labanan mo ako." iyon ang hamon sa kanya ni Mercusa.

Si Mercusa ay ang sumundo sa kanya kanina. Nakangiti naman syang nilapitan ni Miracle. Sinimulan nilang ihampas ng ihampas ang patpat, paulit-ulit iyon sa pagbabanggaan. Naroon na ang tuwa sa musmos na si Miracle, iniisip parin na laro lang ang ginagawa.

"Alam mo bang may nakikita akong kakaiba sa iyong tindig noon pa lamang sinundo kita, bata?" iyon ang tanong ni Mercusa.

"Ano?" inosenteng tanong ni Miracle.

"Ayaw kong mapahamak ka dito, ang kaso ay nakita ko sayo ang pag-asa na matagal nang hinahanap ng lahat, kaya kahit naaawa ako sayo, sinundo parin kita." saad ni Mercusa.

"Talaga?" tanong ni Miracle, "Ano bang gagawin dito?" pagtutukoy nya sa buong lugar na kinaroroonan nila.

"Dito na ang bago mong tirahan, dito ay marami kang kaibigan." doon tumigil sa paghampas si Mercusa, "Dito ay mahuhubog ka."

"Masaya dito?" nakangiting tanong ni Miracle.

"Ayaw kong magsinungaling pero, Oo." iyon ang isinagot ni Mercusa, "Maaari ba akong humingi ng pabor sa iyo?" tanong ng bata.

"Ano 'yon?"

"Kahit anong gawin nila sayo, kahit pahirapan ka nila... Madapa ka man o masugatan... Ipangako mo sa akin na hindi ka iiyak, Miracle... Huwag kang iiyak ha?"

______________________

follow, vote, comment.

DON'T CRY MIRACLE (Miracle series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon