KABANATA 10

405 31 2
                                    

( Kabanata 10 )


"Myrlia..." muling bulong ni Miracle tsaka nagsimulang humakbang ngunit pinigilan sya ni Isiah.

Nilingon nya ito, maging si Elizabeth at Samuel na nagugulat narin ang tingin sa kanya.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Isiah.

"Hindi maaaring narito ang kapatid ko, hindi ako papayag na maranasan nya ang hirap na naranasan ko dito."

"At anong gagawin mo? patatakasin mo? wala tayong magagawa Miracle."

"Hangga't maaari ay patatakasin ko!" madiin na bulong ni Miracle, "May kapatid ka ba?" mariin ulit na tanong nya.

"Wala."

"Kaya hindi mo alam ang nararamdaman ko."

Agad na tumakbo si Miracle papunta sa hawla kung saan nakakulong ang kapatid, umiiyak ito at talagang natatakot, marungis narin at magulo ang buhok. Bago pa man makarating doon ay batid nya nang haharangin sya ng isa sa mga bantay.

"Bumalik ka sa iyong pwesto." pigil sa kanya ng isa sa mga bantay.

"Kakausapin ko lang ang kapatid ko." sambit ni Miracle.

"Hindi maaari." anang bantay.

"Maaari o hindi maaari, ang importante ay hindi kita tinatanong." madiin na sambit ni Miracle tsaka muling naglakad.

"Nais mo bang masaktan!?" nagtataas ng boses na tanong ng bantay.

"Kung ikaw ang tatanongin ko, sinong tao sa mundo ang nais masaktan?" matapang na tanong ni Miracle, "Tinatanong mo ang bagay na ikaw mismo sa sarili mo ay alam ang sagot." madiing dagdag nya.

"Ano ang nangyayari rito?"

Dumating si Muron kasama ang dalawa pang bantay sa kanyang likuran. Nakatingin sya kay Miracle na hindi kakikitaan ng takot bagaman kanina pa sinasagot ang armadong mga bantay. Mas lalo syang humanga sa kakayahan nito, ngunti nais nya pa itong subokin, gaano nga ba kalalim ang luha ni Miracle.

Sila Elizabeth, Samuel at Isiah naman ay kabado habang nasa kaibigan ang tingin. Marahan silang lumalapit sa kinaroroonan nito ngunit hindi sapat ang lapit nila upang mapigilan si Miracle sa tinatangka nitong gawin. Si Isiah ay hindi na malaman ang dapat maramdaman, kung mamamangha sa tapang ng iniirog o matatakot sa nais nitong gawin.

"Bakit narito ang bunso kong kapatid!?" galit na tanong ni Miracle, "Panganay na anak lang ang dapat na narito! bakit nyo sya isinama dito!?"

"Nasisiguro mo bang kapatid mong tunay iyan?" seryosong tanong ni Muron.

"Hindi ako magpupumiglas dito kung hindi ko kapatid 'yan!" mas sumama ang tingin ni Miracle, "Paalisin nyo sya dito, parang awa nyo na." nanlulumo nyang paki-usap.

"Ang batang sinasabi mong kapatid mo ay nabalitaan kong anak sa ibang lalaki ng iyong Ina. Magkaiba kayo ng Ama, pareho lamang kayong panganay." tugon ni Muron.

Nanlulumong nailipat ni Miracle ang tingin sa nakababatang kapatid. Nakikita nya ang pagod ag takot sa mga mata nito. Gusto mang maluha ni Miracle ay pinigilan nya, muli nyang nilingon si Muron, saka sya muling naglakad papunta sa kapatid.

DON'T CRY MIRACLE (Miracle series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon