( Kabanata 6 )
"Hawakan ang mga pana!"Agad na pumwesto ang mga bata habang hawak ang mga pana. Isang linggo na ang lumipas simula nang aralin nila ang pag-asinta, ngunit ang payat at maiiksing mga braso nila ay tila hindi kaya ang umasinta. Hindi pa man nagsisimula ay ramdam na ang kaba sa sistema nila.
Lahat sila ay nakatingin sa isang manipis na kahoy, nakatayo ito sa malayong gitna ng kanilang kampo. Sa itaas ng manipis na kahoy na iyon ay isang kakaibang prutas, nagkaroon ng ideya ang iba sa kung ano ang gagawin, samantalang ang pinakabata sa kanilang lahat na si Miracle ay ayon at nasa pana ang paningin, mukhang balak pa yata itong kainin.
"Ang lahat ng hindi magagawang asintahin ang prutas na iyan ay hahatulan ng parusa!" turo ng bantay sa prutas sa itaas ng manipis na kahoy, "Kung hindi nyo magawang asintahin ang prutas ay kayo ang aasintahin ng isa sa mga bantay!" itinuro nito ang bantay na may hawak ring pana at palaso.
Lahat ay nakaramdam ng takot.
"Pumila kayo nang naaayon sa inyong edad, ang pinakabata ang mahuhuli!" sigaw ng bantay, "Mauna ka!" turo ng bantay sa isang dalaga.
Agad naman itong nagpunta sa pwesto kung saan nakaguhit sa lupa ang harina, ito ang magsisilbing palatandaan kung saan pupwesto ang aasinta.
Ikinundisyon na ng dalaga ang hawak na pana, ramdam ng lahat ang nararamdaman nitong kaba. Nanginginig na binitawan ng babae ang palaso ngunit bumagsak lamang ito sa lupa. Aligaga iyong pinulot ng dalaga tsaka muling ikinundisyon.
"Sampong taon ka nang narito ngunit iyan ka't nanginginig parin." nakangising sambit ng bantay.
"Paumanhin." iyon ang nasabi ng dalaga tsaka muling binitawan ang palaso.
Sa pagakakataong iyon ay nagawa nyang paliparin ang palaso ngunit hindi ito tumama sa target. Tatlong beses lamang pwedeng sumubok ang lahat kaya nawawalan ng pag-asa nalang na pinalipad ng dalaga ang pana, ganoon parin ang nangyari, hindi tinamaan ang prutas.
"Inutil!" singhal ng bantay.
Kasabay ng pagsinghal ng bantay ay ang pagtama ng palaso sa hita ng dalaga. Agad itong napasigaw sa sakit, nang bumagsak sa lupa ay marahas syang inalalayan ng mga bantay.
"Iyan lang at lumuha ka na?" tanong ng bantay dito.
Ayon na naman ang takot sa mga bata, panibagong buhay na naman ang makikitil. Nilapitan ng isang bantay ang dalaga, hindi pa man ganoon kalapit ay sinaksak na ito sa dibdib, tumagos ang espada hanggang sa likuran nito. Wala nang nagawa ang lahat kundi ang ipagdasal na magawa nila ang misyon.
Ilang segundo pa ay umabante na ang isang binata, hawak na nito ang pana. Paulit-ulit ang pagpapalipad nito hanggang sa wala parin itong tinamaan ni-isa, bahagya itong napapailing sa tuwing papalya. Sa ikatlong palaso ay ganoon parin ang nangyari, hindi natamaan ng binata ang prutas.
"Isa ka pa!" sigaw ng bantay, kasabay rin non ay ang pagtama ng pana sa balikat ng binata.
Ilang minuto pa ang lumipas ay si Samuel na ang pumwesto. Naroon na ang kaba kina Isiah at Elizabeth, si Miracle naman ay nakangiti pa kay Samuel, ang nasa isip parin ay naglalaro lamang ang lahat.
Sa unang pagpapalipad ni Samuel sa palaso ay wala itong natamaan. Ayon palang at parang maluluha na si Elizabeth at Isiah, si Miracle ay hindi kakikitaan ng kaba. Sa ikalawang pagkakataon ay halos matamaan ni Samuel ang prutas, ngunit hindi parin nya nagawa. Sa ikatlong pagkakataon ay huminga ng malalim si Samuel, inayos ang pagkaka-tutok ng palaso sa puntirya hanggang sa bitawan nya ito.
BINABASA MO ANG
DON'T CRY MIRACLE (Miracle series #1)
Historical FictionThe story of a girl who didn't cry for almost 15 years.