KABANATA 21

362 30 0
                                    

( Kabanata 21 )


"Miracle..."

Hindi pa man nakakarating ay agad nang humarang ang isang babae kay Miracle. Nangangamba ito sa hindi malamang dahilan. Nakahawak ito sa braso ni Miracle, si Miracle naman ay seryoso lang na nakatingin sa babae, hinihintay ang mga susunod na sasabihin nito.

"T-Tulongan mo ang kapatid ko... papatayin sya." pinilit nitong hindi maluha habang nagsusumbong.

"Nasaan ang kapatid mo?"

"Nasa kampo, bilisan natin bago pa sya hatulan ni Muron."

Hindi na nagaksaya ng oras si Miracle. Malaya syang nagpahila sa babae. Hanggang sa marating nila ang kampo, doon nya nakita ang batang babae na nakaluhod sa harapan ni Muron, hindi ito umiiyak ngunit pinangingiliran ng luha. Sakto rin ang dating nila Elizabeth, Samuel at Isaiah na nagpunta sa likuran ni Miracle.

Hindi maalis ang tingin ni Miracle sa bata, nakaluhod parin ito habang marahang naglilipat ng tingin sa kanya. Saka ito tumakbo at yumakap kay Miracle. Naroon na naman ang pagpipigil ng emosyon ni Miracle habang nakayakap sa kanya ang bata. Iniluhod ni Miracle ang kanang tuhod nito upang magpantay sila ng bata, mukhang nasa limang taon pa ang edad nito.

"Hustisya ate..." iyon agad ang sinabi ng bata.

Hindi malaman ni Miracle kung paano ito titingnan sa ganoong pangyayari, labis ang pag-iyak ng bata, hindi nya ito magawang ipagtanggol. Huminga sya ng malalim saka na naman pumasok sa isip nya kung bakit ganito ang nangyayari, bakit dumadalas na mayroong nasisisi sa mga batang nasa loob ng kampo.

"Ano ang kasalanan nito?" matalim na tuningin si Miracle kay Muron.

"Pagnanakaw parin." tugon ni Muron, "Masyado nang nagiging malikot ang mga kamay ng mga bata rito."

"Paano mo mapapatunayan na sya nga ang nagnakaw ng kung ano mang bagay na tinutukoy ninyo?" madiing tanong ni Miracle.

"Nakita namin ito na natatabunan ng kanyang mga damit." ang bantay ang sumagot.

Naglipat ng tingin si Miracle sa batang patuloy na umiiyak. Nakakaawa ang pag-iyak nito, nagpapahiwatig na talagang wala itong kasalanan sa ibinibintang sa kanya.

"Si Ate Hyera..." umiiyak na bulong ng bata.

Agad na nabuhay ang interes ni Miracle. Nagpalipat-lipat ang kanyang tingin sa mga mata ng bata.

"Anong gusto mong sabihin tungkol kay Hyera?"

"Ang sabi ng kalaro ko, nakita nya si ate Hyera naㅡ" hindi natapos ng bata ang sinasabi.

Nayakap ni Miracle ang bata ng dilat itong bumagsak patungo sa kanya. May pana nang nakabon sa likuran nito. Agad na tumakbo ang babae na syang kapatid ng bata, umiiyak narin ito.

"Pinatatagal ninyo ang buhay ng nagkasala, hindi iyon tama." si Hyera ang nagsalita, sya ang pumana sa bata.

Sa galit ay agad na kinuha ni Miracle ang sariling pana saka nagpalipad patungo sa direksyon ni Hyera. Ngunit hindi gaya ng inaasahan ay hindi ito tumama kay Hyera, ngunit katiting lamang ang agwat ng pana sa gilid ng leeg ni Hyera. Kung gumalaw si Hyera ay siguradong natamaan sya ng pana. Hindi nagkamali ng pag-asinta si Miracle, sadyang hindi nya intensyon ang patamaan si Hyera, labis man ang galit ay hindi nya nais pumatay. Bagkos ay ipinakita ni Miracle ang galit na nararamdaman nya.

DON'T CRY MIRACLE (Miracle series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon