KABANATA 22

365 34 1
                                    

( Kabanata 22 )



"Bakit ngayon lamang kayo?" iyon agad ang salubong ni Muron sa apat na magkakaibigan.

Limang taon na ang nakalipas. Ngunit ganoon parin katatag ang samahan ng apat. Labing limang taong gulang na si Miracle, labing anim si Isaiah, labing pito si Elizabeth at labing siyam si Samuel. Isang taon na lamang at si Samuel na ang magtatagumpay, hindi nakaramdam ng ano mang inggit si Miracle sa katotohanang iyon, bagkos ay isa sya sa mga natuwa.

"Napasarap lang ng kwentuhan." sagot ni Samuel.

Naglakad na patungo sa likuran sina Samuel kasama ang tatlo pang mga kaibigan. Maayos silang tumindig habang nasa harap ang tingin, habang si Miracle ay ayon at okupadong muli ang isip. May bata na naman kase ang napaslang dahil sa kasalanang hindi nito ginawa. Sa limang taon na lumipas ay mahigit dalawang daan na ang namamatay, mabuti na lamang at may dumadagdag sa kampo.

Ang lahat ay walang ideya sa nalalaman ni Miracle. Alam nya kung sino ang dahilan ng lahat. Hindi lamang nya magawang isatinig ang laman ng isip sapagkat ayaw nyang lumikha ng gulo, lalo pa't galing sa kalabang lungsod ang babaeng nakapasok sa kanilang kampo. Hindi nya pa napapatunayan ang paratang, ngunit malakas ang pakiramdam nyang totoo ang kanyang iniisip patungkol kay Hyera.

Nagsimula ang pagsasanay, pinilit ni Miracle na ituon ang kanyang atensyon sa ano mang ipinapagawa ng mga bantay. Maya't-maya ang hampas nya ng patpat sa sino mang nakakatapat, isa ito sa page-ensayo para sa nalalapit na digmaan. Ang digmaan ay hindi nangyari sa inaasahang pagkakataon, hindi natuloy ang balak na pagsugod ng Lepana sapagkat nais nilang mas palakasin pa ang kanilang pwersa kaya't humingi sila ng dagdag pang mga taon upang magsanay.

Pagkatapos ang pagsasanay ay naupong muli sa ilalim ng puno sina Miracle, Elizabeth, Isaiah at Samuel. Hinihingal silang lahat habang inilalapag at hinuhubad ang mga kasuotan at sandatang pandigma.

"Napakarami nang batang nasanay ng husto ang nalagas sa kampo." bigla ay nagsalita si Samuel, "Sana ay kayanin natin ang digmaan." huminga ito ng malalim.

"Kakayanin natin 'yan." nakangiting pagpapalakas ni Elizabeth sa loob ni Samuel.

"Ang lalim ng iniisip mo." ayon si Isaiah habang nililingon si Miracle, "Maaari ko bang malaman kung ano ang dahilan ng pagkatulala mo d'yan?" ngumiti si Isaiah.

"Iniisip ko lang, kung gaano kasalimuot ang ganitong klaseng buhay para sa mga bata na isisilang sa susunod na henerasyon." huminga ng malalim si Miracle, "Kung ako ang magulang ng isa sa mga narito ay ikamamatay ko ang paga-alala." nilingon nya si Isaiah.

"Ganyan rin ang nasa isip ko minsan." sang-ayon ni Isaiah.

"Gusto kong hindi nila ito maranasan, mahirap ang ganitong klase ng buhay, hindi ito nararapat na mapagdaanan ng mga bata." muling tumingin sa malayo si Miracle.

"Ikaw lang ang kilala kong tao na nasobrahan sa pagiging seryoso ngunit malambot ang puso." mas ngumiti si Isaiah.

"Talaga lang ah?" bahagyang natawa si Miracle.

"Hindi ako nagsisinungaling, totoo." natatawa man ngunit seryosong sabi ni Isaiah.

"Matutuwa na ba ako nyan?" ngumisi si Miracle.

"Alam ko namang natutuwa ka." pang-aasar ni Isaiah, "Pero mas nakakatuwa sana kung mahal mo rin ako." nakangiwing bulong ni Isaiah na sya lang ang nakakarinig.

DON'T CRY MIRACLE (Miracle series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon