KABANATA 23

376 33 4
                                    

( Kabanata 23 )





"Kamusta ang pakiramdam mo?" nagaalalang tanong ni Elizabeth kay Miracle.

Dala nya ang tubig na syang ipanglilinis sa sugat ni Miracle. Si Samuel naman ay dala ang isang halamang gamot na syang ilalapat sa daplis ni Miracle upang masipsip nito ang lason ng pana na tumama sa kanya.

Si Isaiah ay nagpupunit ng damit upang ipantali sa sugat ni Miracle. Saka sya lumapit dito matapos malinis ang nga sugat nito at ilapat ang halamang gamot. Nakaramdam ng kaba ang tatlo nang makita ang panghihina sa katawan ni Miracle, hindi nito magawang tumingin ng diretso, tila nalasing si Miracle ngunit matino ang kanyag pag-iisip.

Naupo si Isaiah sa tabi ni Miracle saka nya ito isinandal sa kanyang balikat, inalalayan nya ito sa bewang. Pumikit si Miracle nang makaradam sya ng antok. Saka sya hinawakan sa pisngi ni Isaiah ngunit gulat lang syang napatingin kina Elizabeth at Samuel nang makapa nya ang halos mag-apoy sa init na katawan ni Miracle.

"Mataas ang lagnat nya, Kuya." kabadong sabi ni Isaiah saka mas idinikit ang sarili kay Miracle.

Sila Samuel naman ay tinatapik na sa pisngi si Miracle ngunit hindi ito nagising. Humihinga pa ito kaya hindi sila nawalan ng pag-asa. Hindi lason ang papatay kay Miracle, hindi sya basta-basta mamamatay.

"Tulong!" sigaw ni Elizabeth.

Sa 'di kalayuan ay nakita nila ang agarang pagtayo ng mga bantay saka lumapit kay Miracle.

"Ano ang nangyayari?" tanong ng isa sa mga bantay.

"Mainit sya, mataas ang kanyang lagnat, anong gagawin namin? mayroon ba kayong alam na lunas?" naga-alalang sagot ni Isaiah sa bantay.

"Wala, ngunit mayroong tubig na mula sa pinakuloang bulaklak." sambit ng isang bantay saka inutosan ang isa na kunin iyon.

Nang maiabot ang tubig ay agad nila itong ipinainom kay Miracle. Sapilitan pa ang pagpapainom rito lalo pa't hindi nito magawang gumising. Hindi na nila maipaliwanag ang kaba. Ang ibang bata ay nakatanaw kay Miracle sa hindi kalayuan, ipinagdarasal kay Zachario na pagalingin si Miracle. Lahat ay binalot ng takot, takot na baka hindi na magawang gumising ng kanilang tagapag ligtas.

Lumipas ang ilan pang oras at ganoon parin ang init ng katawan nila Miracle. Ang mga bantay ay nakaupo sa ilalim ng puno na malapit sa pwesto nila Isaiah upang magbatay. Ang ibang banta naman ay naghanap ng iba pag halamang gamot na maaaring ipainom kay Miracle. Ipinagtaka nila Elizabeth ang bukal sa loob na pagtulong ng mga bantay, ngunit ginagawa lang daw iyon ng mga bantay upang magpasalamat sa ginawang pagliligtas ng apat sa buong kampo, lalo na kay Miracle.

"Ano ang nangyayari?" gabi na nang dumating si Muron.

"Mataas ang lagnat ni Miracle, Pinuno." yumuko sa kanya ang isa sa mga bantay.

"Nasaan sya?" agad na tanong nya.

Nang marating ang kinaroroonan ng walang malay na si Miracle ay agad nya itong kinapa sa noo. Nang maramdaman na mainit ito ay nakaramdam sya ng kaba.

"Kanina pa sya walang malay." biglang nagsalita si Samuel.

"Naagapan ba kaagad?" tanong ni Muron, tumango sina Elizabeth.

Si Isaiah naman ay seryoso lang na nakatingin sa walang malay nyang iniibig. Hindi na maipaliwanag ang kanyang kaba, kung maaari lamang ay hindi sya matutulog upang mabantayan ito magdamag. Nakaramdam rin sya ng takot, kung magigising pa ba ito. Huminga ng malalim si Isaiah bago naglipat ng tingin kay Muron, tinatanong nito kung ano ang nangyari kay Miracle.

"Hindi lahat ng nakapasok na kalaban ay napatay namin bago ka umalis." kalaunan ay sagot ni Isaiah, "Pinana ng natitirang kalaban si Miracle, nasalo ni Miracle ang pana, ngunit nadaplisan sya sa kanyang kamay." dagdag ni Isaiah.

"Nakilala ba ni Miracle kung sino ang mga iyon?" tanong ni Muron.

Nagugulat man ay pinilit nila Isaiah, Samuel at Elizabeth na hindi magulat. Bakit parang kay Miracle sya umaasa, imbis na sila dapat ang kumilala kung sino ang mga kalaban. Batid ni Samuel na kilala na ni Muron ang mga kalaban dahil Lepana lang naman ang maaaring magkaroon ng intensyon na ubosin ang kabataan ng Sulbidamya upang sa ganon ay wala nang maisabak sa nalalapit na digmaan. Ngunit nakakapagtakang tila masisigurado lamang ni Muron ang sariling hinala sa oras na kay Miracle magmula ang konklusyon sa lahat.

"Paanong napunta rito si Hyera?" bigla ay tanong ni Isaiah.

"Nagmula sya sa isang kampo ng Sulbidamya, lumipat sya rito sapagkat naubos ang lahat ng kabataan sa kampo na pinagmulan nya." tugon ni Muron dahilan upang mag-angat sa kanya ng tingin si Samuel.

"At hindi nyo man lang inalam kung totoo nga iyon?" tanong ni Samuel kay Muron.

"Ang importante sa amin ay madagdagan ang kabataan ng Sulbidamya, hindi na mahalaga kung saan nagmula." ani Muron saka nilingon si Samuel, "Ayon sa pahayag ni Hyera kung paano naubos ang kabataan sa kanila at kung paano sya napunta rito ay wala naman akong pinaghihinalaan." dagdag ni Muron.

"Hintayin na lamang nating gumising si Miracle, sya ang magbubukas ng iyong isipan." ani Elizabeth saka tumayo at nagpunta sa sariling pwesto.

"May isang anak ka hindi ba? Siguro naman ay nagkalagnat na sya, at sigurado akong may alam kang gamot." bigla ay nagsalita si Isaiah.

"Ang aking asawa ang syang naghahanap ng gamot sa tuwing nagkakalagnat si Mercusa." ngumiti si Muron, "Ngunit ang totoo ay dalawa ang aking anak."

"Mayroon kang bunsong anak?" tanong ni Samuel, alam ni Samuel ang kwento ng batang si Mercusa, kaya alam nya rin ang patungkol sa pamilya ni Muron.

"Oo, ngunit hindi ko alam kung nasaan sya." tugon ni Muron, "Itinakas sya ng aking asawa noon sapagkat nais itong paslangin ng dating pinuno ng Sulbidamya, nakikita nya daw kase sa batang iyon ang pag-asa, nakikita nya na ang batang iyon ang babago sa batas, ngunit hindi nya nagawa." kwento ni Muron, "Kinabukasan ay nabilataan na lamang namin na nilapa sya ng isang leon nang tinangka nyang hanapin si Miracle upang paslangin, ang leon na iyon ay ang leon na napaamo ni Miracle." nakangiting kwento ni Muron.

"Nahanap mo ba ang iyong bunsong anak?" tanong ni Isaiah.

"Hindi ko na sya muling nakita pa, ang aking asawang si Meirolia ay natagpuang patay sa kanlurang bahagi ng kagabutan ng sulbidamya kung saan rin nilapa ng leon ang naunang pinuno ng sulbidamya, naabutan ng pinuno si Meirolia, kaya sya napaslang nito." mapait ang pagngiti ni Muron, "Base rin sa ibang mandirigma ay nilapa narin ng leon na iyon ang aking anak." uminga ng malalim si Muron.

"Ikinalulungkot ko ang nangyari sa iyong pamilya, Pinuno." ani Isaiah.

Bahagyang ngumiti si Muron saka umayos ng tayo.

"Magsitulog na kayo, hiling ko na sana ay gumising na sya bukas." pagtukoy ni Muron kay Miracle saka sila tinalikuran.

Ngunit bago pa man makalayo ay muling nilingon ni Muron si Miracle na wala paring malay. Hindi nya malaman kung bakit ganito na lamang kagaan ang pakiramdam nya sa batang iyon. Tuloy ay naalala nya si Mildred, ang babaeng kinikilalang ina ni Miracle na syang pinaslang nya. Si Mildred ay ang kapatid ni Meirolia, at ang alam ni Muron ay iisalamang ang anak ni Mildred. Kung gano'n ay kaninong anak si Miracle?

________________

follow, comment and vote.

DON'T CRY MIRACLE (Miracle series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon