KABANATA 25

367 27 2
                                    

( Kabanata 25 )




"Kailan ba nya planong bumangon?" tanong ni Isaiah habang nakatingin sa wala paring malay na si Miracle.

Tatlong araw na itong natutulog. Hindi parin maialis ng tatlo ang kaba para sa kaibigan. Lalo na si Isaiah na hindi matigil sa pag-aasikaso dito. Si Isaiah ang syang nagpupunas sa katawan ni Miracle. Imbis na ipahinga nya ang oras sa tuwing magkakaroon ng pahinga mula sa pagsasanay ay pinipili nyang asikasuhin si Miracle.

Tanghaling tapat ay nagpapahinga si Isaiah sa ilalim ng puno matapos ang pagsasanay, tanaw nya ang maliit na silid na gawa sa pinagtagpi-tagping kahoy at tela, doon nahihimbing si Miracle. Marami ang pumapasok sa loob upang ipagdasal si Miracle, mayroon ring pumapasok upang maglagay ng bulaklak sa loob.

Habang si Isaiah ay hindi na maipaliwanag ang kagustohang marinig muli ang boses ni Miracle. Ganito pa lamang ang kinahinatnan ni Miracle ay hindi nya na kaya, paano pa kaya. Nilingon ni Isaiah si Hyera nang maupo ito sa tabi nya. Saka sya muling nagbalik ng tingin sa silid ni Mircle.

"Kamusta?" tanong ni Hyera.

"Wala ka ba talagang kinalaman sa mga nangyayari nitong mga nakaraang araw? humigit sampong bata na ang muling napatay dahil sa kasalanang hindi nila ginawa." diretsahang tanong ni Isaiah rito.

"Nahawa ka na sa pagiging mapaghinala ng iyong kaibigan na si Miracle." seryosong sambit ni Hyera habang sa silid rin ni Miracle nakatingin, "Wala kayong tiwala sa akin."

"Hindi ka namin kilala, humigit limang taon ka palang naming nakakasama, kaya kung hihilingin mo na pagkatiwalaan ka namin agad ay hindi iyon kasing dali ng iniisip mo." huminga ng malalim si Isaiah matapos magsalita.

"Hindi pa ba sya gumigising?"

"Hindi pa."

"Gigising pa kaya sya?"

Inis na nilingon ni Isaiah si Hyera. Hindi nya alam kung ano ang ibig sabihin ni Hyera sa tanong. Nais nyang sabihin na tila sinasabi ni Hyera na hindi na gigising pa si Miracle, ngunit ayaw nyang maging mapanghusga kaya pinilit na lamang nyang kumalma.

"Syempre naman." kinalma ni Isaiah ang sarili.

"Ano ang nagustohan mo kay Miracle?"

"S-Sinong nagsabi sayong gusto ko sya?"

"Halata naman, nakita ko kayong magkayakap na natulog noong isang gabi."

Natigilan si Isaiah, hindi dahil sa alam nito na may pagtingin sya kay Miracle kundi dahil nakita nito na magkayakap silang dalawa. Hindi rin dahil baka mag-isip ito ng masama patungkol sa pagyakap ni Isaiah kay Miracle kundi dahil malayo ang tinutulogan ni Hyera sa kanilang tinutulogan. Hindi rin maaaring maglakad-lakad sa oras ng pagtulog. Nakaramdam ng pagdududa si Isaiah ngunit hindi na nagpahalata.

"Nakita mo pala kami." seryosong sabi ni Isaiah habang nasa silid ni Miracle ang tingin.

"Gusto ka rin ba nya?" tanong ni Hyera.

Nilingon ni Isaiah si Hyera nang may napipikon na tingin.

"Hindi." agad na sagot ni Isaiah saka muling nag-iwas ng tingin.

"Bakit hindi ka nalang sakin? dahil ako, gusto kita."

"Hindi kita gusto."

Ayaw mang makasakit ng damdamin ay pinili ni Isaiah na diretsohin si Hyera. Bahagyang natigilan si Hyera saka pinilit matawa bago nag-iwas ng tingin, napapahiya.

"Bakit naman? pareho lang naman kaming matapang at malakas." kampante parin si Hyera.

"Mas higit sya."

"Sa itsura? o sa tapang at lakas?"

"Sa lahat."

Hindi na nagawang magsalita ni Hyera nang matanaw nyang palapit sina Samuel at Elizabeth sa kinaroroonan ni Isaiah. Nagtataka na ang mga tingin nito habang papalapit sa kanila.

"Naabala ba namin ang paguusap ninyo?" tanong ni Elizabeth.

"Hindi, mauna na ako." paalam ni Hyera saka tumayo.

Ngumiti pa muna sya bago tumalikod at naglakad paalis. Huminga ng malalim si Hyera saka inis na umirap sa ere bago nagpatuloy sa paglalakad patungo sa gitna ng gubat na hindi nalalayo sa kampo. Sinigurado muna ni Hyera na pagod ang lahat bago nila isagawa ang planong pagpapabagsak sa kampo na kinabibilangan nya. Nasa gitna na rin ng gubat ang kanyang mga kasama na lihim pang pinasok ang bungad ng Sulbidamya para lang isagawa ang plano ng kanilang lungsod na pahinain ang pwersa ng Sulbidamya.

Sila Isaiah, Elizabeth at Samuel ay tanaw si Hyera paalis. Naupo sila sa gilid ni Isaiah saka nila nilingon si Isaiah na nasa silid ni Miracle ang paningin.

"Pinagpapalit mo na si Miracle?" pang-aasar ni Samuel, natawa lang si Isaiah.

"Nangungulila na sya sa yakap ni Miracle." nangaasar ang mga tingin ni Miracle.

"Atupagin nga ninyo 'yang relasyon nyo huwag ang amin." nakangising sambit ni Isaiah.

"Kung makapagsalita 'to akala mo naman may relasyon sila, eh hindi ka nga gusto non." natawa si Samuel matapos iyong sabihin.

"Manahimik ka nga, baka umiyak 'yan." pangaasar rin ni Elizabeth.

"Kung ako sa inyo ay ititikom ko nalang ang bibig ko kung wala akong magandang sasabihin." ngumiwi si Isaiah saka muling nag-iwas ng tingin.

"Ihanda ang mga armas!"

Nawindang sila sa sigaw na iyon ng isang bantay. Agad na binunot ng tatlo ang sariling mga pana saka tumayo upang maghanda. Ang mga bantay ay nagsimula nang magpalipad ng sariling pana, ang ilan naman ay sumugod habang hawak ang sariling espada. Ang mga batang nasanay na ay hinawakan rin ang kanya-kanyang pana, ang mga musmos naman ay hinawakan ang mahahabang kahoy na may matulis na bakal sa dulo.

"Bakit ba nagliliparan ang mga pana!?" tanong ni Samuel habang pinalilipad narin ang mga pana.

"Huwag ka nang magtanong!" ani Elizabeth saka umabante at pinasok ang ilan sa mga masusukal na bahagi ng gubat.

Ang bawat anino mula sa malalayo na kanilang natatanaw ay walang awa nilang pinaulanan ng pana. Ikawalang beses na itong nangyari sa kanila, hindi nila alam kung ano ang pakay ng mga gumagawa nito sapagkat sa nakikita nila ay parehong uri ng mga tao lamang ang sumusugod sa kanilang kampo.

"Mag-ingat kayo nakalalason ang mga pana nila!" paalala ni Isaiah.

Lahat ay naghiwa-hiwalay maliban kina Elizabeth, Samuel at Isaiah. Sunod-sunod ang pagbagsak ng mga taong may kasuotan na hindi gaya ng kanila. Ang iba ay bumabagsak mula sa itaas ng puno, ang iba ay nasa likod ng matataas na damo habang ang iba ay nasa likod ng mga puno.

Lahat ng mga bata at mandirigmang bantay sa kanilang kampo ay sinuong ang gubat. Wala nang ibang naiwan sa kampo maliban sa wala paring malay na si Miracle. Walang pinatawad ang bata at matatandang mandirigma ng Sulbidamya, lalo pa't ngayon lamang nangyari ang ganitong klaseng panggugulo sa kampo nila. Nagkataon pang wala ang Pinuno ng mga bantay na si Muron, nasa palasyo ito ng Upper Echelon upang maghayag ng balita tungkol sa pagsasanay ng mga bata.

"Si Miracle!" sigaw ni Isaiah saka bumalik sa kampo.

Sumunod sa kanya sina Elizabeth at Samuel. Nang makarating sa kampo ay nagpunta sila sa silid ni Miracle ngunit ganoon na lamang ang gulat nila sa nakita. Hindi kaagad nakagalaw sa kinatatayuan si Isaiah, Elizabeth at Samuel, marahan silang napatingin sa isa't-isa.


________________

follow, comment and vote.

DON'T CRY MIRACLE (Miracle series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon