Chapter 4- Notre

31 8 0
                                        

MAXEN'S POV

'Fvck! Heck!Fvckkkk!!!'

>○<

Sobrang punong puno na ako sa babaeng 'yon. Pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil hindi ko ugali ang manakit ng babae physically!

Kinalma ko ang sarili ko. Dumiretso ako sa cr to cooldown myself.

"Grabe, 'pre. I can't believe na pati ikaw mapagtitripan ni Naiumi! Hahaahahahahahahaha.." ani Kurten. Sinamaan ko siya nang tingin dahil sa inis. Alam kong hindi maipinta ang mukha ko dahil sa labis na galit sa babaeng 'yon!

"Who the hell is that girl!?" inis na inis kong tanong. Hindi parin ako makapaniwala na isang babae ang kayang gawin sa'kin 'yon.

'No! Not me!'

>>>>>-<<<<<

"Si Naiumi 'yon, 'pre. Isa 'yon sa mga nagqualify na mapunta sa Section 1, which is 'yung Taaffiete. Pero hinarang kasi sobrang dami niyang records."

"Records??" Takang tanong ko naman. Simula kinder ay nandito na ako sa school na'to nag-aaral pero kahit minsan ay hindi ko pa narinig ang pangalan niya. Ilang taon din akong nawala sa school na ito. Marami na rin ang nagbago. Lalo na 'yon pagdating ng Payatot na babaeng 'yon. Hindi ako natutuwa sa kanya!

"Simula nang dumating 'yon dito eh parang di ka nawala kasi siya ung pumalit sa lahat ng kalokohan mo." Natatawang usal ni kurten. Hindi ko naman ikinagulat ang balita. "Marami na 'yong napaiyak. Kahit lalaki walang palag sa kaniya." Dagdag pa niya.

"Mali siya nang binangga sa pagkakataong 'to..."

"Hahahahahahahahaha.. Let's see.." Kurten.

Bumaba na kami papuntang canteen. Sa pagkakatanda ko ay tatlo ang canteen dito. Palibhasa ay isang International School kaya sobrang lawak at kompleto ang mga facilities.

'North-East School Internationale'

Nasa elevator kami nang nakita ko ang panglan at logo ng school na nasa taas ng pinto ng elevator. Maraming alaala ang biglang nagbalik. Sa tagal na nawala ako hindi na ako magtataka kung marami na talagang nagbago. Grade 7 ako nang nilisan ko ang lugar na 'to. Tatlong taon na rin ang nakalilipas. Halos lahat ay nakalimutan ko na. 'Yung mga importanteng alaala nalamang ang natira.

"Omg, Keycee. Is that Maxen?" Rinig kong usal ng isa sa mga babaeng nakasabay namin sa elevator.

"Gosh!" Tili pa nang kasama niya na agad na nagtakip ng bibig.

-TING!-

"May nakakakilala parin pala sayo dito, 'pre" usal ni Kurten. Hindi na'ko sumagot.

Ang mga ka batch ko ay paniguradong nasa Grade 11 na kaya ang lahat ng nasa kaklase ko sa kasalukuyan ay hindi ako nakikilala. Himunto ako ng isang taon before our family decided to move in Iceland. And after 3 yrs., we decided to go back para maasikaso muli ni Dad ang Business niya at hindi na kailangang umuwi pa ng Iceland para sa amin.

My Untold StoryMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon