KABANATA 29

374 32 3
                                    

( Kabanata 29 )




"Tumayo ka!" muling sigaw ni Muron.

Sandaling natulala si Miracle sa Ama, saka tumayo at nagsimulang lumaban. Unti-unting nabuhay ang pagkatao ni Miracle, wala syang pinatawad sa lahat ng kalaban na makakasalubong. Sinalubong sya ng isa sa mga mandirigma ng Lepana, sinipa nya ito sa dibdib saka tinapyas ang leeg. Saka nilingon ni Miracle si Muron, patuloy parin itong nakikipaglaban sa pinuno ng mga mandirigma ng Lepana.

Papatakbong sinugod ni Miracle ang mga kalaban. Magkakahalo na ang dugo sa espada ni Miracle. Hindi rin matigil ang pagulan ng mga pana sa paligid. Malalim ang hiningang binitawan ni Miracle habang iniinda ang sakit ng katawan ngunit tinatagan nya ang loob. Sinugod nya ang mga mandirigma ng Lepana na pamilyar sa kanya, ito ang mga napansin nyang nagtatago sa likod ng mga puno sa tuwing magsasanay sila.

Ipinagpatuloy ni Miracle ang pakikipaglaban. Sa bawat pagpaslang nya sa mga kalaban na sumusugod sa kanya ay isa-isang nanumbalik ang lahat ng sakit na kanyang naramdaman noon pa man. Sa bawat pagtarak ng kanyang espada sa katawan ng kalaban ay ang bulong ng hangin na dala ang boses ng mga napaslang na mahal sa buhay.

"Miracle, anak? may dala akong tinapay!"

"Tinapay!"

"Kain lang ng kain, anak."

Dala ng malamig na hangin ang boses na iyon ng kinilala nyang ina na si Mildred. Huminga sya ng malalim upang pigilan ang nagbabadyang pag-iyak. Paulit-ulit ang pagbaon ng kanyang espada sa katawan ng sino mang matetyempohang kalaban.

"Ate! eto ang halamang gamot para gumaling na ikaw."

"Salamat, Myrlia."

"Gagaling ka ate ha? maglalaro tayo ha?"

"Oo ba!"

Pigil ang damdamin na nilatayan ng saksak at sugat sa katawan ang sino mang kalalaban sa kanya. Dala nya ang sobra-sobrang sakit na nararamdaman nya, naipon iyon sa mahabang panahon. Ngunit gustohin man ni Miracle ang umiyak ay hindi nya magawa, dahil kailangan nyang mapagtagumpayan ang pagsubok, nais nyang tuparin ang pangako na magbabago ang Sulbidamya, babagohin nya ang batas ng Sulbidamya.

"Bata! ayon oh, may isda!"

"Ate Zabeth! tulongan mo ako na hulihin!"

"Nako naman! wala na hindi ko na makita."

"Gutom na ako."

"Akin na, ako ang manghuhuli para malamanan na ang tyan mo."

"Salamat, Kuya Samuel!"

Pinilit ni Miracle na pigilan ang sariling luha, lalo pa nang lingonin nya ang Ama na si Muron. Nakahandusay na ito sa lupa habang napupuno ng dugo ang dibdib nito. Agad nya itong nilapitan, nakamulat pa ang mga mata ni Muron ngunit hirap na sa paghinga.

"A-Ama..."

"An-Anak ko... ikaw a-ang anak k-ko."

"H-Huwag kang mamamatay."

"H-Huwag mo a-akong intindihan, A-Anak." pinilit na huminga ng malalim ni Muron, "I-Iligtas mo a-ang S-Sulbi...damya." doon na ito binawian ng buhay.

DON'T CRY MIRACLE (Miracle series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon