( Kabanata 8 )
"Basain ang sarili sa ilog!"
Agad na napatakbo ang lahat sa sigaw na iyon ng isa sa mga bantay. Nilublob nila ang sarili sa ilog.
Sina Samuel, Elizabeth, Isiah at Miracle naman ay maingat na naliligo, lalo na't ang dalawa sa kanila ay may iniindang sakit sa katawan. Naalalayan ni Isiah si Samuel sa paglublob sa tubig upang hindi mabasa ang balikat nito, si Miracle naman ay pabalik-balik sa ilog habang dala ang bao ng niyog na naglalaman ng tubig ilog na syang maingat na ibinubuhos nya kay Elizabeth. Natutuwang pinapanood ng tatlo kung paano magakandarapa si Miracle sa kahahatid ng tubig kay Elizabeth upang ipanligo nito. Tinatapik pa ng marahan ni Miracle ang sugat ni Elizabeth na para bang iniingatan ito.
"Napakabuti mong paslit, Miracle." nasabi ni Elizabeth habang nakangiti sa nakababatang kaibigan.
"Masakit?" tanong ni Miracle.
"Oo, lalo na kapag nababasa." sagot ni Elizabeth na nasa sugat na ang tingin.
"Putolin mo muna ang paa mo, ate. Pagkatapos mong maligo ay saka mo nalang ibalik." nakangiting suhestyon ni Miracle na talagang sigurado sa sinasabi.
"Hahahaha." natawa ang tatlo.
"Ikaw ba Miracle, nagkasugat ka na?" kalaunan ay naitanong ni Isiah.
"Oo, madami, dito saka dito saka dito pa at dito rin." maya't-mayang turo ni Miracle sa iba't-ibang parte ng katawan nya.
"Talaga?" namamanghang tanong ni Isiah, "Ang dami naman." aniya bago umahon kasama si Samuel at lumapit sa dalawang kaibigan.
"Ang galing mo talaga kanina, Miracle." papuri ni Samuel sa nakababata, "Ipagpatuloy mo iyon." aniya pa.
"Oo nga, buti nalang at tinamaan mo." sabi rin ni Elizabeth.
"Gutom ako eh." sagot ni Miracle.
"Haha! dapat pala ay palagi kang gutom para palagi ka ring asintado." taas noong biro ni Samuel.
"Ang sabi ng Ama ko, lahat ay kayang gawin ng gutom, basta't makakain lang." kwento ni Isiah.
"May Ama ka?" tanong ni Miracle rito, "Ako Ina lang, walang Ama." aniya tsaka naupo.
"Wala kang Ama?" tanong ni Samuel, "Bakit?"
"Kase... hindi ko alam." napanguso nalang si Miracle, "Si Ina lang ang magulang ko." aniya.
"Patay na ba ang Ama mo?" naitanong ni Isiah, umiling si Miracle, "Eh nasaan?"
"Nasa malayong malayong malayo." sagot ni Miracle.
"Hayaan mo, nandito naman kami, pwede mo kaming masandalan." inakbayan ni Isiah si Miracle.
"Talaga?"
"Oo naman! magkakasangga tayo hanggang dulo." umakbay rin si Elizabeth.
"At bilang nakatatanda sa ating apat... ako ang gagabay sa inyo." akbay rin ni Samuel.
"Magsi-ahon na kayo!"
Na-alerto ang lahat sa sigaw ng isa sa mga bantay. Agad na tumayo sila Samuel at Elizabeth, inalalayan naman sila nila Miracle at Isiah. Agad silang pumwesto nang makabalik sa kampo. Si Miracle ay maya't-maya pa ang pag-aalis ng buhok na nakaharang sa kanyang mukha.
"Pinadalhan kayo ng ating Upper Echelon ng mga kasuotan na inyong magagamit sa araw-araw." anunsyo ni Muron, "Padadalhan nila tayo sa tuwing sasapit ang panibagong taon." dagdag n'ya.
Lahat ay tuwid na nakatayo habang nakatingin sa pinuno. Inilibot naman ni Muron ang paningin sa lahat. Napalingon sya sa ibang mga bantay nang mapansing kulang ng isa ang mga bata.
"Natagpuang lumulutang sa ilog at wala ng buhay ang isa sa kanila, Pinuno." balita ng isa sa mga bantay, napatango si Muron.
"Mayroong limang kampo na binuo ang Sulbidamya, lahat ay nagtataglay ng isang daang bilang ng mga paslit kada kampo. Mas marami pa ang namatay kesa sa buhay, sino nalang ang isasabak sa digmaan kung lahat kayo ay mauubos!?" sermon ni Muron sa lahat, "Ayaw ko ng mahina at tamad! ang hinahanap ko ay iyong malakas ang loob at kayang suongin ang piligro bagaman walang kasiguradohan kung makakaligtas o hindi." saad nya.
Lahat ay napatango, ang iba naman ay kabado at nanatiling nakatingin sa Pinuno.
Nailipat naman ni Muron ang tingin sa batang si Miracle. Seryoso lamang itong nakatayo habang ang dalawang kamay ay nasa likod, napakagaan ng loob nya sa batang ito. Muli na lamang tumingin si Muron sa mga bantay at ini-utos na kuhanin ang mga espada, agad naman iyong binigay isa-isa ng mga bantay sa mga bata.
"Mabigat." daing ni Miracle habang hawak ang espada.
"Masasanay ka rin sa bigat nyan." bulong ni Isiah.
Hindi na lamang sumagot si Miracle, tinitigan nya lang ang matalim na espada. Iniisip nya tuloy kung gaano ito katalas, nais nyang isaksak ito sa katawan ng isa sa mga bantay upang malaman ang kakayahan ng hawak na sandata.
"Humanap kayo ng makakalaban!" sigaw ni Muron.
Agad namang nagharap si Elizabeth at Samuel, ganoon rin si Isiah at Miracle. Agad nilang pinagbangga ang kanya-kanyang espada, natuwa pa si Miracle nang kumalansing ito. Nang magsimula ay mayat-maya na ang paghampas ni Miracle at Isiah sa dalang espada, paulit-ulit lang ang ginagawa nila, pinagkukrus ang mga espada pagkatapos ay ipagku-krus ulit.
"Ayusin mo ang pag-hawak, Miracle." ani Isiah, "Matatalo kita nyan, sige ka." banta nya.
"Hindi ko hahayaan 'yon." banta rin ni Miracle habang natatawa.
"Tatalonin kita." banta ni Isiah.
"Ako rin, tatalonin kita." sambit ni Miracle tsaka tumalon.
"Talo ang ibig kong sabihin Miracle, hindi talon." natawa si Isiah, "Iaangat ko ang espada, hampasin mo sa ere." utos ni Isiah tsaka iniangat ang hawak na espada, sinunod naman iyon ni Miracle.
"Ibababa ko, hampasin mo rin sa ibaba." sambit naman ni Miracle tsaka iyon ibinaba, natatawa namang sumunod si Isiah.
"Ayosin ninyo ang paglalaban." bulong ni Samuel nang bahagya silang makalapit sa dalawa tsaka muling nagtuloy sa paglalaban.
Palihim na sinusulyapan nila Samuel at Elizabeth ang dalawang nakababatang kaibigan, nahahawa sila sa ngiti ng dalawa. Patuloy parin sa paglalaban si Miracle at Isiah kahit pa napuno ng tawanan ang kada paghampas nila.
Naroon pa't pinaikotan ni Isiah si Miracle habang itinututok rito ang espada. Natatawa namang sinundan ni Miracle ng tingin si Isiah. Maya-maya pa ay pareho na silang paikot-ikot, wala nang paglalaban na nagaganap sa pagitqn nilang dalawa. Hindi narin matigil sa pag-sita sina Samuel at Elizabeth sa dalawa dahil baka makita ito ng mga bantay, hindi na pagsasanay ang ginagawa ni Isiah at Miracle, naglalaro na ang mga ito.
_________________
follow, vote and comment.
BINABASA MO ANG
DON'T CRY MIRACLE (Miracle series #1)
Ficción históricaThe story of a girl who didn't cry for almost 15 years.
