Look at the stars...
Look how they shine for you...
And everything you do...
They were all yellow...
Nakaupo ako sa bubong habang nakatingin sa madilim na kalangitan. Nagkikislapan lahat ng bituin. Palibhasa ay kaninang takip-silim pa ako nandito kaya ngayon ko palang natatanaw ang buwan. Bilog na bilog ito at kung titigan ay makadadama ng labis na emosyon. Yakap ang dalawang tuhod ay patuloy ko itong tinanaw.
Hindi ko namalayan ang pagpatak ng mga luha mula sa aking mga mata. Hindi ko alam kung saang parte ng aking puso nagmumula ang emosyon na nagdudulot ng mga luhang ito. Hindi pa nagtagal ay pinatay ko na ang musika sa phone ko. Maingat akong bumalik sa kwarto. Anong ingay man ang malikha ko ay paniguradong magigising na naman ang lolo at lola ko, labis na namang mag-aalala.
'Kung ano man ang ikinukubli ng nakaraan, gusto ko na 'yong kalimutan'
Kinabukasan ay isang katok ang bumulahaw sa aking mahimbing na pagkakatulog. Naramdaman ko rin ang mainit na dampi ng sikat araw sa talukap aking mga mata na nagmumula sa bintana. Hudyat na tirik na ang araw habang ako, heto nakahilata parin.
Binuksan ko ang pintuan at mukha ng pinsan ko ang bumungad sa'kin.
"Nami!" Bulyaw niya. Agad niya namang sinuyod ang kabuuan ko. "Gross" Usal pa niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Mag-ayos ka na! We are going to beach!"
"'Di ako sasama." Agad ko namang sagot sa kanya. Sinamaan niya ako ng tingin.
"I'll sumbong you to Mamita, sige!" Banta niya pa. Wala na akong nagawa.
"Wait for me downstairs." Tanging tugon ko at sinara na ang pinto.
Agad akong tumungo sa banyo at saka ko naman nakita ang sarili ko. Gross. Totoo nga naman. Gulo gulo ang buhok at may naligaw pa sa gilid ng aking labi. Agad akong nag-ayos ng sarili. Hindi na'ko naligo dahil sa beach din naman ang punta.
Mula sa aming tirahan, dalawang oras ang biyahe patungo sa nasabing beach. Ngunit nagkamali ako nang inakalang kong iyon na ng beach na tinutukoy nila. Sumakay pa kami ng Bangka patungo sa isang isla.
'Ang ganda!'
Ito ang unang beses na makakita ako ng ganito kagandang isla. Isa itong paraiso. Pino ang malagintong buhangin. May maliliit pang mga alimangong tumatakbo papasok sa kani-kanilag maliliit na butas. Mala kristal na nagkikinangan ang tubig na hindi mahumpay. Tanaw rin ang makukulay na mga bato na nagkukubli sa ilalim nito.
Mula sa aking kinatatyuan ay tanaw ko ang lugar kung saan kami nanggaling. Tanaw ko ang nagtataasang mga bundok siyang mas lalong nagpapaganda sa nakaaakit na paraisong ito.
"Nami! Let's eat na. I'm so hungry na." Usal naman ng pinsan ko kaya sumunod na ako sa kanila. Napakadami ng pagkaing nakahain sa lamesa. Lahat na ata ng uri ng seafoods ay nasa harapan na namin. Hindi na ako nagatubili pa at binusog ang sarili.
Matapos kumain ay dinala ako ng mga paa ko sa dalampasigan. Ramdam ng sakong ko ang init ng buhangin.
'Hays.. Naklimutan ko ung tsinelas ko dahil sa excitement.'
Paika-ikang bumalik ako sa lugar kung saan kami nagtanghalian pero sinalubong na 'ko ng pinsan ko na dala ang tsinelas.
"Thank youu.." Tuwa ko namang tugon.
"Welcome!" Sagot naman niya. "Sasamahan na kita. Magswiswimming din kasi ako banda ron." Turo nya naman sa isang parte ng dalampasigan. Tumango lang ako ng may ngiti at sumunod naman siya nang mauna akong maglakad.
"Lately," ani niya. Nakaramdam ako ng kaba para sa susunod niyang sasabihin. "Napapansin ko na you're not really okay. It's been a long time since the last na nagkasama tayo." Sinserong ani niya. "Ako parin naman 'to Nami. You can always count on me." Dagdag niya pa.
Hindi ko na napigilan ang sarili.
BINABASA MO ANG
My Untold Story
JugendliteraturWhat is the untold? Naiumi Cye Jimenez, isang babaeng tinalikurang ang sariling nakaraan. A past full of longing, anger, torment, and sufferings. She used to live a life that everyone wishes for but, this is the kind of life she wished didn't have...