NAIUMI'S POV
Napakahaba na ng araw na 'to. Lahat nalang ng kamalasan ay na absorb na ata ng kaluluwa ko. Habang itong kasama kong lumabas ay hindi maipinta ang mukha na parang mas minalas pa sa akin.
>_<
"'Wag ka na magsalita kung ayaw mong tumalsik." Usal ko nang akmang magsasalita siya. Sumama pa nga lalo ang mukha niya. Mukha napapamilyaran ko na at sawa na akong makita.
'King ina kanina pa 'yang umaga'
"Tch..." maangas naman asik niya.
"Pwede naman kasi kitang pakopyahin kung gusto mo." Pang-aasar ko. Nag-animo'y clown ang mukha niya, dahil doon ay gusto kong tawanan ang pagmumukha niya. "Kung di ka marunong komopya magaling naman ako magpakopya" natatawang dagdag ko pa.
"I dont fvking need to cheat." Galit na usal niya. Aambahan na sana ako ng suntok ng lumabas ang pinakadabest na teacher sa balat ng tinalupan. Si Ignacio.
"What do you think both of you are doing?" Galit na tanong niya sa amin. Magsasalita na sana 'tong buang. Pero biglang bumaling sa akin ang guro. "Jimenez?" Usal nito na may halong sarkasmo at hindi makapaniwala. "Abay lubos ka nga naman talagang pinagpala." Ngisingisi niyang usal. Ngumisi lang rin ako. Marahil ay hindi niya ako napansin kanina. Tsk.
"Are you cheating??" Agad naman na baling ni Ignacio kay buang. Nanlaki ang mata ni baliw. Hindi ko naman mapigilang matawa.
"What??" Galit na tanong niya na kusa namang natigilan. "No... po..." utal niyang tugon. Pinagtawanan ko lamang siya.
'Ikaw pahiya ngayon, gago!'
"Jimenez??" Usal ni Ignacion. Naghahanap ng paliwanag. Naninindak pa. Ako ata tinatakot nito. "I'll call your adviser." Banta pa niya.
"'Wag na po. Heto po papel ko" usal ko at hinablot ang papel ni buang. "Eto po 'yung kaniya--"
"Wait! I'm not yet done--"
"Ibigay mo nalang manahimik ka na diyan!" Bulong ka asik ko pa sa kaniya. "Hindi po kami nagkopyahan kahit check niyo pa po." ani ko sa guro. Agad naman nitong kinuha ang papel at binigyan kaming dalawa ng nagbabantang tingin. Walang salitang lumabas sa bibig ng nit at muling pumasok sa loob ng room.
Hindi na'ko nagsayang pa ng oras at..
×-× <~ Buang.
Sinikmuraan ko siya. Agad naman siyang napahawak sa tiyan niya habang iniinda ang sakit. Hindi ko na siya hinintay pang makarecover at pumasok na rin sa loob ng room.
'Bagay lang 'yan sa kaniya. Sakit ba naman ng ginawa sa'kin kanina!'
Nag-aayos na ang lahat sa loob ng makapasok ako. Hindi magkanda ugaga ang lahat sa pagpasa ng papel. Nang makarating sa upuan ay agad kong kinuha ang bag ko at sinenyasan na ang dalawa.
"Ser.." tawag ko pa kay Ignacio at sumenyas na lalabas na'ko. Tumango lamang siya. Paniguradong na chinecheck na nito ang papel namin.
"Grabe. Wala ka talagang takot kay Ignacio ano??" Mangha pang usal ni Cleeah. Ngumisi lamang ako. Tinahak naman naming ang daan palabas.
BINABASA MO ANG
My Untold Story
Dla nastolatkówWhat is the untold? Naiumi Cye Jimenez, isang babaeng tinalikurang ang sariling nakaraan. A past full of longing, anger, torment, and sufferings. She used to live a life that everyone wishes for but, this is the kind of life she wished didn't have...