KABANATA 24

365 35 3
                                    

( Kabanata 24 )




"Nasisiyahan ka ba sa ganda ng paligid?" tanong ng babae kay Miracle.

Ngumiti si Miracle saka tumango. Sayda ngang napakaganda ng paligid, sa panaginip lamang sya nakakakita ng ganito. Nakasunod sya sa babae na syang nagpainom sa kaya nang tubig noong sya ay bagong salta pa lamang sa kampo. Hindi kagaya noong nakita nya ito ay maganda na ang puting damit at mahabang palda na suot ng babae. Nakangiti ito sa kanya habang inaalalayan syang maupo sa malawak na damohan habang tinatanaw ang napaka-gandang ibon na nagliliparan sa himpapawid.

"Nasaan tayo?" tanong ni Miracle habang nakatingin sa paligid.

"Narito ka sa lugar na nabubuhay lamang sa isip ng tao, isinama kita dito upang gamotin ang sugat mo." ngumiti ito, "Naaalala mo pa ba ang pangalan ko?"

"Ikaw si... Meirolia." sagot ni Miracle.

"Masaya akong naaalala mo." ngumiti si Meirolia, "Inomin mo ito, sa pamamagitan nito ay mawawala ang iyong lagnat at ang lason sa katawan mo." inilalayan ni Mierolia si Miracle upang mainom ito.

Bahagya pang ininda ni Miracle ang mapaklang lasa ng katas na iyon. Nang matapos inomin ay inilapag nya ang bao sa kanyang gilid saka muling nilingon si Meirolia.

"Ganito rin ang ginagawa ko sa aking ana na si Mercusa sa tuwing sya ay nagkakalagnat." nakangiting ani Meirolia.

Napaisip si Miracle, pamilyar sa kanya ang pangalan na iyon. Narinig na nya ang pangalan na iyon dati ngunit hindi nya maalala kung saan. Ngumiti na lamang sya sa babae saka ito tumingin sa paligid.

"Ngunit kailanman ay hindi ko ito nagawa sa akong bunsong anak." nakaramdam ng lungkot si Meirolia, "Sanggol pa lamang kase ang aking bunso ay itinakas ko na ito nang pinagtangkaan itong patayin ng dating pinuno ng Sulbidamya." kwento ni Meirolia.

"Nakaligtas ba sya?" tanong ni Miracle.

"Wala na akong ibang matakbuhan kaya sa gubat ng Sulbidamya ako pumasok, masukal doon at nakaparaming mabangis na hayop, ngunit hindi inaasahan na makakasalubong namin ng aking sanggol ang isang mabangis na leon." tugon ni Meirolia, "Ang akala ko ay papatayin kami nito, ngunit nang kantahan ko sya ay bigla syang umamo." ngumiti si Meirolia sa kawalan.

(Ang pagsariwa sa alaala...)

"Tulongan mo ako... pakiusap." umiiyak na sambit ni Meirolia sa Leon.

Hindi nya na alam ang gagawin, hindi na nya malaman kung paano tatakasan ang mga kawal at ang pinuno na ngayon ay pinaghahanap na sila. Imposible man ay nais nyang subokan na ipaubaya ang anak sa Leon. Nagsusumamo ang pag-iyak nya rito, ikinagulat nya pa ang malumanay na pag atungal ng leon sa kanyang harapan, nakatingin ito ngayon sa sanggol na dala ni Meirolia, mahimbing itong natutulog.

"Pakiusap..." natatakot man ay lumapit si Meirolia upang hawakan ito sa pisngi.

Ngunit agad na natumba si Meirolia nang panain sya sa kanyang likuran, doon nya narinig ang sigawan ng mga kawal na papalapit. Inilapag ni Meirolia ang anak sa lupa saka sya humiga sa tabi nito, ramdam na ni Meirolia ang kakapusan ng hininga, malalim ang pagbaon ng pana sa kanyang likuran.

Nagangat ng tingin si Meirolia sa Leon nang umalulong ito, saka nya nakita ang pinuno sa hindi kalayuan. Umalulong ang leon saka sinugod ang pinuno, sunod sunod ang pagbaon ng mga pana sa katawan ng leon. Ang sumunod na nangyari ay ang pagkaubos ng mga bantay, kamay na lamang ng pinuno ang nakita ni Meirolia, napupuno narin ng dugo ang bibig ng leon. Saka lumapit ang leon sa kanya at tiningnan ang bata.

Ang mga mata ng leon ay nagsasabing ligtas na ang mag-ina. Tumulo ang luha sa mga mata ni Meirolia habang nasa leon ang paningin. Hindi nya inaasahan na tutulongan sya ng isang leon. Isang hayop na mas busilak pa ang puso kesa tao. Isag leon na inaasahan nyang hindi kumikilala ng kahit na sino, ngunit nagawa syang iligtas kahit pa buhay na mismo nito ang mapahamak.

"D-Dalhin mo sya sa aking kapatid..." nahihirapan man ay pinilit ni Meirolia na magsalita, "Ang a-aking kapatid na si M-Mildred." iyon ang mga huling salita ni Meirolia bago bawian ng buhay.

katapusan...

Naalala ni Miracle si Tileon. Napangiti si Miracle sapagkat pareho ang paraan nila ng pagpapaamo ng isang leon. Nakangiti ring nilingon ni Meirolia si Miracle, hinawakan nya ito sa kamay saka inayos ang mga hibla ng buhok na nakaharang sa mukha nito.

"Hindi lamang iyon ang unang beses na iniligtas ako ng leon na iyon, sapagkat nauna na nyang nilapa ang pinuno na tinangka akong patayin noong sanggol pa lamang ako, sapagkat ako daw ang magsisilang ng isag tagapagligtas balang araw." ngumiti si Meirolia kay Miracle.

"Iisang leon lamang ang gumawa no'n?"

"Ang leon na nagligtas sa akin at ang leon na nagligtas sa aking anak ay iisa lang." ngumiti si Meirolia, "Mukhang ramdam rin ng leon na ang anak kong iyon ang tatapos sa lahat."

"Nasaan ang iyong anak?" tanong ni Miracle rito.

"Ligtas sya..." ngumiti ng pagkatamis si Meirolia kay Miracle, "At mukhang totoo nga ang sinabi ng dating pinuno, mukhang ang aking anak nga ang magliligtas sa buong Sulbidamya." ngumiti si Meirolia.

"Sino sya?" tanong ni Miracle.

"Alam mo bang ako ang bumubulong sayo sa tuwing nagbabadyang pumatak ang iyong mga luha?" imbi na sagotin ang tanong ni Miracle ay nagtanong si Meirolia.

"Oo, alam ko." nakatulala lamang si Miracle kay Meirolia.

Naalala ni Miracle nang minsan syang tawaging anak nang sino mang bumubulong na iyon. Nakaramdam ng kakaibang kutob si Miracle ngunit pinilit nyang iwaglit. Hinaplos ni Meirolia ang pisngi ni Miracle saka sya ngumiti rito.

"Magaling ka na, maaari ka nang gumising." nakangiting sabi ni Meirolia.

"Panaginip lamang ito?" nagtatakang tanong ni Miracle, ngumiti lamang si Meirolia sa kanya at hindi sumagot.

"Hinihintay ka na nila." itinayo ni Meirolia si Miracle, "Kailangan ka nila." muling sabi nito.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Kailangan mo nang gumising at gampanan ang tungkolin mo."

"Tungkolin?"

"Kailangan ka ng inyong kampo, kailangan ka ng Sulbidamya." ngumiti si Meirolia saka hinalikan sanoo si Miracle, "Tandaan mo ang mga sasabihin ko..." aniya, "Huwag kang iiyak, Miracle..."

Nanindig ang mga balahibo ni Miracle nang muling marinig ang boses na parating bumubulong sa kanya sa harap ng nagmamay-ari ng boses na iyon. May kung ano sa pakiramdam ni Miracle ang nagsasabing may nakatagong ibig sabihin sa tingin at mga salita ni Meirolia, hinaplos non ang puso nya.

"Huwag kang iiyak, anak..."

__________________

follow, comment and vote.

DON'T CRY MIRACLE (Miracle series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon